Kia's POV
Buong araw nakayuko ako. Hiyang-hiya ako sa mundo! Lahat kasi pinagbubulungan ako. Ikaw ba naman magustuhan ng napakapoging transferer na parang artista na sa school niyo? Nakooo.
Hindi pa man din ako sanay maging center ng attraction-este attention. Para tuloy akong bata na binubully ng mga kalaro. Tss, I hate it.
"Kia right?" sabi nung tao sa gilid ko na feeling ko, lalaki. Malalim kasi yung boses at pang lalake yung sapatos.
We're in the park dito sa school namin kaya kaonti lang yung tao. So, inangat ko na yung ulo ko at sobrang nangawit ako sa pagyuko-yuko ko kanina. Tsk, kung hindi lang dahil do'n sa lalaking transferer na yon. Tss,ibli-blade ko yon! Kahit naman crush ko siya, naasar pa din ako sakaniya pero syempre, kaonti lang. Hihihi enebe.
"Uhm, Kia?"
Nilingon ko yung lalaking kumakausap saakin at omagash mga brad, si Kurt. Emegesh si Kurt!
Haggard yata ako! ‘Yung buhok ko, ‘yung muka! Hala baka oily. Ano ba itsura ko ngayon?
"Uhm, K-Kurt?" tawag ko sa kaniya.
"Kanina ka pa nakayuko. May hinahanap ka?" tanong niya habang nakangiti.
"W-wala naman." sagot ko sabay yuko ulit.
Wala pa daw. May hinahanap ako! Ang kapayapaan. Simula kasi ng dumating ka, puro hate na lang ang natatanggap ko mula sa mga nagkakagusto sa’yo.
Nagulat na lang ako ng biglang niyang hinawakan yung baba ko tska inangat yung ulo ko pataas kaya ngayon, nasisilayan ko na yung napaka-pogi niyang muka. Thanks God. Ang pogi pogi naman po ng pameryenda nyo saakin.
"Ang gulo ng buhok mo," sabi niya habang inaalis yung mga hibla ng buhok na nakaharang sa muka ko. "hinaharangan tuloy yang maganda mong muka" patuloy niya.
Feeling ko nagblush ako ng wala sa oras. First time kong kiligin!
Bago niya binitawan yung muka ko ay nginitian niya ako. Grabe ka Kurt, naiihi nalang ako bigla e. Ang ganda ganda ng ngiti mo.
"Sabay na tayong umuwi?" tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ang swerte ko naman dahil ihahatid ako ng crush ko!
"Hindi pwede brad, may date kami ng girlfriend ko."
***
"Ano ba, uwi na kasi tayo! Ang dami mong alam!" sigaw ko sa mall sabay irap. Alam kong madaming nakatingin saamin–saakin pero wala na kong pake, nang-gigigil ako sa trip ng lalakeng kasama ko ngayon.
"Babes, date nga natin ngayon diba? Ikinahihiya mo ba ang gwapitong face ng babes mong walang iba kundi ako, Kyzer Alcantara?" sagot niya sabay kindat. Kagigil talaga!
Paano kami naging magkasama? Well, sinabi niya lang naman po kay Kurt na may date kami. Napakadesperado diba? I mean, gano'n na ba ako kaganda? Kidding aside.
"Babes-in mo muka mo!" sigaw ko with full of anger force pero wala, nakangiti pa din siya. Hindi man lang ba siya naapektuhan?
Magwa-walkout na sana ako sa sobrang inis ng hilain niya ko sa isang restaurant.
Tss, alam niya talaga kahinaan ko, pagkain!
Umupo kami sa table for two tapos may lumapit na staff saamin at pinaorder na kami.
Tsk. Ayoko sa lahat, umuupo sa table na pang dalawahan lang lalo na pag lalake yung kasama. Parang nagdi-date tignan e! Ang laswa tignan pagdating saaming dalawa.
"Babes? Anong gusto mo?"tanong ni Kyzer na nagpainit ng dugo ko.
"BABES KA DIY-
"Ang sweet niyo naman Ma'am and Sir."singit bigla nung staff habang nakangiti.
Nang-gigigil na talaga ako! Sweet daw kami?! Bopis ba siya? ‘Di ba niya nakitang naasar na ako? People nowaday, hays.
Ngumisi ngisi lang si Kyzer kaya napairap ako. Magagantihan din kita Kyzer!

BINABASA MO ANG
Ako Lang
Novela JuvenilMatagal ng magkakilala si Kia Gonzaga at si Kyzer Alcantara. Aso't pusa, ganiyan sila kung maituturing. Gustong gusto nilang binabara ang bawat isa. Hindi natatapos ang isang araw ng walang away na namamagitan sa kanila. Hanggang sa isang araw, may...