WHITE

413 9 2
                                    

this chapter is specially dedicated to @parchyunXD natuwa ako sa message mo.. share ko lang po

from: parchyunXD
"author-nim!!! excited na po ako sa ending!! grabe ang ganda po ng story niyo.. kyaaaa kinikilig po ako yung tipong sumasakit na po yung ngipin ko kakagat ng unan sa kilig..grabe :)
...
"You're my end and my beginning..
Even when I lose I'm winning"






"Ms.Lian, andito na tayo hija." untag sa kanya ni Manong Rey. Busy kasi siya na maglaro ng flow free sa iphone niya.

"Ay sige po Manong Rey, salamat po ulit. Masaya po ako na makita kayo ulit."

"Ako din hija.. wag kang mag-alala magkikita naman tayo ulit." ngumiti sa kanya ang matanda bago siya bumaba.

Pagkaalis ni Manong Rey may sumalubong sa kanyang lalaki.

"Ms.Juliane Perea?" tanong nito.

"Ah, yes ako nga po. Imi-meet ko kasi si Mary Therese Bernardo."

"Yes Maam, actually pinapasundo ka nga po niya sa akin."

napakunot-noo siya sa kaharap. sa unang tingin niya akala ni Lian ay lalaki, paano ba naman kasi ang gwapo, yun pala.. ehem!

"event coordinator po ako ni Ms.Mary, I'm Max San Jose." nilahad nito ang palad kay Lian.

"i see." Nice to meet you, just call me Lian, Max." naki-pagshake hands din siya dito.

"Where is Mary?" sabi na lang niya habang sinasabayan niya maglakad si Max.

"Andun po sa my conference room, may tinatapos lang po na transaction."

"I see" napadaan sila kung saan nila ginawa yung interview. Nakaayos ang buong paligid, may event yata.

"Max, may event ba kayo dito mamaya? bakit nakaayos?" tanong niya habang tinitignan ang paligid.

"Yes po, actually after niyo po daw idiscuss yung sa magazine may event din kami dito nila Ms.Mary. Medyo nagkasabay-sabay nga po kaya dito na lang daw niya kayo pinapunta."

"Sige.. pero asan na ba siya?"

"Excuse me lang po Ms.Lian, tumatawag lang si Ms.Mary." sabi nito. Puro yes maam, opo maam lang ang narinig niya kay Max habang kausap si Mary.

Habang busy ang kasama sa cellphone, napatingin siya sa paligid.

May malalaking speakers, may mga nakahilerang canvass na natatakpan ng white cloth, may white rose petals na nakakalat sa damuhan leading to the mini stage.

Nagulat pa siya nung magsalita si Max.

"Ms.Lian, pinapasabi po ni Ms. Mary na pahintay na lang daw po siya dito pababa na daw siya. Una na po ako sa itaas may pinapagawa kasi siya sa akin." paliwanag nito.

"O-okay, is it okay if I wait here? Baka mag-aayos pa yung staff niyo?" tanong niya.

"it's okay Ms.Lian, all set na nga po yan eh para mamaya."

"Sige.. go ahead."

"Sige po, nice to meet you Ms.Lian. Have a nice day!." paalam nito.

She just smile at him. Nung wala na ito sa paningin niya tinignan ulit niya ang paligid.

Ang ganda ng set up nung buong park ngayon. Mukhang pinaghandaan...perfect ang view.

Out of curiosty, nagdecide si Lian na tignan yung set up para sa event daw ni Mary.

May malaking arko na gawa sa white flowers..

As she take a few step biglang may tumugtog na kanta..

(now playing: MARRY ME by TRAIN)

(Forever can never be long enough for me
To feel like I've had long enough with you
Forget the world now, we won't let them see
But there's one thing left to do)

Halata ang gulat sa mukha ni Lian nung marinig ang kanta na galing sa malalaking speakers na nakapaligid sa kanya ngayon.

(Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way)

Kahit parang bigla siyang kinabahan at nalito sa kung anong nangyayari itinuloy niya ang paglalakad..

Napahinto siya ng makita niya ang isang note na nakita niya sa mga rose petals na nakakalat sa bermuda grass.. kinuha niya yun at saka binasa..

"LET ME MAKE YOUR DREAM COME TRUE.."

napangiti siya kahit alam niyang hindi yun para sa kanya..

pero parang may sariling isip ang mga paa niya na nagpatuloy sa paglakad sa mga white rose petals..

(Marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve to say "Hello" in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm)

nagulat siya nung isa-isang natanggal ang mga puting mga tela na nakatabing sa mga canvass..

nakahilera ang mga ito sa gilid ng dinadaanan niya..

and to her surprise, nakita niya na na nakadikit sa unang canvass ang larawan ng isang puting church.. at kung hindi siya nagkakamali yun yung church kung saan din ikinasal ang parents niya.

biglang may pamilyar na boses siyang narinig kasabay ng kanta

("just like the other women, I also dream of a church wedding.. gusto ko white ang motif.. as in pure white..)

She knew that it was her voice, yun yung time ininterview siya ni Mary. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya..

(Together can never be close enough for me
To feel like I am close enough to you
You wear white and I'll wear out the words "I love you"
And you're beautiful)

pagtapat niya sa sunod na canvass, mga designs ng mga suit and gowns for entourage.. all white with different styles..

(as I was saying, i want my entourage also in white but i want their gowns and suits in different stlye.)

Lian took a deep breathe, her hands is sweating and her heart is pounding as she pass by to the next canvass..

(Now that the wait is over
And love has finally shown her my way)

it was her DREAM WEDDING GOWN..

(And my gown, I want a Monique Lhuillier design.. you know it's design right? yung pinakita ko sayo before? and i want a long trail as in long..")

sa canvass andun ang picture ng kanyang dream wedding gown.. gawa na ito. and again to her surprise, yung sketch na kasama nun ay may pirma talaga ni Monique Lhuillier.

(Marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve to say "Hello" in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm)

tears starts to flow..

and next canvass is a picture of a FERRARI.. a white one

(..i want a white Ferrari top down as my wedding car..")

kahit naiiyak na siya natawa pa din siya nung marinig niya yung sinabi niya.. actually hindi naman talaga niya akalain na may white Ferrari car eh.. but it's here.

(Promise me
You'll always be
Happy by my side
I promise to
Sing to you
When all the music dies)

("My Dream Wedding woudn't be complete without the one who give me this..")

And marry me
Today and everyday
Marry me
If I ever get the nerve to say "Hello" in this cafe..

...wala sa sariling napahawak siya sa kaliwang kamay niya kung saan niya isinuot yung Singsing ni Xenon...

pero wala.. bakit nga ba hindi niya napansin na wala ito sa daliri niya..
bigla niyang binuksan yung pouch niya at nagbakasakaling nasa loob ito..





"ARE YOU LOOKING FOR THIS?"



itutuloy...

...
malapit na!!!!! kinikilig ako habang tinatype ko toh.. papasok na ako sa work kanina at sa loob ng FX ako gumagawa ng UD.. senxa na kung may typos ha..

sana magustuhan niyo...

SAYANG, SANA TAYO PA DINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon