Kia’s POV
“Bye kuya Cyrus.” paalam ko kay kuya sabay kuha ng bag ko.
Maaga akong pumasok ngayon kasi wala akong assignment sa Algebra, mangongopya ako. Si ma’am kasi e, papa-assignment pa e pinag-quiz niya naman na kami.
Pagkalabas ko ng bahay, isang kotse yung tumambad saakin. Angas naman ng style, siguro pogi may ari nito. Pero bakit nga pala siya sa harap pa namin nagparada? Hindi naman mukang parking lot yung tapat namin.
Lumakad na ako papunta sa paradahan ng tricycle ng may humawak sa braso ko galing sa likod.
“Kuya, talagang sinund—Kyzer? A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Kyzer na kasalukuyang nakangiti ngayon.
Umagang-umaga, siya makikita ko. Hays, sobrang panira. Babala na rin siguro ‘to na magiging pangit ang araw ko na ‘to.
“Nandito ako para sunduin ka, date tayo.”
“Date?! E kakadate lang natin kahapon ah.” napasigaw ako sa sinabi niya. Date pa daw. Tss, as if na sasama ako sakaniya. Mas gusto ko namang mag-aral kaysa makipagdate ‘no!
“So kino-consider mo na ngang date yung kahapon? Ayieeeeeee!”
Makapang-asar naman siya e siya mismo nagsabi na date yung nangyari kahapon. Ang gulo talaga ng utak nito, kunware meron.
“Duh, sabi mo kaya kahapon.” sagot ko sabay iwas ng tingin.
“Ayieeee Kia, ikaw ah” panga-asar pa niya. Paepal.
“Hindi nga! Tsk.” sagot ko sabay lakad papunta sa sakayan pero biglang may tumawag saakin at sure akong hindi si Kyzer kundi si kuya. Inip akong lumingon at pinagsisisihan ko yon. Naalala kong manok niya pala si Kyzer, patay na.
Lumapit si kuya kay Kyzer at nagusap sila saglit. So ano ako audience? Maya-maya lumapit si kuya saakin.
“Oh ito fifty pesos, sayo nalang. Dagdag sa baon mo. Ipangbibili ko sana ng pandesal e hehehe. Ingat ka ha?” sabi ni kuya saakin at hinila niya ako ng malakas. Yung tipong parang humihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko.
Tinulak niya ako sa passenger seat ng pinuri kong sasakyan kanina at dali-daling sumakay si Kyzer at pinaandar yung kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko lang, binugaw nanaman ako ni kuya. Mala-holdaper ang mga galawan!
Binabawi ko na yung sinabi kong pogi yung may ari ng sasakyan na to. Tsss. Curse Kyzer!
**
Automatic na napairap ako ng makitang nasa mall kami. Hindi sa choosy pero parang favorite naman yata dito ni Kyzer?
Bubuksan ko na sana yung pinto ng may nauna ng humila sa labas.
“Ako na.” sabi ni Kyzer sabay ngiti. Hay nako, feeling gentleman muka namang aso.
Hinayaan ko nalang siya sa drama niya at naunang pumasok sa mall. Ramdam ko namang nakasunod siya at maya-maya lang ay naramdaman ko ng katabi ko sya.
Lumingon ako sakaniya ng medyo nakalayo na ako sa entrance para itanong kung saan ba talaga kami pupunta pero wala siya! Nasaan nagpunta yung paepal na yo’n?
Bumalik ako papunta sa entrance ng makita ko si Kyzer sa isang shop ng mga microphone at speakers. He’s singing like an idiot at mayroon siyang audience. And when I say audience, madami sila. Nakapabilog pa nga sila kay Kyzer e na nagfifeeling gwapo e. Tss.
“Sa iyong ngiti,ako’y nahuhumaling.”
Napatingin siya sa gawi ko kahit na maraming tao ang nakaharang. Nginitian niya ako and in return, inirapan ko siya.
“At sa tuwing ika’y lumalapit ang mundo ko’y tumitigil.”
Nagsitinginan saakin lahat ng audience niya kuno. Lahat sila nakangiti at bigla silang nagbigay ng daan para saakin. Duh, as if na dadaan ako diyan!
“Para lang sa’yo ang awit ng aking puso.”
Biglang may tumulak saakin papunta sa gitna at nagcheer silang lahat para lumapit ako sa gitna. Lahat sila kinikilig, buti pa sila! Kasi ako gigil na gigil na.
“Sana’y mapansin mo rin”
“Ang lihim kong pagtingin.”
Natapos yung kanta na nasa harap ko na si Kyzer. He is smiling at me and I mentally rolled my eyes.
“Naririnig mo ba silang lahat?” tanong niya saakin habang nakangiti.
“Oo naman, ang ingay nga nila e. Ano ba kasi ‘tong eksenang ginawa mo?” inis kong sagot sakaniya.
Nginisihan niya lang ako atsaka ako hinila paalis doon.
Daming alam neto!
BINABASA MO ANG
Ako Lang
Teen FictionMatagal ng magkakilala si Kia Gonzaga at si Kyzer Alcantara. Aso't pusa, ganiyan sila kung maituturing. Gustong gusto nilang binabara ang bawat isa. Hindi natatapos ang isang araw ng walang away na namamagitan sa kanila. Hanggang sa isang araw, may...