The journal

14 2 0
                                        

Dear J,


So, hindi ko na nakita si Bully pagkatapos ng klase kanina. Nasa akin pa rin ang gold box na ibinato niya sa akin. Well, kung hindi importante sa kanya ang box na to ay problema niya na yun.


Una, siya ang nagbato sakin nito.


Pangalawa, hindi kami close para hanapin ko siya.


Pangatlo, bully siya, masama. Itim ang budhi.


Pang apat, marami naman siyang pera so makakabili uli siya ng ganito kung kailangan niya talaga.


Panglima...hindi ko alam kung bakit nakokonsensya ako na baka importante nga sa kanya ang box na to. Maaaring binili niya to para sa sarili niya o para sa isang taong mahalaga sa kanya. At, kahit gaano ko siya sinusumpa, parang hindi ko naman matiis na hindi matanggap ito ng taong pagbibigyan niya.

Catching MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon