INVITATION

981 10 2
                                    

LIAN's POV

5 minutes...

Pinatay ko ulit yung alarm clock ko.. 8am na.. pero inaantok pa ako.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Promise, 5 minutes nalang." sabi ko sabay pikit ulit.

after 5 minutes... nag alarm ulit...

"Oo na babangon na!!!!" naupo muna ko sa kama ko. Inantok pa talaga ako, ang dami ko kasi tinapos na trabaho kagabi.

But I have no choice, kailangan matapos agad ang editing ng pictures for Mary's magazine.

Direcho ko sa banyo at nagshower na. After that, namili na ako ng isusuot ko.

Pinili ko ung white spaghetti strap blouse ko, a white high waist shorts and yung blue blazer ko. I put a little make up and soft curl my hair. And last, I choose my skin-toned peeptoe pumps.

Kinuha ko na yung bag at ang favorite camera ko.

Now I'm ready to go.

Sa 2nd level lang ang unit ko.

Bakit?

Ayoko sa masyadong mataas na floor. Una, dahil I'm always on a hurry lalo pag male-late na ko. Pangalawa, ayoko ng sumasakay talaga ng elevator ng matagal nasosophocate ako at para akong nasa rollercoaster, and lastly...

I'm afraid of HEIGHTS! (@_@)

Nang makarating ako sa main lobby, nag-greet sa akin yung receptionist.

"Good morning, Ms.Lian!"

"Good morning, Cindy!"

I get into my car and starts the engine.

30 minutes away lang naman ang office ko sa condo unit. Pinili ko talaga yung ganito para iwas stress lalo na pag traffic.

Pagdating ko sa studio, busy na ang mga tao ko.

"Good morning. Ms.Lian!" bati nila sa akin.

"Good morning!" I give them a sweet smile. Good mood ako today, hindi traffic eh.

"Ms.Lian, good morning po." bati sa akin ni Tonette.

"Good morning. Okay na ba yung mga pictures for final touch? Pakisabi kina Joshua ihanda na lahat sa conference room okay? I'll be there in 30minutes. May mga pipirmahan pa ba ako?" Sunod sunod na tanong ko kay Tonette.

"Yes Ms.Lian. Nagreready na sila Joshua, kayo na lang po ang hinihintay. And yung mga pipirmahan niyo andyan na po lahat sa red folder. And may tumawag po pala kanina, Ms. Andrea Ledesma daw po? Return call na lang daw po siya or give her a text or call pagdating niyo. Andyan po sa table niyo yung iniwan niyang contact number. May invitation din po na dumating kanina.

"Okay thanks, Tonette. You may go."

Naupo na ako sa swivel chair ko, kinuha ko yung number na iniwan ni Andrea. I dial her number..

"Hello..." sabi ko

"Perea, hello! Buti tumawag ka." sagot agad ni Andrea.

"How did you know na ako yung tumatawag?" nagtataka ako

"Hello! You gave me your calling card, remember?"

"Ay oo nga pala.. so what's up? Tumawag ka daw kanina?" sabi ko habang busy ako sa pagpirma ng mga papeles at cheque sa table ko.

"Yes, I just wanted to ask kung nareceived mo na yung invitation na pinadala ko sa office mo?"

Saka ko lang naalala yung invitation card sa table ko. hindi ko pa pala nabuksan.

"REUNION?!" takang tanong ko.. Yun ang nakalagay sa invitation, highschool batch reunion ng section namin.

"Yes, Lian! We will expect you to come ha? Ang hirap mo kasi hanapin,girl. Sabi ni Maam Marcos attendance is a must."

"Ganun ba? I'll check on my schedule ha? Kasi sobrang busy ako ngayon Andrea." ang totoo, nag-aalangan ako pumunta.

"Lian, sige na please.."

"S-sige Andrea, I will give you a call kapag okay na yung schedule ko ha?"

"I won't take no for an answer, sige na please. Never ka kaya namin nakasama sa mga gatherings."

Totoo naman eh, wala naman kasi akong ka-close sa batch namin.

"Sige na nga.. I'll be there." yun, nasabi ko din. Maybe it's time to mingle with them, at kailangan ko din naman ng pahinga.

"Yes! Thanks Lian, so I'll see you then. Bye!" she hangs up.

"Bye."

St.Claire HighSchool Batch Reunion (IV-St.Anthony)

Laiya Batangas

Attendance is a must.

(still editing..)

black_tulip1987

SAYANG, SANA TAYO PA DINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon