Chapter 5

1 0 0
                                    

Kia's POV

Umagang-umaga binubungangaan ako dito sa bahay. Tsk, si kuya kasi pinipilit na may boyfriend na daw ako! Porque late umuwi, may boyfriend na? Ibang klase yung mga paniniwala ni kuya.

"Pag nalaman laman ko lang na may boyfriend ka na ya, mabubugbog ko 'yon." sabi niya sabay flex ng muscle niya na parang nanakot. ‘Sus! Muka niya pa lang, panghorror na! Hindi na kailangan ng muscle niya dahil wala sya no'n. Feelingero lang.

"Kuya, nadention nga lang kasi ako. Okay? Wala akong boyfriend. Kaya shut up,kaingay mo." sagot ko sabay irap.

Ginaya-gaya niya naman 'yung ginawa ko pero mas pinaarte niya tapos umirap din siya sa dulo gaya ng ginawa ko. Kabaklaan.

"Nadention ka? At bakit naman?" tanong niya sabay taas ng kilay.

Luh si kuya, bibigay na yata!

"Kasi ginamit ko yung Music Room ng walang paalam." sagot ko sabay kain. Yung breakfast ko,hindi ko na nakain ng maayos. Lumamig na. Si kuya kasi, daldal ng daldal, paexposure amp.

"Music room?Pag nadention ka dahil do'n, it's just 5 hours. Eh yung sayo kagabi, lagpas lagpas eh!" kontra niya.

"Kuya 10 hours kaya!" depensa ko. Ayaw ko naman kasing sabihing kasama ko si Kyzer. Manok niya yun ih. Feeling niya nililigawan ako nung ulupong na yun e hindi naman. Aasar asarin niya lang ako.

"Wag mo nga akong lolokohin. Dyan din sa school na yan ako gumraduate at alam ko yung mga rules diyan. Kabisado ko pa." sabi niya habang masama ang tingin saakin.

"Naiba na!" sigaw ko. Ang kulit kasi. Hindi nalang umoo.

"Kailan pa?"

Wala ba talaga akong lusot dito?

"Tsk! Ganito kasi yan, kumanta ako sa music room for a celebration dahil nakaganti ako kay Kyzer sa pamwimwisit niya saakin. Nakakailan na siya ih. Sobarng nang-gigil lang ako. Tapos, baka balak gumanti ni Kyzer no'n kaya sinundan ako. Pero imbis na gumanti at mangasar, pasikreto lang siyang nakinig sa akin habang kumakanta ako. Ewan ko ba kuya, baka nagandahan sa golden voice ko. Ewan ko lang ya,hindi ako sure." pagpapaliwanag ko kay kuya.

Ako LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon