# 3

13 3 0
                                    


Aria Cristel Montejo

"Are you ready?" tanong sa akin ng doctor. Kahit kinakabahan nagawa ko pa ring tumango sa kanya.

Aaminin ko, medyo nagaalangan ako sa operasyon na to pero aaminin ko rin na sobra talaga ang saya ko nang ibalita sa akin ni kuya Andrei na may donor na ako. I want to thank them pagkatapos nito because it really meant a lot. Nang dahil sa kanila makakakita na uli ako.

Huminga ako ng malalim nang naramdaman ko na ang antok. May ibinulong sa akin ang doctor na hindi ko na nabigyan pa ng pansin dahil tuluyan nang bumagsak ang aking mga mata.

Tanya Marie Cortez

"Nagmumukmok ka nanaman," buntong hininga ni Kiana nang makita ako. Nag-angat ako ng tingin saka ko isinubsob ang mukha ko sa mesa.

"Haay naku naman talaga! Ilang linggo na ang lumipas matapos yung break up nyo pero eto ka mukmok to highest level pa rin!" sermon nito sa akin pero hindi ko na lang sya pinansin bagkus tumayo ako saka nagdidiretso sa kwarto.

Agad kong binagsak ang aking katawan sa kama. Niyakap ko yung unan na nahawakan ko saka ito binato na lang sa kung saan. Naiinis talaga ako. Nabubwiset ako! Hanggang dun na lang ba? Hindi ko nga alam kung ano ba talagang problema nya, na kaya nya akong bitawan ng ganun na lang. Ang sakit lang kasi.

Wala naman akong ginawang ikakagalit nya o kaya ikaaayaw nya sa akin kaya hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko sya maintindihan! Minsan hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip. Siguro nga ganyan yang mga lalaki, na kahit anong gawin mong effort para hindi sya mawala kung talagang nagsasawa na sya basta ka na lang nyang bibitawan.

Natatawa ako sa katangahan ko. Kung bakit ba kasi nilunod ko ang sarili ko sa kanya. He's too perfect for me at hindi ko kayang pantayan yung pagiging perpekto nya.

I heard a knock kaya agad akong tumayo para buksan ang pinto. Pagbukas ko I saw Kiana. Nakapameywang sya at may ngising nakaukit sa labi.

Laking gulat ko nang itulak nya ako papasok sa kwarto. Dumiretso sya papunta sa closet ko na para bang may hinahanap na kung ano.

"Ano bang ginagawa mo?" iritang tanong ko sa kanya. She just smile at me at nagpatuloy muli sa paghahalungkay.

"I got it!" she shouted then she pull something. Napaamang ang bibig ko nang makita kung ano yun.

"Here," inabot nya sakin yung damit kaya kinuha ko iyon. Napangiwi ako remembering that night when I wear this dress. Tinignan ko si Kiana nang may pagtataka. She just smile then she pat my head before she leave.

Nakanga-nga lang ako habang tinitignan yung damit. What the hell am I going to do to this thing? Wag nyang sabihing kailangan kong isuot tong damit na to?

Hell, no! I will never ever put this thing on my body! Not again! Sobrang daring kaya nito and I know Ge-

Napahinga na lang ako ng malalim. Him again. Arrgh! Kailan nya ba ako titigilan! Kailan ba ako makakamove on sa kanya?!

"Are you ready?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Kiana sa likuran ko. I turn to face her at halos malaglag ang panga ko sa suot nya. Sobrang ikli at halos lumuwa na yung dibdib nya.

"Oh my gosh... Kiana-"

"What? Hindi naman ako makikipagsex kung makareact to,"

I can't believe her. How the heck she can say those words in front of me? At ano daw hindi sya makikipag sex? The fudge sa itsura nya mukhang may balak sya e.

"The time is clicking, Tanya. So you better get dressed dahil hindi naghihintay ang party ng mga late. Isa pa malay mo dahil dito makamove on ka kaagad," she said. Gets ko naman ang pinopoint nya ang akin lang, do I need to wear this thing na parang kinapos na sa tela?

Nagulat ako ng bigla nya akong tinulak papasok sa Cr saka ito sinara. Narinig ko pa ang pagclick nito mula sa labas. Napahinga akong muli ng malalim. Do I really need to do this? Desperada na ba akong maka move on?

Oo deperada ka na! Masakit na di ba?! Sigaw ng utak ko. Napapikit ako at nagdesisyong sundin na lang si Kiana. Baka nga tama sya. Baka nga dahil dito mabilis akong makaka move on.

___

"WOOOH!!" Dinig kong sigawan ng mga tao. I raise both of my hands in the air saka sumabay sa sayawan. I shake my hips from left to the right at para bang wala na akong pake sa kahit na sino sa paligid ko. Hindi ko na rin mahagilap sa kahit saan si Kiana. Siguro she's somewhere naman.

Kumuha ako ng isang glass ng drink sa waiter na nag-iikot. Agad kong tinungga iyon, napangiwi pa ako dahil sa pait pero hindi yun naging sagabal para makapagsayaw akong muli.

Napatigil ako at napapikit ng makaramdam ng hilo. I open my eyes again pero parang umiikot na yung paligid. Sinubukan kong maglakad kaso agad din akong napatigil. Hinanap na lang ng mga mata ko si Kiana. Gusto ko nang umuwi. Mukhang hindi ko na kaya. Nahihilo na talaga ako. Tsk.

Naramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod at akmang tutumba na nang may humawak sa bewang ko at inalalayan akong tumayo. Napasinghot ako dahil sa pamilyar na pabangong iyon. Pilit akong humarap at napasimangot na lang . Ang labo kasi ng nakikita ko hindi ko tuloy maaninag ang mukha nya. Tsk. Sayang.

Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok nya at saka ko inamoy yung leeg nya. Pamilyar talaga ang amoy na ito e at iisang tao lang ang alam kong ganito ang amoy.

"Fuck," mura nya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa bewang ko pati yung paghinga nya ng malalim.

Napangiti ako. That voice. Kilalang-kilala ko ang boses na yan. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Gelo...,"halos ibulong ko na ang pangalan nya dahil sa panghihina. Tumingkayad ako at pinagtama ang mga labi naming dalawa.

Napangisi ako ng gumanti rin sya ng halik sa akin. Mabagal lang sa una hanggang sa unti-unti na itong bumibilis. Sunod-sunod pa ang pagmumura nya kaya I push myself to him hanggang sa wala ng space ang matira sa aming dalawa. Narinig ko pa ang pagsinghap nya sa ginawa ko.

I'm so desperate. I want him back. Kahit anong mangayari sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang bagsak mo Montejo.

"Tan-" Hindi na nya naituloy pa ang pagtawag sa pangalan ko nang halikan ko uli sya. Naramadaman ko ang pagdako ng mga kamay nya sa iba't-ibang parte ng katawan ko kaya hindi ko maiwasan ang mapaungol.

"Sabi ko lalayuan na kita pero tangina binibigyan mo pa rin ako ng dahilan para balikan ka," he said before our lips met again.




Counting StarsWhere stories live. Discover now