Makalipas ang halos isang linggo ay hindi pa rin naibabalik ni Mary ang gold box ng Bully. Una, busy ang soccer team sa practice, base sa mga naririnig niyang usapan sa school, mukhang may malaking game sa Friday kaya todo paghahanda. Kasama sa mga abala ang mga cheerleaders.
Naging abala na rin siya sa pagtapos sa article na naka assign sa kanya sa school paper nila, ang The Jury.
The only thing left na kailangan niyang tapusin ay ang interview sa isa sa members ng soccer team. Dahil na rin sa nalalapit na game ay sila ang pinaka hottest topic para sa paper.
Ang captain ng team ay ang kinaiinisan niyang tao at wala siyang planong interview-hin ang bastos na yun pero nakaisip na siya ng magandang ideya.
Instead na si Sprint Brennan, si Ivo Mcken nalang ang kukunan niya ng feedback.
Isa din naman siya sa may pinakamaraming admirers sa school and he's a one heck of a player.
Satisfied with her plan and wearing her reading glasses, huminto siya sa classroom na kung nasaan si Ivo. She knows that this is his last subject.
Sumandal siya sa pader sa tabi ng pintuan ng classroom. She has at least 2 minutes before the bell rings. She has her recorder ready, her pen, her notebook and she has mentally prepared for this interview.
Maya maya nga ay tumunog ang bell signal na tapos na ang oras para sa klaseng yun. Students poured out from the classroom and she patiently waited for Ivo to step out.
Maya maya ay may huminto sa harap niya.
Agad na sumimangot ang mukha niya pagkakita sa lalaki.
"So you're also following me now huh? Stalker alert?"
"You wish Brennan. Hinihintay ko si Ivo".
"What do you need from him?" He asked with an edge on his tone.
"Wala kang pakialam". Sagot ko sabay silip sa loob ng classroom.
Hala, did I miss him?
Wala ng tao sa room maliban sa Teacher.
"Nasan si Ivo?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay nakabusangot na.
"He's out. Personal reasons".
"Huh?"
Naku, last day na para tapusin ang article. I left this part para makapaghanda ako sa magiging interview namin ni Ivo. Bakit ba hindi ko naisip na baka may plano siya today? Dios mio naman.
Tumalikod na ang Bully at naiwan akong nag iisip kung ano ang pwedeng gawin.
"Wait!" Tawag ko kay Sprint Brennan.
Hinawakan ko siya sa braso para mapahinto. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya agad ko namang binawi ang kamay ko. May nagdaang emosyon sa mata niya pero masyadong mabilis kaya hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin.
"Ano, si Fort, nasan?"
Tumaas lang ang kilay niya sa tanong ko. Eto ang pagkakataong hindi siya approachable. He looked intimidating and cannot be reached.
I guess I have to explain more.
"Well, you know The Jury?"
He only cocked his eyebrows on me so I decided to continue.
"Well, I'm a writer".
"I know that"
Nagulat ako but I continued."Okay, I-I was assigned to set an interview with the Soccer team so kailangan ko sanang makapag interview ng member today. As in today kasi deadline na".
"Let's go"
"Ha? Saan?"
"Interview. Nagugutom na din ako. Isabay na natin sa interview mo"
"W-wait, sino iinterview-hin ko?"
"Who else?"
Huh? He didn't mean it like he was referring to himself right?
He had several interviews before na may kinalaman sa soccer and racing.
Pero...
Ayoko siyang kausapin! Diyos ko, ano ba namang kamalasan to.
BINABASA MO ANG
Catching Mary
Fiksi RemajaMary, the kind, shy but smart girl who have always been a nobody. Someone who doesn't get noticed. Someone who is happy as a simple and unknown girl. What if she meets a guy who, not only sees her but makes her frustrated and aggravated 99% most of...