HARD TO SAY IM SORRY

438 9 2
                                    

SHIT!

halos paliparin ko yung kotse ko nung sabihin ni Jessy na nasa ospital siya.

Agad kong pinuntahan yung room na sinabi nung nurse.

Kumatok muna ako bago pumasok, only to see her looking at her cellphone.

"Hon.." tawag ko sa kanya.

"Andyan ka na pala.." matamlay siya. at mugto ang mata..

"What happened?"

"Muntik na kasi akong mabangga kanina..."

"Bakit?"

"Hindi ko kasi napansin na may padating na sasakyan."

"Hon, ingat naman ng konti. Pinag-alala mo ko ng sobra." niyakap ko siya.

"Kasalanan ko naman eh, hindi ako nag-iingat."

"Tama na, ang importante ligtas ka.." humiwalay siya sa yakap ko at tinignan ulit yung cellphone niya. Tinitignan niya yung mga pictures namin.

"Grabe ang dami na pala nating pictures sa cellphone ko,so much happy memories.. kala ko mawawala na..." malungkot siya. pero bakit?

"Hon, may problema ba?" hinawakan ko yung mukha niya at pagharap niya saken panay ang tulo ng luha niya.

"Natatakot ako,Seth. Natatakot ako na mawala ka.."

"Jessy,..." nalilito ako, bakit ba siya nagkakaganito.

"Seth, nakipagkita ako kay Lian kanina..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

speechless ako dun..

"Your EX is back.." she pause for awhile. I cant bear seeing Jessy crying like this. Shit lang anong ginawa ko..

"Paanong.."

"Paano ko nalaman?"

Tumango lang ako.

"Remember yung bago tayo umalis for cruise?"

FLASHBACK..

papunta na sana ko kina Seth that night. Kaso nakita ko siya sumakay sa kotse niya.

"Gabi na ah, san pa siya pupunta?" tanong ko sa sarili ko. I didnt bother to text Seth. Out of curiosity sinundan ko siya. Actually, napapansin ko kay Seth lately na parang may nagbago sa kanya. I can't figure it out, woman instinct siguro.

Pagdating dun s lugar, nakita ko lang siyang nakaupo. Medyo matagal din siyang andun pero mag-isa lang. Lalapitan ko na sana siya nung biglang may dumating..

si Lian.. alam ko siya yun, i know it's been a long time. i saw her picture before, i know siya yun.



Biglang bumilis yung tibok ng puso ko..




Gusto ko na sana umalis dun, ayoko makita or malaman man lang kung anong dahilan at magkasama sila. Pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Buti medyo madalim kung saan ako nakatayo. Konti lang din ang tao sa paligid dahil medyo late na din.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kanila. Nakatalikod saken si Lian, mukha lang ni Seth yung nakikita ko.


Aalis na sana ako pero nakita ko nung niyakap niya si Lian..Pero hindi yun ang kinagulat ko, kundi yung sinabi niya..

"MAHAL PA DIN KITA, LIAN"...

MAHAL PA DIN KITA, LIAN"...

MAHAL PA DIN KITA, LIAN"...


MAHAL PA DIN KITA, LIAN"...


parang echo lang sa pandinig ko..


paulit-ulit






bulls-eye!





ang sakit!





natutop ko lang ang sarili kong bibig, pinilit kong wag makagawa ng ingay, ayokong malaman nila na andito ko.




Dahan dahan akong naglakad palayo, kahit nahihirapan ako pinilit ko.





Pagdating ko sa kotse ko, dun ko binuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.





END..




""H-HON..Jessy..." pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Jessy parang nawala lahat ng salita.

"Gustong-gusto ko tanungin ka nun habang nasa cruise tayo. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Pinilit kong maging masaya nung mga oras na yun kahit sa likod ng utak ko takot na takot ako na baka huling pagkakataon ko na makasama ka pa. Hindi pa ako handang marinig sayo kung ano ba talaga ang nangyari, kung ano ba ang nararamdaman mo." nakayuko lang ako habang nahihirapang magsalita si Jessy. This is the first time I saw her crying, and it is because of my ex.
"Pinuntahan ko siya kanina, dahil gusto ko malaman lahat. At tama nga ako, mahal ka pa din niya. Kaya ba parang lately bothered ka? Is it because you still love your EX ha?!"

"Hon, hindi ko sinasadya.."

then, she slap my face.

"Hindi mo sinasadya na mahalin ulit siya? or should i say, mahal mo PA DIN siya!!! Ganun ba Seth? Ganun ba!" that's when she breaks down and cry her heart out.

"Im sorry..." niyakap ko siya. Pero nagpupumilit siyang kumawala. But I didnt let her, mas lalo ko hinigpitan ang yakap ko.

"Jessy, listen please." pinipilit ko pakalmahin siya. But she still crying so hard and keep resisting me.

"Ano bang kulang saken,Seth? May nagawa ba akong mali! Minahal mo ba talaga ko ha! O panakip-butas lang ako! Sumagot ka!"

"It's not what you think, hindi kahit kelan na inisip kong panakip-butas ka lang, dahil nung sinabi ko sayo na mahal kita, I mean it believe me." naiiyak na din ako. naaawa ako kay Jessy.
At nagagalit ako sa sarili ko.

"Bakit Seth? Bakit mahal mo pa din siya? Paano ako? Paano tayo?" ramdam ko yung bigat sa bawat hikbi niya. At nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya.

"Listen to me, please. I dont know how to say to you na nagkita na ulit kami. But believe me,Jessy hindi ko inaasahan mangyayari to. Aaminin ko, I got confused. You know our story right? Pero maniwala ka hindi ko gustong saktan ka, nag-usap kami ni Lian to clear things between us, to give it a closure. Nung nalaman ko yung totoong nangyari before biglang nalito ako, oo naisip ko na sayang, sana kami pa rin pala kung hindi lang nangyari yung dati. Pero Jessy, ikaw ang inisip ko, oo aaminin ko may nararamdaman pa din ako kay Lian. Hindi ko alam kung bakit pero yun yung naramdaman ko kahit pilit kong itanggi. Pero ayokong saktan ka, mahal kita alam mo yan."

"Please Seth, just tell me kung dapat na lang akong bumitiw. Kasi ang sakit sakit na, sobrang mahal kita pero kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo itigil na lang natin toh'."

"Jessy naman, please ayusin natin to.."

she look at me straight in my eyes.. I feel so guilty..

"Hindi maaayos to kung sa sarili mo hindi mo alam kung ako ba o siya ang talagang mahal mo Seth. Be fair, ayokong magising na lang isang araw na nagsisisi ka na ako ang pinili mo. Kung ako talaga ang mahal mo gusto ko walang hesitations, gusto ko sasabihin mo sakin na mahal mo talaga ako hindi dahil ayaw mo lang na masaktan ako kaya ako ang pinili mo. Pero kung siya talaga, masasaktan ako.. pero mas mabuti ng ganun kesa kasama mo ako pero hindi ka sakin ng buo."

"Hon, im sorry..."



Pinahid niya yung luha niya..




"Noon, Pag nakakarinig ako ng sorry galing sayo pag nagkatampuhan tayo ang saya-saya ko kasi tapos na yung away natin. Pero bakit ngayon, ang sakit-sakit marinig ng sorry mo, bakit Ngayon pakiramdam ko magsisimula na yung sakit na mararamdaman ko..."








...
a/n
thank you. yes to you...

SAYANG, SANA TAYO PA DINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon