Dahil ganado ako, eto uli! XD
Tanya Marie Cortez
"Please marry me," maluha-luha nyang sabi. Tumango ako saka ko sya niyakap ng sobrang higpit.
Ang saya ko. Ang saya-saya ko. Hindi ko maimagine na sa dami ng pinagdaanan naming dalawa e kami pa rin talaga hanggang ngayon.
Marahan nyang hinaplos ang buhok ko. Napapikit ako nang pagtagpuin nya ang mga labi namin. Marahan at puno ng pagiingat ang mga halik nya. Hindi ko maexplaine pero napaka overwhelming sa pakiramdam-
"Aray!" inda ko ng mahulog ako sa hinihigaan ko. Psh. Panaginip lang pala.
Tumayo na ako habang hinihimas ang likuran. Akmang sasampa na ako sa kama para matulog uli nang matigilan ako. Agad kong nilibot ang aking paningin at halos malaglag ang panga nang marealize na hindi ko kwarto to! Napatingin din ako sa aking suot at parang tinakasan ako ng kaluluwa ko, hindi naman ako naka t-shirt kagabi a! H-hindi kaya...
Napatakip ako ng bibig sa naisip kong iyon pero imposible. Wala akong maalalang kahit ano. Wala talaga akong maalalang may nangyari.
Napakapit ako sa sintido ko nang makaramdam ng kirot. Ang dami ko atang nainom kagabi. Tae ang sakit. Agad akong napalingon nang marinig kong bumukas ang pinto.
Natigilan ako nang makita ko ang mukha nya. Ang laki ng pinagbago nya, lalo syang gumwapo. Pero lahat ng sayang nararamdaman ko ay nawala na lang bigla nang mapansin kong wala emosyon ang mukha nya habang nakatitig din sa mga mata ko. Gusto ko syang yakapin dahil miss na miss ko na sya, kaso parang may pumipigil sa akin na gawin yun.
Sya na ang unang bumitaw sa tinginang iyon. Naglakad sya papasok sa loob ng kwarto nang hindi man lang ako binabalingan ng tingin.
Napapikit ako dahil sa paninikip ng aking dibdib. Ayokong makita syang ganito sa akin. Ayokong tinatrato nya ako na parang wala lang. Bakit ba kasi parang hirap na hirap syang tignan ako ng matagal? Kahit lapitan ako o tanungin kung okay lang- bakit hindi nya magawa ang mga bagay na yun sa akin ngayon? Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan ko- kung meron man.
"Change your clothes then leave,"he said coldly pagkapatong nya sa bitbit na paper bag sa may kama. I was about to utter a word when he's already gone. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa nararamdamang kirot. Gustong-gusto ko syang sampalin at saktan pero may magagawa pa ba ako? Babalik ba sya sa akin kapag ginawa ko ang mga iyon? Hindi di ba? Hindi na!
Pagkapalit ko ng damit, agad na rin akong bumaba. Hinanap ko sya kaagad at nakita ko naman sya sa may sala. Nakatalikod sya at mukhang nakatingin sa view sa glass window. He turn around kaya nagtago ako. Mukhang may kausap sya sa phone pero para akong tinakasan ng kaluluwa ko nang makitang nakangiti sya dahil sa kausap nya.
"Fine, I'll visit you later but take a rest first at kumain ka na rin mamaya. Baka mabinat ka pa," he said sweetly. Nakita ko pang napatawa sya ng mahina dahil mukhang may sinabing nakakatawa yung nasa kabilang linya.
Napapikit ako at pinipigilang bumagsak ang mga luha sa aking mata. Ayokong umiyak. Ayokong makita nya akong umiiyak. Pero mas lalo akong naluha nang marinig ko ang mga katagang hindi ko aakalaing sasabihin nya sa iba.
"Bye, I love you," he said before he hung up. Napatingin sya sa direksyon ko kaya agad akong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Our eyes met at gaya kanina- wala pa rin akong mabasang emosyon dun.
Ako na ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko na kaya ang panlalambot ng mga tuhod ko. Napayuko ako bago ko sinubukang magsalita.
"Um... T-thank you ah. S-sige, a-alis na ako," I said before I turn my heels. Dumiretso ako sa may pinto saka ito binuksan. Pagkalabas ko, dun na tuluyang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi man lang nya ako hinabol" maluha-luha kong bulong sa sarili.
___
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at halos matumba ako nang salubungin ako ng yakap ni Kiana. Narinig ko pang humikbi sya sa balikat ko. Napangiti ako saka hinimas ang buhok nya. Agad din naman syang humiwalay at saka ako sinimangutan. Tinignan ko naman sya ng nagtataka.
"Nakakainis ka! San ka galing?" masungit nyang tanong. Nawala ang mga ngiti ko sa labi saka napayuko, this time ako naman ang naginsist ng yakap. Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat nya at dun nagsimulang tumulo nanaman ang mga luha ko.
"M-may problema ba?" nag-aalalang tanong nya. Hindi ako sumagot. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya lahat ng nangyari kanina dahil baka magalburoto nanaman sya at ayokong sugurin nya bigla si Gelo sa condo nito.
Humiwalay sya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tinitigan nya ako sa mga mata na parang sinasabi nyang sumagot ako. Nag-iwas muna ako bago ko sya sinagot.
"Si Gelo...,"
Napakunot ang noo nya saka ako binitiwan. "Anong meron kay Gelo?" she seriously asked.
"Nandun sya sa party kagabi," I answered in almost whisper.
Napatakip siya ng bibig at hinawakan ang mga kamay ko. Tinignan nya ako ng puno ng pag-aalala. I manage to smile at her pero hindi sya gumanti.
Napayuko na lang ako dahil hindi ko kayang tignan sya sa mga mata nya. Para kasing mas lalo akong naaawa sa sarili ko kapag nakatingin ako sa mga mata nya.
"I'm sorry. Did he hurt you?"nag-aalalang tanong nito. Umiling ako saka nya pinunasan ang mga luha ko. Inalalayan nya ako papunta sa couch bago kami umupo.
"Then what happen? Okay na ba kayo?" She asked nang makaupo kami. Tinignan ko sya at napahinga na lang ng malalim.
"Ewan ko. I was drunk that night and I'm about to fell when he came. I kiss him at naramdaman kong gumanti sya pero paggising ko katulad nanaman sya ng dati. He's still acting cold in front of me. Ang mas lalong masakit yung ipamukha nya sa akin na meron na kagad syang iba- na kaya nya akong palitan kahit kelan nya man gustuhin. Ang sakit Kiana. Sobrang sakit ng ginagawa nya," maluha-luha kong paliwanag sa kanya. Niyakap nya ako at saka hinaplos ang buhok ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi maiyak.
"Tsk. Kasalanan ko to e. I shouldn't take you there. Sorry talaga Tanya," Paumanhin nya.
"No, it's not your fault. Ako lang tong si tanga na nung nakita sya ay halos magwala at maglulundag sa saya. Hindi ko na naisip pa kung masasaktan nanaman ako o hindi,"
"Shhh. Stop it na baka pumangit ka at wala ng magkagusto pa sayong boys," biro nito. Sinamaan ko sya ng tingin habang nakangiti rin. This girl- she always new how to make me smile. Dahil sa kalandian nitong babaeng to napapangiti na rin ako.
Pero those smiles- all of them are just my mask to hide my sadness to her. Hangga't maari ayokong madamay pa sya sa kadramahan ng buhay ko.
�������%�g�
YOU ARE READING
Counting Stars
RomanceNot only Stars can light up the darkness, and darkness will not grew when the light is still there.