Aria Cristel Montejo
"Wala pa ho bang donor?"
Hinawakan ko ang kamay ni mama. Naramdaman kong humarap sya sakin. I manage to smile at her para naman maibsan ang nararamdaman nya.
Gusto kong ipakita na kahit ganito kaya ko. Ayokong ma down sila lalo na sa sitwasyon ko.
"Mama okay lang. Hindi na rin naman ako umaasa,"
"Ria.." she whisper. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa gilid ng higaan. She caress my face and kissed the back of my hand.
"Mama wala naman pong kaso sa akin kung ganito e. Okay na sa akin na nandito kayo sa tabi ko,"
"No, we won't let you be like this Aria. Hindi ako papayag," her voice almost broke me but I did try my very best to hide it.
"We can talk about it later Mrs. Montejo," Dinig kong paalam ng doktor pagkatapos nun ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni mama. Gumanti ako at dun na talaga bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tanya Marie Cortez
"Tanya, this relationship... we should end this," nag-iwas sya ng tingin na dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"Anong ibig mong sabihin? Nakikipag break ka ba sa akin?" Matigas na tanong ko sa kanya. Hindi nya ako binalingan ng tingin bagkus tumango lang sya.
"I'm sorry," bulong nya na parang bang nasasaktan din sya. Hahawakan nya pa dapat ako pero nag-iwas ako at sinamaan sya ng tingin dahilan para mapaatras sya ng kaunti.
"Wag mo akong hahawakan. Tsaka pwede ba lumayas ka na muna sa harap ko?" Nag-iba bigla ang emosyon ng mukha nya. Parang mas lalo itong nadown.
Napasinghal ako habang nakikipag tagisan ng titig sa kanya. May gana pa talaga syang ipakitang nasasaktan din sya ha? How dare he? He try to touch me again pero agad akong nag-iwas.
"Tan-"
"Layas!" then after that. He's gone.
Tumingala ako at kung pinaglalaruan ka ba naman ng tadhana o. Nasilayan ko nanaman ang bagay na ayokong makita ngayon.
Gaya ng dati maning-ning pa rin sila. Nakakatawa ngang isipin yung nangyari nun. Maningning din ang bituin at walang pinagkaiba sa mga nakikita ko ngayon. Pero yung ningning na yun-hindi ko aakalaing iyon din pala ang isa sa magiging dahilan ng pagkawala sa akin ng lahat.
Kung nagawa ko lang alisin ang paningin ko sa mapanlinlang na bagay na yan e di sana- e di sana hindi pa huli ang lahat. Hindi sana sila namatay...
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Bakit ba puro na lang masasakit na bagay ang nangyayari sa buhay ko? At bakit lahat ng masasakit na bagay nangyayari lagi kapag nagnining-ning ang mga bituin sa kalangitan?
Sittie Mayi Horan
"What the fudge!" I shouted when someone drops his shake on my clothe. Napatayo ako at agad pinunasan ang parte kung saan ito nabasa.
"Sorry," He apologizes. I look at him seriously na dahilan ng pag-atras nya at pagiiwas ng tingin.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya. This guy is really weird. Ang tagal ko na syang classmate but no one has ever notice him- even me. Hindi ko nga minsan ramdam na pumasok pala sya. Tapos yung glasses nya sobrang kapal and his clothes- masyadong out of fashioned.
"Don't mind it. Just get your face out of my sight please?" I said at pinagtuunan muli ng pansin ang damit ko.
I was busy cleaning up my clothe ng mapatingin akong muli sa kanya. He was looking at me like he was about to say something but he refuse to say it. He turn to his back then walk away like there's nothing happened. I was left hanging by him after that I heard Stacy chuckled at my side.
"That nerd- he's weird," natatawang pahayag ni Stacy. I did not pay attention to whatever she was saying at bumalik na lang muli sa pagkakaupo ko habang nagpupunas. This is disgusting! Nanlalagkit ako!
"Hey, Sittie easyhan mo lang baka mapunit yang top mo dahil sa kakapunas," She chuckled. I glare at her making her shut.
"This is helpless," I said then I stood up and put my bag on. Stacy do the same thing then we both walk away from that cafeteria.
Dumiretso kami sa ladies comfort room kung saan naroroon ang mga lockers namin for personal use like clothes.
I open the door of my locker pero natigilan ako ng may mapansin akong puting paper bag dun. I took it then I walk to the nearest chair. I was about to open it when Stacy interrupts.
"Ano yan?"
"I don't know. Pano ba naman bubuksan ko na nga kaso bigla ka na lang nanggulo," biro ko. She pouted na dahilan ng pagtawa ko. Kasi naman pumuputok yung red lips nya kapag nag papout sya.
"Buksan mo na nga lang yan," naiirita nyang sabi.
"Opo haha,"
Binuksan ko na yung paper bag at laking gulat ko nang may laman itong damit. Hindi lang basta damit kundi branded na damit.
I took it at pinagmasdan. T-shirt lang sya pero ang ganda ng pagkakadesign pati yung tela- kakaiba pero maganda. My eyes can't stop looking at it.
"Kanino galing yan?" Stacy asked at my side. I just shrug my shoulders. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot sa kanya kasi hindi ko rin alam kung kanino nanggaling to.
"Look may note sa loob," Stacy again. She took the paper bag from me. She put her hand inside at dun ko lang nakita na meron ngang papel sa loob. She gave it to me at kinuha ko naman.
"I don't know how to apologize but I hope this thing would be enough to pay your clothe. If you don't like it just tell me?" basa ko sa nakasulat. I heard Stacy chuckle.
"You know what? He's sweet din pala," may halo sa tono nito ang pang-aasar. I glare at her making her shut again.
"He's insane. He doesn't know how much this thing cost. This is the most expensive brand. I can't accept it,"
"Kung ako sayo Sittie tatanggapin ko na lang. Sayang naman kasi ang effort ni nerdy," kinuha nya sa kamay ko yung t-shirt at tinitigan din at ang loka pangiti-ngiti na parang tanga.
Muli kong binalik ang aking tingin sa papel na hawak. Kahit kailan ang weird nya talaga. He doesn't know how to waste his money kamo hindi yung he doesn't know how to apologize. What a weird reason hindi ba?
YOU ARE READING
Counting Stars
RomanceNot only Stars can light up the darkness, and darkness will not grew when the light is still there.