Sittie Mayi Horan
Roses are red, skies are blue I'm always here when you needed me to. I may not be your knight in shining armor but I can be your slave forever.
-K. M.
Napangiti ako nang mabasa ang note na nakaipit sa locker ko. Aaminin ko, kinikilig ako. Kaya nga mukha na akong tanga dito na pangiti-ngiti habang nakatingin sa kapirasong papel na hawak. This is so cliche but I couldn't help but to smile.
I immediately look to my left and right to find 'him' but I didn't see anything. Mahigpit kong hinawakan yung note saka ito inipit sa notebook ko.
K. M.? Is it a name or a codename? This thing sounds mysterious. Ilang araw na rin kasi simula ng makatanggap ako ng mga notes. Every morning kapag kukuha ako ng mga gamit ko sa locker lagi na lang may nalalaglag na note.
Sinarado ko na yung locker ko at halos mabitawan ko ang mga hawak kong gamit sa sobrang gulat nang makita si nerdy na naglolocker din. Kailan pa sya nandyan? Wala pa sya kanina a!
Napailing na lang ako at akmang aalis na dapat nang maalala ko yung pinahiram nyang panyo nung isang linggo. Kinuha ko yun from my pocket at hinitay syang matapos sa paglolocker.
Nung matapos sya ay sakto namang napaharap sya sa akin. Halata sa mukha nya ang gulat kaya nginitian ko sya kahit naiinis pa rin ako sa kayabangan nya nung nakaraan.
I was about to gave him his handkerchief nang may napansin ako sa gilid ng labi nya. May pasa iyon pero hindi naman ganun kalaki. Napakunot ang noo ko. I was about to ask him about his bruise nang bigla syang lumingon para iiwas yun. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at halos manginig ang buong sistema ko sa sama ng tingin nya sa akin.
"What the hell do you want?" he asked wearing his natural cold tone. Ang lalim ng boses nya at parang hindi katulad nung dati na nakausap ko sya. He's scary!
"Ano, Andrei... Here!" I said while holding out his handkerchief.
Habang hinihintay syang abutin yung panyo, hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa adams apple nya pababa sa chest. Ngayon ko lang kasi napansin yung ganda ng hubog ng katawan nya. Hindi ko tuloy maiwasan ang paglunok while looking at it. I really can't imagine how attractive his body is. I didn't even notice it, pano ba naman lagi syang nakasuot ng jacket kaya laging natatakpan yung katawan nya.
Napapitlag ako at bumalik sa wisyo nang bigla na lang nyang hinablot yung panyo sa kamay ko. Walang ano-ano'y bigla na lang syang naglakad palayo. I was left hanging- again. I cocked my head to one side dahil sa kinilos nya but I admit it, he's kinda cute.
"Hey!"
Halos mapatalon ako sa gulat nung sumigaw si Stacy sa tabi ko. Kelan pa sya nandyan? Nilingon ko sya at eto nanaman yung ngiti nya. Mukha nanaman tuloy syang tanga.
"Mukhang nagiging close na kayo ni nerdy ah," sabi nya na may halong pang-aasar. I just roll my eyes at her saka ako naglakad palayo sa kanya.
"We're not,"
"Yes you are. Magkausap kaya kayo kanina and admit it, nasurprise ka sa new style ni nerdy no?" pang-aasar nito. I gave her a sarcastic smile dahilan para mapatawa sya ng bahagya. Tinusok nya pa ang tagiliran ko dahilan para mapatili ako ng mahina. I glare at her pero ang loka tumawa lang ng tumawa.
Napailing na lang ako. I can't win with her. Sa pagiging loka-loka pa lang alam kong talo na ako sa babaeng to. Na master na nya ata yun e.
Nakailang beses pa akong inasar ni Stacy kay nerdy pero keme lang. Bahala sya. Hindi naman ako yung nagmumukhang baliw e. Nung nainis sya ayun at inunahan na ako papunta sa classroom. Natawa na lang tuloy ako bago ko sya sinundan.
Pagkapasok ko, as always nothing new. Rumble nanaman ang classroom namin. Everyone has their own worlds at kung loner ka well bahala ka sa buhay mo. Walang mangingielam sayo.
This is what we use to. Actually we were really nice students when our teacher is around but if not well expect the worst. Isa na lang ata sa amin ang dakila at consistent. I don't need to mention his name it's quite obvious.
Our class ended in just a snap. Hindi ko nga napansin na tapos na pala yung tatlong subjects namin. Narealize ko lang yun nung magbabye na sa akin si Stacy dahil nandyan na yung sundo nya.
I let out a sigh while looking outside. Nandito pa kasi ako sa classroom habang nakaupo at nakatingin sa papalubog na sunset. Hindi ko pa kasi feel ang umuwi tsaka gusto ko ring panuorin ang paglubog ng araw. I want to see how beautiful and romantic it is. Yun kasi ang naririnig at nababasa ko, that sunset is really beautiful and romantic.
"Watching the sunset huh?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil dun sa biglang nagsalita. Bakit ba napakamagugulatin ko ngayon? Hindi naman ako pumapapak ng kape a.
Nilingon ko yung kung sinumang hinayupak na yan na bigla na lang nagsasalita. Kainis kasi e, ang ganda na ng moment ko dito tapos masisisra lang? Kung hindi si Stacy ang sisira e ito namang kung sino to.
Napakunot ang noo ko sa lalaking nakasandal sa may pintuan. Napatayo ako at tinitigang mabuti ang nakangisi nyang mukha. He doesn't look familiar. Nabaling ang tingin ko sa pasa nya sa gilid ng labi. Psh. Basagulero.
"Who are you?" I ask. Tanging ngisi lang ang sinagot nya saakin.
Napapitlag ako nang pumasok sya sa loob ng classroom. Patingin-tingin sya sa buong paligid habang tatango-tango na para bang iniinspeksyon ang buong silid. Nakasunod lang ang paningin ko sa kanya and I admit it- he's kinda hot lalo na sa suot nyang fitted black t-shirt.
Agad akong napailing. Ano ba naman kasi tong pinag-iisip ko? I don't even know this guy in front of me at nagagawa ko pa syang pagnasaan. For Pete's sake Sittie, what are you doing? Di ba dapat nagwawala na ako dito dahil may unknown beautiful creature dito sa harap ko? Aish.
"You know what this is not the perfect place for watching the sunset. I know a great one," he suggest.
"I don't even know you," I simply answered then I gather all of my things. I put my bag on my shoulders saka agad na lumabas ng classroom. Narinig ko pa ang mga yabag nya sa likod ko kaya binilisan ko pa ang paglalakad. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na hot sya. Hindi na sya hot e! Creepy na sya! Super creepy!
Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako sa school building. Pilit ko pa ring hindi pinapansin yung mga yabag nya. Bakit ba kasi ako nagpaiwan dito e! Ayan tuloy may humahabol sa akin!
Natigilan lang ako sa pagalalakad nang mapansing wala nang nakasunod sa akin. Luminga-linga ako sa paligid just to make sure that he's gone at buti na lang wala na talaga sya.
"Hey!"
"AARRGGHH!!" tili ako at halos matumba pa ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Mr. Creepy good looking guy. Buti na nga lang at nahawakan nya kaagad ako kung hindi siguro natumba na ako.
"Relax. Haha you know what you're really cute lalo na kanina-" hindi na nya naituloy pa yung sinasabi nya dahil sa pagsapak ko sa kanya. Oo, sinapak ko sya! Bwiset sya muntik na akong atakihin sa puso kanina tapos nagagawa nya pang tumawa? Pwes dapat maging fair ako. Serves him right!
Hinawakan nya yung gilid ng labi nyang sinapak ko habang nakangisi. Baliw ba to? Sinuntok na nga nakakangiti pa rin? Weirdo. Parang si nerdy lang.
"I didn't expect that. It was nice knowing you miss Sittie. Hope to see you again," He said then after I blink... he's already gone. I blink again pero wala na talaga sya. Hmm.. What was that? He knew me?
Malamang! Binanggit nya nga pangalan mo e! Sermon ng utak ko. Napailing na lang ako. That stranger is giving me Goosebumps.
YOU ARE READING
Counting Stars
RomanceNot only Stars can light up the darkness, and darkness will not grew when the light is still there.