"Good morning class"
Napataas ang tingin ni Mary mula sa binabasang libro. Maaga siyang pumapasok at natapos na niya ang pag rereview kaya naman naisipan niyang ituloy ang pagbabasa sa librong Magnus Chase na gawa ni Rick Riordan.
Isa sa pinakapaborito niyang manunulat ay si Rick Riordan simula ng mabasa niya ang Percy Jackson series nito na pinag ipunan pa niya para lang macollect ang buong series. Sa ngayon nga ay ang Magnus Chase ang pinakabago nitong gawa kaya naman kahit kakalabas palang nito sa bookstores ay naglabas siya ng pera mula sa naipon niya para lang mabili ang libro.
Plano niyang magdagdag ng oras sa pagtatrabaho sa Pete's, ang maliit na restaurant na pinagtatrabahuan niya as part time waitress, para mabuno ang kinuha niya sa pambili sa libro.
Dahil mukhang magsisimula na ng klase nito si Mrs. Florencio ay itinago na niya ang libro sa bag. Kilalang strikto si Mrs. Florencio sa klase at mahirap ng mahuli siya nitong may librong walang kinalaman sa aralin. Ayaw niyang isipin pero maaaring kumpiskahin nito ang libro. Yes, she's strict like that. Isang beses ay kinuha nito ang isang romance pocketbook na nasa lamesa ng isa sa mga classmates niya dahil ayun dito ay hindi magandang materyal sa pag aaral at edukasyon ang pagbabasa ng mga romance books and magazines. Hindi man romance ang genre ng Magnus Chase ay ayaw niyang makipagsapalaran at baka mauwi sa wala ang mahigit limandaang pisong ginastos niya sa libro.
Plus, baka next month pa uli niya mabili ang libro kapag kinuha ito ni Mrs. Florencio dahil sa sunod na buwan pa siya ssweldo.
Inayos niya ang pagkakaupo at pati ang palda na hanggang tuhod. Kulay itim ang palda nila at may mahabang medyas na abot hanggang tuhod. Ang pang itaas naman ay kulang puting blouse na may necktie na kulay itim. Sa kaliwang bahagi makikita ang logo ng eskwelahan at sa itaas nito ay ang nameplate niya at ang section.
Habang nagtatawag si Mrs. Florencio para sa attendance ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking magulo at wavy ang buhok. Abot hanggang batok ang buhok nito at may suot pa itong itim na wayfarer sunglasses. May sukbit itong backpack sa kanang balikat na base sa tatak ay mukhang mamahalin. Naka sneakers lang din ito na may check sa gilid na kulay puti. May makikitang ink sa braso ng lalaki mula sa nakalabas na balat na mukhang abot hanggang sa ilalim ng leeg.
He looked...bad. Good looking but dangerous.
"You're late Mister" nakasimangot na sabi ni Mrs. Florencio sa lalaki.
Ngumiti lang ang lalaki at nagkibit balikat.
As usual...
He doesn't fear anyone. He doesn't care about attendance or dress code or high school. Why would he?
If people would probably stop seeing and praising him as if he's a some kind of a modern hero or like the reincarnate of Hercules, then he wouldn't have this absolutely horrific ego.
Or not...
Don't forget that even before he came at this school, he was already a well known race car driver, an international race car driver at age 15.
Who's a descendant from one of the richest families in the world.
Who can, not only buy a thousand of Marcus Chase' books but can probably even buy a whole bookstore.
Well, kahit gaano pa kaganda ang family background niya, wala pa ding kaaya aya sa lalaking walang ginawa kundi magpalit palit ng girlfriends at higit sa lahat mambully.
Yes. The guy in front who is now looking at her, with a smirk and an all knowing smile, is a bully.
BINABASA MO ANG
Catching Mary
Teen FictionMary, the kind, shy but smart girl who have always been a nobody. Someone who doesn't get noticed. Someone who is happy as a simple and unknown girl. What if she meets a guy who, not only sees her but makes her frustrated and aggravated 99% most of...