A divine intervention

16 2 0
                                        

Umayos na ng upo si Mary at nagsimulang buklatin ang pahina kung saan sila huminto mula sa huling klase nila kay Mrs. Florencio, ang reproduction process.


Naramdaman niya ang paggalaw ng upuan mula sa likod. Pailalim niyang tiningnan ang nasa likuran at hindi nga siya nagkamali. Sa likod niya, na suot pa din ang wayfarer nito at naka slouch ay ang lalaking isinusumpa niya ang pagkabuhay sa mundo.


"Mister Brennan, do you mind taking your sunglasses off while you're inside my classroom?"


"I mind" mayabang nitong sagot kay Mrs. Florencio.


Strikto man ang guro pero hindi maipagkakailang isa ito sa pinakamahuhusay sa eksklusibong paaralan ng Westale High School. Pero dahil malakas ang pamilyang Brennan sa eskwelahan ay ganon na lamang kung umakto ang bully.


Bully.


Siya lang, ayon sa pagkakaalam niya, ang tumatawag sa lalaki sa likod niya ng ganon. Ang iba ay Idol, Superstar at Champ lalo na doon sa mga sports fanatic sa eskwelahan. Lalo siyang naging object of heroism ng mga estudyante noong naging soccer player siya ng Westale.


A racer and a soccer player


Huh! Eh di siya na.


Ang mga kababaihan naman ay mas makulay ang tawag. Mayroong Adonis, Olympus God at kung anu ano pang pangalan na para sa kanya ay nakakainsulto sa totoong Adonis or Greek Gods.


Not that he's not good looking but he's just so, so.... Mean.


Mrs. Florencio sighed and just continued with her roll call. As usual, she can't complain when it comes to him because he's the one and only Sprint Brennan.


Maya maya ay naramdaman niyang may humihila ng buhok niya na ngayon ay naka fish braid. May ribbon sa dulo ng braid na nagsisilbing tali.


And here he comes...


Instead of complaining, she moved her chair upfront and moved the end part of her hair in front of her left shoulder.


Maya maya ay may pumitik sa batok niya. Hindi niya napigilang lumingon sa lalaking ngayon ay nakasimangot at wala ng suot na dark glasses.


Kitang kita niya ang gray na mga mata nito na may mahabang pilik mata. May hawak hawak itong pahabang bagay na nakabalot sa isang gold plated bar type box.


"Ano na naman ang problema mo?" mahina niyang sabi pero may diin ang mga salita.


Mahinahon siya sa halos lahat ng pagkakataon pero pagdating sa isang Sprint Brennan, makita palang niya ang buhok nito ay umiinit na agad ang ulo niya.


Tiningnan lang siya nito ng may nakasimangot pa ring mukha.


"What?" Nanlalaki ang matang tanong niya sa lalaki.


Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang nakakainis na ngisi nito.


"Wala. Kakabadtrip lang talaga makita ang mukha mo sa unang araw ko pagbalik sa eskwelahan. I mean, akala ko pagkatapos ng summer vacation ay medyo aayos ang mukha mo at maambunan ka man lang ng konting ganda pero mas lalo atang lumala ang kapangitan mo. I mean, come on, ano ba ang ipinapanligo mo at ganyan ka kapangit?"


Umuusok at halos madurog ang ngipin ko sa pagtitimpi sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Kung hindi lang ako mawawalan ng scholarship sa eskwelahang ito kapag nadamage ko ang mukha niya ay gusto kong hambalusin siya at pagkatapos ay padaanan ng pison para madurog ang ilong at ngisi niya.


Kung legal lang ang makapatay ng tao ay unang una sa listahan niya ang mayabang na to.


"Una, hindi ko kasalan na ngayon ka lang pumasok. 2 weeks ago pa natapos ang summer vacation so kung ngayon mo lang nakita ang so called kapangitan ko ay magreklamo ka sa baranggay. Pangalawa, may klase tayo. Have the decency to shut up and let other people like me study dahil hindi lahat katulad mo na nakahiga sa ginto" instinctively ay napatingin ako sa hawak hawak niyang gintong pahabang box.


I mean, kung ano man ang laman nito ay siguradong mamahalin. Ang lalagyan ay mukhang libo libo na ang halaga and knowing him, he's definitely the type who only buys expensive things.


Nakangisi lang siya sakin and rolled his eyes as if what I said completely bored him.


Tumalikod na uli ako ngunit bago ako tuluyang makaharap sa unahan ng klase ay nahila niya ang tali ng fish braid ko dahilan para mapabalik ang tingin ko sa kanya.


Akmang sisigawan ko na siya ng maramdaman ko ang pagbato niya ng hawak hawak niyang golden bar box sakin na tumama pa sa noo ko. Nasalo ko man ito pero ramdam ko pa rin ang pag iinit ng noo ko sa ginawa niya. Alam kong namumula na rin ito ngayon.


"Sumusobra ka na Brennan ah" sigaw ko sabay tayo. Hawak hawak ko pa din ang ibinato niya sakin na plano kong itusok sa mga mata niya pag nagkaroon ako ng pagkakataon.


"What is happening Miss Soriento?"


Natamihik ako sa galit na boses ni Mrs. Florencio.


Shucks. Lagot ako. Baka ma principal's office ako nito. Hala. Paano nalang ang scholarship ko...

"Uhm, ano po, k-kasi may, may..."


Sprint Brennan stood up and walked out of the room leaving me his gold box, making Mrs. Florencio forget why I yelled and stood during her class.


I sighed silently. 

I'm happy he is the rebel that he is, at least, I got saved!



Whew! Must be a divine intervention.


Catching MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon