Kia's POV
"Hay nako. Ang sakit sa mata nung napadaan." pagpaparinig ko sa panget na Kyzer ng dumaan siya sa pwesto ko.
Siya naman ang aasarin ko ngayon. Nakarami kasi siya kahapon. Ayoko namang magpatalo.
"Hay nako, ang baho sa nadaanan ko." sabi niya naman kaya napairap ako.
Wow ha. Sino kayang mabaho sa aming dalawa eh halos pinaligo ko na 'yung new perfume ko.
"Ang lapit pala ng bibig sa ilong? I wonder kung anong naamoy niya. Baka bibig niya?Hala malala na." ganti ko sakaniya. May narinig akong humagikgik sa mga classmates ko pero hindi pa rin ako nakuntento.
"Kyzer,tara toothbrush tayo?" dagdag ko pa na silang ikinahagalpak ng tawa ng mga classmates ko.
"Nagtoothbrush ako eh,paano ba 'yan?" sagot niya sabay ngisi. Akala naman niya mauubusan ako ng sasabihin. Duh.
"Talaga? Hala weh? Hindi ako makapaniwala. Ang tindi eh!Pakiusap, wag ka na lang magsalita? Madami kaming naapektuhan eh." sagot ko habang nakangiti ng tagumpay.
Akala mo ha.
"Baka ma-miss mo 'yung golden voice ko babe. Kakatawag mo nga lang kaninang 2:00 am diba? Sabi mo, you miss my voice. How sweet, nakakasuka!" sagot naman niya. Pssh, what a lame invention of a story.
"So ganiyan ka mag-imagine?You're imagining about me?About us? Grabe, hindi mo naman sinabi na ganiyan ka na pala ka-obsessed saakin Kyzer! Kailangan na yata kitang layuan, delikado na ang buhay ko. Pero alam ko, masakit ma-stuck sa purong imagination lang. Try mong mag-move on tska ligawan 'yung baliw sa kanto. Baka may chance ka. Who knows? Goodluck na lang." pangaasar ko at bago pa siya makasagot, dumating na 'yung teacher namin. Napapangisi nalang ako sa sobrang epic ng muka niya! Who's the loser now?
Habang nagdi-discuss 'yung teacher namin, panay ang evil stare saakin ni Kyzer. Napapangisi na lang ako tuwing ginagawa niya 'yon. Masiyado niyang pinapaobvious na natalo siya.
Hindi ba siya maka-move on sa pagkatalo niya?
Natapos ang ilang subjects na tahimik siya, usually kasi maingay siya at lagi akong inaasar sa gitna ng discussion pero mukang nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon.
Dumating na 'yung teacher namin at ang topic ay tungkol sa baboy.
Hay, ang boring ni Sir. Hindi naman sana agriculture 'yung kukunin kong course pero pinagaaralan pa din namin ‘to.

BINABASA MO ANG
Ako Lang
Teen FictionMatagal ng magkakilala si Kia Gonzaga at si Kyzer Alcantara. Aso't pusa, ganiyan sila kung maituturing. Gustong gusto nilang binabara ang bawat isa. Hindi natatapos ang isang araw ng walang away na namamagitan sa kanila. Hanggang sa isang araw, may...