# 2

14 3 0
                                    


Sittie Mayi Horan

I was reading my book when someone took it. Napaangat ako ng tingin then I saw his devilish smile. I glare at him pero mahinang tawa lang ang tanging isinagot nya. As always sya lang ang nakakagawa nyan sa akin.

"Hi babe," naglean sya at akmang hahalik but I push him. I took my book away from him at saka sya nilagpasan pero natigilan ako when I heard his smirk at my back.

"Oh my sweet Sittie. Bakit ba ang pakipot mo?" He whisper in my ears. Lumayo ako at marahas syang hinarap. Tinignan ko sya ng masama but he's just smirking like a devil.

"Lance, how many times do I have to tell you to leave me alone!" sigaw ko pero hindi sya nagpatinag. He reach for my wrist but I put it away from him.

"Not again, Lance. I'm completely done with you,"matigas kong pahayag bago ko sya iniwan doon.

Tumigil ako sa paglalakad nang mapansin kong nakalayo na ako. Napahawak ako sa katabi kong puno dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. I let out a deep sigh. Akala ko talaga bibigay na ako. Thank God at buti na lang hindi.

I don't want to be his victim. Not again. Not this time. Masyado na akong nasaktan sa lahat ng mga nangyari I think that's enough para tumigil na akong mahalin ang katulad nyang dinaig pa ang demonyo sa kasamaan.

Yes, he's an evil. A pure evil. Seeing someone crying in front of him is his happiness. He really likes it when he knows that you're hurting. That's why I decided to go. Pero yung nangyari kanina habang nakatingin ako sa mga mata nya, parang bumabalik lahat-lahat ng sakit na binigay nya. Yung pakiramdam na para kang pinipiraso-piraso hanggang sa wala nang matira pa para sayo.

Napahid ko ang luha kong hindi ko namalayang tumulo na pala. Kasabay nun ang pag-upo ko. Isinandal ko ang aking katawan sa puno saka ko niyakap ang aking mga binti at dun ako nagsimulang humagulgol.

Naiinis ako sa sarili ko na bumibigay nanaman ako sa panunukso nya. I hate myself for being so stupid and weak again. Ang hina-hina ko nakakainis.

"Here,"napa-angat ako ng tingin nang may narinig akong nagsalita. Kumunot ang noo ko pagkakita ko sa mukha nya. Tinitigan ko lang sya hanggang sa mapansin ko yung kamay nya na may panyo sa aking harapan.

"Take it," he simply said. Napaangat ako ng tingin uli sa kanya. He signs me to take it. I don't know why but I did what he wants.

Agad ko namang pinunasan ang basa kong mukha. Grabe nakakahiya. Someone saw me crying at ang nakakita pa talaga e itong weirdy nerd na to. Habang nagpupunas pa rin- naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko.

Nilingon ko sya at sakto naman na nakatingin din sya sa akin pero nag-iwas rin sya agad. Ang ending napatingin na lang din ako sa soccer field na katapat lang namin.

"Please don't tell this to anyone," pakiusap ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagtango nya. "Nga pala. Thanks," dagdag ko.

Tumingin ako muli sa kanya pero sa soccer field lang sya nakatingin. I don't know pero parang may something sa kanya o di kaya talagang weird lang talaga sya?

"You know what ang weird mo," I whispered out of the blue.

He immediately look at me making me gasp. Akala ko hindi nya narinig. Narinig nya pala. Ang bobita mo talaga Sittie. Hindi ka nag-iingat sa mga sinasabi mo! Sermon ko sa sarili.

"Ano...,"

"I know," putol nya sa akin. Tumayo sya at akmang aalis na nang hawakan ko ang dulo ng damit nya para pigilan sya. He turn his head to look at me.

"Thank you sa t-shirt. You don't have to do that," I said then I smile at him pero hindi sya gumanti instead he gently took my hand away from his shirt.

"But I have to," he simply said before he continue to walk away. Napataas naman ang kilay ko sa inasta nya.

Tignan mo to. Ako na nga ang nagthank you tapos sya pa ang may ganang magsungit. Kainis hindi naman kagwapuhan pero kung umasta. Arghh!

____

Aria Cristel Montejo

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pintuan kasabay nun ang mga pamilyar na yabag. Napangiti ako dahil kilalang-kilala ko ang mga yun. Dahan-dahan lang ang mga yabag na para bang tumatakas habang tulog na ang lahat.

"Kuya Gelo alam kong ikaw yan," natawa ako ng mahina dahil narinig kong bumuntong hininga sya. Anong akala nya, malakas kaya ang pandinig at pakiramdam ng mga bulag kesa sa normal na tao no.

Naramdaman ko ang pag-upo nya sa gilid ng kama ko kaya umayos ako ng upo. Nginitian ko sya at narinig ko naman ang pag-ngisi nya.

"Akala ko hindi mo ako mahuhuli. Ang galing talaga ng kapatid ko," sabi nya kasabay nun ang paggulo nya sa buhok ko. Inalis ko ang kamay nya at saka sya sinimangutan, narinig ko naman ang pagtawa nya ng mahina dahil sa ginawa ko.

"Aria...," mahinang tawag sa akin ni kuya. Kahit hindi nya sabihin bakas sa boses nya ang lungkot. Ano nanaman kayang problema nya?

"Is there something wrong? Pwede mong iopen up sakin, kuya. Don't worry makikinig lang ako," hindi nya ako sinagot bagkus huminga na lang sya ng malalim, pero nagulat ako nang bigla ko na lang naramdaman ang pagyakap nya sa bewang ko.

"Pwedeng payakap muna ang kuya?" mahinang tanong nya. Tumango ako bilang sagot bago nya isinubsob ang mukha nya balikat ko.

I take a deep breath when I heard his sobs on my shoulders. Nasasaktan ako sa mga kinikilos ni kuya. He doesn't deserve to be like this. He's a very good man kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang lungkot-lungkot nya.

"I have a good news- what's happening here?" Kumalas si kuya Gelo sa pagkakayap sa akin. Narinig ko pa ang pagsinghot-singhot nya patunay na kagagaling nya lang sa pag-iyak.

"Ano to? Nagmomoment kayo na wala ako?" Bakas sa boses ni kuya Andrei ang tampo kaya natawa na lang kami ng mahina ni kuya Gelo. Nilahad ko ang dalawa kong kamay na parang inaaya syang yakapin ako. Ngumisi sya saka ako niyakap. Naramdaman ko pa ang paghigit nya kay kuya Gelo para sumama. Hindi na nakatanggi pa ang kuya at sumama na rin sya.

"Group hug!" sigaw ni kuya Andrei sa pagitan ng pagyayakapan naming tatlo.

Matapos ang ilang sandali humiwalay na rin ako sa kanila. I heard them chuckled that's why I do the same too. I'm really blessed. Kasi kahit na ganito ang kondisyon ko they never fail to make me feel that everything was fine. That no matter what happens they will never leave me. I couldn't ask for more. Basta kasama ko sila okay na ang lahat.

"Nga pala Drei ano yung sinasabi mong good news?" pag-oopen ni kuya Gelo.

"Ah! Yun ba?" Narinig ko ang pagngisi ni kuya kasabay ng paghawak nya ng mahigipit sa mga kamay ko. "May donor na. Maooperahan na ang mga mata ni Aria. Makakakita na sya," he continued.

Napanga-nga ako but when I recovered, agad kong niyakap si Kuya Andrei ng mahigpit. I heard him chuckled by my actions. Hinaplos nya ang buhok ko dahilan para tuluyang tumakas ang mga luha sa aking mga mata.

Ang saya ko. I can't explaine how happy I am right now. Worth it ang ilang taong paghihintay namin. I'm really blessed because finally I can get a chance to see the world that I'm craving for.




Counting StarsWhere stories live. Discover now