Kia’s POV
Ang tagal tagal niyang mag-cr! As in sobrang tagal. Daig niya pa babae. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito pero wala pa din siya. Niligpit na’t lahat lahat yung pinagkainan namin, napatayo na din ako sa inupuan namin dahil madami ngang kumakain pero wala pa din siya. Nakakaasar ng maghintay sa kaniya. Baka naman masiyado ng napogian sa sarili niya ‘yon at minahal niya na ‘yung salamin!
Napairap nalang ako bago lumabas sa restaurant. Magsisine na lang ako ng mag-isa. Bakit ko nga ba kasi siya hinintay ng gano’n katagal kung pwede ko naman siyang iwan? Gigil na ko.
Pumunta na ako sa sinehan ng mag-isa at bumili na ng ticket ko. Bumili na din ako ng popcorn at drinks ko.
Saglit lang akong pumila at madali lang akong nakapasok sa sinehan. Sa bandang dulo ako pumwesto at bandang gilid dahil nga mag-isa lang ako. Ayoko namang may makatabing stranger at yung worst, yung maingay pa.
Hindi gaano napuno yung sinehan at pastart na yung movie ng biglang may tumabi sa akin. Sa sobrang dami ng available na upuan, bakit siya tumabi sa akin? Bakit?!
Halos magwala na yung utak ko pero hindi ko pa din tinitignan yung katabi ko pero nagulat na lang ako nung dumukot siya sa popcorn ko nung saktong nagstart yung movie.
Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya pero hindi ko pa rin siya tinitignan. Dahan dahan akong dumukot sa popcorn ko pero inunahan niya ako at tinapik niya pa yung kamay ko. Aba bwisit ‘to ah!
Nilipat ko sa ibang pwesto ‘yung popcorn ko. Tignan lang natin kung gaano kakapal ‘yung pagmumuka nitong katabi ko.
Narinig kong may tumutunog na plastic at maya maya pa, naririnig ko na siyang ngumunguya.
May sarili naman palang pagkain, nakikihingi pa. Ako kaya pwedeng manghingi sa kaniya? Pakapalan na din!
Binalik ko yung atensyon ko sa movie. Comedy ‘tong pinapanood ko pero nababadtrip ako sa katabi ko.
Maya-maya pa, nadulas yung bida kaya napangiti ako. Nahihiya akong tumawa ng malakas pero yung katabi ko, ang lakas humaglapak ng tawa.
“Hahahahahaha takte ang tanga!”
Napatingin ako sa katabi ko. ‘Yung kaninang pinipigilan kong leeg na lumingin e nilingon ko na.
Grrr. Gigil na talaga ako. Si Kyzer naman pala katabi ko e.
Binatukan ko siya sabay kuha nung supot ng tsitsirya sa kamay niya.
“Ang kapal ng muka mong manghingi sa popcorn ko matapos mo akong paghintayin ng matagal do’n sa restaurant.” gigil na gigil kong bulong sa kaniya.
“Naks. Willing to wait ka naman pala e. Paano ba yan? Next year na lang kita liligawan babe ha?” bulong niya pabalik kaya pumadyak padyak na lang ako para maibsan kahit papaano ‘yung bwisit ko.
“Atska nauna na ako, may nakita akong fans ko na nakaabang na sa exit nung restaurant kaya tinakasan ko na sila e. Sa entrance ako dumaan. Hindi mo ako napansin? Sabagay, nagcecellphone ka nung bahagya kitang nasilip habang patakas ako. Hinihintay mo ba yung text o tawag ko? Nag-aalala ka ba para sa akin kanina babe? Kunin ko na kasi number mo para textmate at callmate na tayo.” bulong niya sabay tawa ng malakas kaya naglingunan sa amin yung ilan sa nanonood.

BINABASA MO ANG
Ako Lang
Fiksyen RemajaMatagal ng magkakilala si Kia Gonzaga at si Kyzer Alcantara. Aso't pusa, ganiyan sila kung maituturing. Gustong gusto nilang binabara ang bawat isa. Hindi natatapos ang isang araw ng walang away na namamagitan sa kanila. Hanggang sa isang araw, may...