Chapter 17: MANGO CAKE

362 19 10
                                    

[A/N: hiyee dahil sa mga comment niyong natutuwa ako, ginaganahan tuloy ako sa pag update. : ) wala pong kinalaman si emmy sa season na to ha. Hahaha namimiss niyo siya nu? Siguro kasalukuyan pa niyang pinagiipunan ang pagpapaplastic surgery kung magpapaplastic surgery man siya. Haha sige na gagawan na kita ng fansign. Pm mo lang sakin kung anong name mo :) ingat ka sa pagaarmy mo. mamimiss ka namin at ang creative na imagination sa mga comment mo]

M A N G O  C A K E  L O V E  S T O R Y

[KIM]

Hindi ko alam, pero hindi na din mawala sa labi ko ang ngiti kong kanina pa nangangawit. Iba talaga pag tinamaan ka nu, eto na nga siguro yun.

 

“Ka, anong gusto mo unang gawin natin? Yung pagtatago sa identity mo o yung pagbili ng ingredients?”

“Kahit ano, sagot mo naman diba?” yan nanaman siya, wala nanamang kaemosyon-emosyon. “Teka nga sandali” bigla siyang lumapit sa akin saka pinisil yung mukha ko “Anong ngyare sayo ha?”

“Ha?” napansin niya ata na namula ako.

“Ahh wala” sabay hampas sa mukha ko pero mahina lang naman “Akala ko kasi nag sardonic smile ka na dyan.” tapos bumalik nanaman siya sa pagaayos ng gamit. “Unahin na lang natin yung flavors bago natin asikasuhin yung identity ko”

“Ahh okay sige” sabi ko na lang

“Basta siguraduhin mo, everything will be on our control”

“Isasama ba natin yung mga bata?”

Nakita kong palihim na hinila ni Maica si Ka at kinausap ito.

===== 

[KA]

Maica: Sigurado ka ba sa gagawin mong ito?

Ka: Oo

Tinignan niya ako sa mata ng matagal, alam kung tutol siya.

Maica: Kung yung paaralan lang ang iniintindi mo…

Ka: Hindi lang iyon ang dahilan ko. Hindi habang buhay, ako si Ka. Nakakatakot dahil mapapalapit tayo sa lugar na minsan nating tinakbuhan pero ito ang susi sa katotohanan. Gusto mo rin namang bumalik ang ala-ala ko diba?... Maica, bukod sa kung sino, ikaw lang ang pinakapinagkakatiwalaan ko.

Kim: Ah, Ka may oras pala yung sasakyan nating boat.

Bigla niyang sigaw sa amin.

Ka: “Hayaan mong isipin niya ang mababaw na dahilan sa pagpayag ko,”

⚢HERSHEY'S [SPECIAL EDITION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon