THE REUNION (part 2)

702 12 2
                                    

"when you're gone... the pieces of my heart is missing you..

...
Hinintay ko matapos makapagbihis si Lian. After a few minutes lumabas na siya, and i was mesmerized with her charm.. bumagay sa kanya yung dress niya.
Our eyes meet again...
Haaay nako naman Seth!

"Let's go, Lian." sabay talikod sa kanya. Ano ba naman, lagi nalang ba ko matutulala sa kanya??

"O-okay" sagot niya.

Wala kaming imikan habang papunta sa dalampasigan. Natanaw ko na sila, nakapaikot sila sa bonfire. Nung makalapit kami, sabay-sabay sila napatingin samen ni Lian.

"Magkasama kayo?"..sabay-sabay nilang tanong.
Nagkatinginan lang kami ni Lian.

"Yes!" si Andrea ang sumagot.
"Pinasabay ko na si Lian kay Seth papunta dito. Diba napaliwanag ko na kanina" sabi niya

"Hey, upo na kayong dalawa." tawag ni Anthony.

Nakaupo si Lian between Andrea and Anthony, Si Seth naman sa kabilang side ni Andrea.

"Hello Lian, kamusta na? Mas gumanda ka ngayon ha." si Thor, classmate namin. Siya yung pinakahyper sa klase namin before kaya madalas mapagalitan ng teacher kasi maingay.

"T-thank you" sagot ko.

"Atlast nakasama ka din namin sa ganitong occassion." si Amy, yan ang spoiledbrat sa klase pero super friendly.

"oo nga eh, aksidente lang na nagkita kami ni Andrea sa mall nun.

"Naman kasi, ikaw lang ata ang nahiwalay saten nung college days. Lahat halos kami sa iisang university lang pero kaw sa iba nag-enroll." si Peter, president ng section namen.

"Yung pinasukan ko kasing university, sila daddy yung pumili nun. Pero first semester lang ako dun." paliwanag ko.

"Bakit?" si Richmond, babaero ng batch namen.

"Sa New York na kasi ko nagtuloy na pag-aaral."

"Wow bongga!" si Mikey, mahinhin na gay classmate ko.

"Kaw na Juliane ang Nag- New York! Taray!!!" si Jasper, bff ni Mikey.. gay din.

"Hindi naman.."

"Baka dahil kay Jared kaya siya umalis, tama ba Juliane? heheh joke lang..." si Ron, barkada ni Seth.

"Sira! Ano ka ba naman Ron, matagal na nakamove on for sure si Juliane sa panloloko sa kanya ni Jared." Si Mikey.

"E baka naman etong nananahimik dito ang dahilan, ha Aries?" si Laurence. Tinapik niya si Aries, Ex ni Juliane nung 4th year highschool sila.

Dun ko lang napansin si Aries. Andito din pala siya. Ang laki ng pinagbago niya. Although medyo pumayat ng konti, gwapo pa din naman. And he looks more formal now than before na parang isip bata.

"Tantanan mo nga ako, wag mo ko idamay dyan." sagot nito. Pero hindi naman galit.

"Juliane and I are in good terms okay? Nag-usap na kami bago pa tayo maghiwahiwalay nung highschool." paliwanag niya.

They all give me a is-that-true-look.

I nod at them.

"Aries is right, okay naman na kami eh even before we graduated. At hindi siya ang rason bakit bigla ako napunta ng New York."

"E sino?!!!" chorus pa silang lahat, except for Seth, parang hindi interesado.. Sige lang sa pag-inom ng beer.

"Ang parents ko!"

"Ha? bakit?" tanong ni Thor.

"May itinayo kasing business ang daddy ko sa New York kaya sinama nila ako doon kasi matagal sila bago makauwi ng Pilipinas." grabe para akong nasa hot seat.

"Ah ganun ba? Akala kasi namen dahil sa Ex mo kaya ka umalis. Hahahaha"
si Peter.

"Haaaay tigilan na nga naten si Lian. Ginawa niyong nasa hotseat yung tao." si Kuya Andy.

"No kuya it's okay." sabi ko.

"Tama, teka e diba ikaw Andy ex mo yang si Amy?" si Macky.

"Bakit nasali ako dyan." sabay pa sila ni Amy.

"Naks naman.. duet pa sila." nag-aasaran na ang mga classmate ko.

"Muling ibalik ang tamis na pag-ibig... hahhahah" duet pa sila Thor at Anthony. Binato lang sila ni Andy ng pulutan nila.

"enough!" si kuya Andy.

"Pikon!" si Jasper.

"Kinikilig ka naman,Andy!" tawa ng tawa si Andrea.

"Tawa-tawa ka dyan Andrea e diba ex mo yan si Richmond? ayan na nag umpisa na ang tuksuhan.

"Tama! Kaso dahil sa daming chicks na humahabol kay Richmond ayun, nastress ang Andrea naten." Ganti ni Kuya Andy.

"Oy, never naman akong nagloko kay Andrea!" depensa ni Richmond.

"Tama na nga yan matagal na yun noh, wag na nga pag usapan. Inom na lang tayo." si Laurence. Nagpasa na ng tig-isang bote ng sanmig light sa lahat.

"Reunion ata ng mga mag-ex ito eh.." sabi ni Anthony. "Cheers sa pagkikita-kita ng mag-EX!!," natawa na lang kami kay Anthony, besides, that was a long times ago.

Madami pa kami napagkwentuhan, tungkol sa mga nangyari nung college, sa mga trabaho namin ngayon, sa mga moments namin nung highschool Ang saya lang, namiss ko sila bigla. Although we are not that close for sure this will be the start of as new friendship with them.

"Tara na ligo na tayo!!!!" yaya ni Richmond sa amin.

Kanya-kanya silang takbuhan sa dagat. Mga nakainom na kaya ang kukulit.

Naiwan lang ako na nanonood sa mga kulitan nila.. I decided to go back sa room namen to get my camera.

Pagbalik ko naabutan ko si Aries na nakaupo sa may tabi ng bonfire.

"Hey!" sabi ko. Tumabi lang ako sa kinauupuan niya.

"Hi, tara upo ka."

"Bakit umahon ka agad?"tanong ko while taking pictures sa mga nasa dagat.

"Wala lang napagod lang.." he looks at me. "kamusta ka na ba,Juliane?"

Napatigil ako sa pagkuha ng pictures ang turn to him, ang seryoso ng mukha niya.

"I'm okay,Aries. Ikaw, kamusta ka na ba? Matagal din tayong hindi nagkita."

"Ako? Okay naman, sa ngayon ako na ang nagmamanage ng family business namin."

"Good for you, kamusta na pala sila tito? Saka si Mimi? Baby pasiya nung huli kong nakita."

"Sila dad nasa province na nag-istay kasama si Mimi, nag-aaral na din siya ngayon."

"so mag-isa ka lang sa manila?"

"Oo, sanay naman ako alam mo yan, e ikaw kamusta ka na?"

"Eto photographer na, at the same time ako na din ang nagmamanage ng business ko."

"That's good." Tipid niyang sagot..

Madami pa kaming napagkwentuhan ni Aries tungkol sa mga nangyari sa amin after highchool.

Nagtatawanan kami nung mapatingin ako sa taong papalapit...

He's looking into my eyes..

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

Heartbeat...
Heartbeat...

...
(still editing)

@black_tulip1987

SAYANG, SANA TAYO PA DINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon