Halos limang minutong lakad lang ang field pero pakiramdam ko ay nag marathon ako sa bilis ng pintig ng puso ko. Tahimik lang din ang kasabayan ko sa paglalakad na si Ivo. May dala siyang soccer ball na kasalukuyan niyang ipinapasa pasa sa dalawang kamay. I can also hear a low humming sound coming from him. I'm not familiar with the song but it sounded good.
I looked sideways to have a glimpse of him and I saw him with a small smile on his lips.
He's so charming and adorable.
Bigla siyang napatingin sakin kaya naman napayuko uli ako. I heard him chuckled.
Nakakahiya na. Isipin niya gustong gusto ko siya. Ano ba naman yan Myself? Uso din ang wag ipahiya ang sarili.
"Will you stay and watch the game?" Tanong ni Ivo habang papasok kami sa entrance ng field. Nakikita ko na ang iba pang players na naka soccer uniform lahat at ang coach na si Mr. Chua.
"Naku, hindi eh. May ibabalik lang talaga ko kay B--kay Sprint Brennan. Alis na rin ako pagkatapos"
"Ah" he looked nonchalant.
Haha. I don't think he was inviting me to watch him play. More of conversation fillers lang para hindi awkward na hindi kami nag uusap.
Nakikita ko mula sa kinatatayuan namin ngayon si Bully. Sakto na nag-kick siya ng bola papunta sa goal na kahit nahawakan ng goalie ay nakalusot pa rin patungo sa net.
He smiled. Not a smirk. Just a happy smile.
Nakakagulat. Ngayon ko lang ata nakita ang ganitong expression mula sa kanya. He looked...real.
Not that he is a fake. Most of the time he has this unapproachable aura which gives off an impression that he is above anyone else. Must be a natural instinct. He is, indeed, a prince of his family's huge conglomerate.
Napatigil siya at nabura ang ngiti niya nang makita ako sa field. He looked confused. Nagtataka siguro kung bakit ako nasa field katabi ni Ivo samantalang hindi naman ako sports fan. Sa katunayan, sa loob ng ilang taon ko sa eskwelahang ito ay mabibilang lang ang pagkakataong nagawi ako sa field.
BINABASA MO ANG
Catching Mary
Fiksi RemajaMary, the kind, shy but smart girl who have always been a nobody. Someone who doesn't get noticed. Someone who is happy as a simple and unknown girl. What if she meets a guy who, not only sees her but makes her frustrated and aggravated 99% most of...