The search

16 2 0
                                        

Well, I looked for the bully when we were sent on lunch and break. Hindi ko pa rin siya mahanap. Na try ko na sa lockers area, wala. Sa gym, wala. Sa rooftop, wala. Pati sa CR ng mga lalaki wala rin.


Tapos na ang lahat ng klase ko ngayong araw. Kaklase ko rin dapat sa PE na last subject ko kanina si Bully pero hindi rin siya sumulpot sa gym.


Palabas na ko ng gate ng school ng mapansin kong pasalubong sa akin at may hawak na bola ang Soccer team. Naka uniform pa ang mga ito at mukhang papunta sa field para magpractice. Nagkukulitan ang mga lalaking karamihan ay seniors na tulad ko.


Nakayuko ako at hinawakan ng mahigpit ang bag. Gumilid din ako para hindi nila ako mapansin.


Nang ilang pulgada nalang ang layo nila ay may paang tumapat sa harapan ko. Tuloy tuloy pa rin ang usapan ng mga kasamahan nito pero ang lalaking nasa harap ko ay tahimik lang. Nag side step ako at nanatiling nakayuko.


"Where the heck is Sprint? He's already back, isn't he?" Narinig kong tanong ng isa na halatang may american accent. Malamang ay si Fort iyon, siya ang Goalie ng team at Half American Half Chinese.


"Yeah dude. Nasa field na siya" sagot ng isang lalaki.


Dahil doon ay napataas ang tingin ko.


So, nasa field na siya ngayon. Hindi ko siya nakita dun kanina ah.


Pagtingin ko sa harap ay nakangiti sakin ang isang moreno at matangkad na lalaki.


Bigla akong nabilaukan. Well, kung may kinakain ako ay nabilaukan ako pero dahil wala ay safe sigurong sabihin na nabilaukan ako sa laway ko. Gross but that's the only way for me to describe what I felt.


In front of me is Ivo, ang mid fielder ng team at nagtransfer sa school last year. He's also a senior pero magkaiba kami ng section so lahat ng minor subjects ko ay hindi kami nagkikita. However, kasama siya sa The Jury, ang school paper ng Westale, na kinabibilangan ko rin.


Smart, handsome and mabait. Iyon si Ivo.


Siya rin ang dahilan kung bakit naiiisip kong magpalipat ng section.


"Uhm, ah, h-hi" pilit at tabinging ngiti ko sa kanya.


"Hello" nakangiti rin niyang sagot. Nakalagpas na ang mga kasama niya sa team pero naiwan siya sa harap ko.


He has always been so nice and polite. Gentleman din. Nakita ko siyang binitbit ang mga dala dala ni Mrs. Florencio isang beses. Minsan din ay nakita ko siyang pinagbuksan ng pintuan ang Calculus Teacher namin sa room ng magkasabay sila.


Walang bad bone sa katawan at ultimate good boy.


Yun ang tawag sa kanya sa Westale High.


"S-si Bu, I mean...si Sprint Brennan, nasa f-field siya ngayon?"


"Yes. Sabi ni Ben, oo daw. Why?" Nakataas ang kilay na tanong niya.


"Naku, m-mali ka ng iniiisip. Hindi ko siya hinahanap dahil sa kung ano mang iniisip mo. Ahaha" namumula kong sabi. Pakiramdam ko ay iniisip niyang crush ko si Sprint kagaya ng halos 90% ng girl population ng Westale.


"Well, I'm thinking that you may have something important to ask or to do which is why you were interested to know where he is" nakangiti pa ring sabi niya.


"Ah, haha. Oo nga. Tama. Ano, may kailangan sana, ano, akong ibigay sa kanya".


"Okay. Sumabay ka na sakin then. Baka makawala ka pa sakin eh".


"Huh?" Nahihilo na ata ako kasi kung anu ano ang naririnig ko. Imposibleng tama ang pagkakarinig ko sa kanya.


"Hahaha, nothing. Let's go?"


Tumango lang ako at sumama na sa kanya papunta sa field.



Dahil sa paghahanap ko sa bully na yun, nakasabay at nakausap ko pa ang crush ko

Aba, mukhang okay na rin ang nangyari kung ganon.


Catching MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon