CHAPTER THREE
Kakatapos lang ng klase namin. Palabas na sana ako sa room nang may humarang sakin sa may pinto.
"Elle!"
Si Lucy pala. Nakangiti na naman ito nang parang tanga.
Tinaasan ko nga ng kilay. Problema nito?
"Elle? Magtatanong lang sana ako ng progress. Ano na? Ano na?" Excited na tanong nya.
Napaisip ako. Progress? Progress saan?
Napansin naman nya ang pagkunot ng noo ko habang nagi-isip. Napakamot sya sa ulo.
"Nakalimutan mo na? Diba nagpapalakad ako sayo kay Aaron?" Nakangusong bulong nya.
Para namang biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko. Ah! Naalala ko na. Sya nga pala ang next mission.
"Wala pa. Sisimulan ko pa lang. Hintay ka na lang." Ngumiti ako sa kanya sabay alis.
Pupuntahan ko kasi ang tambayan namin ni Aaron, ang secret best friend ko. Tutal, 2pm pa naman ang klase namin at 10am pa lang.
Nagtungo ako sa pinakalikod na bahagi ng eskwelahan. Maraming puno dito at di madalas na puntahan ng ibang estudyante. Kaya ang best friend ko, mas pinipiling tumambay sa ilalim ng puno ng acacia.
Kung oobserbahan ang lugar, pwede itong maging park. Tahimik kasi dito. Pwedeng picnic area. Ewan ko lang ba sa school namin kung bakit di nila naiisip na mapapakinabangan 'to. Pero ayos na rin yun, at least may tambayan kami.
Lumapit ako kay Aaron. Nakaupo ito at may hawak na gitara.
"Hi SB!" bati ko sa kanya. Nginitian ko din sya.
"SB? Ano ako? Starbucks?" Natatawang tanong nya sakin.
"Hoy! Wag kang assuming. Kung ikaw lang din naman ang tinda ng Starbucks, hindi ako bibili." Mataray na sagot ko sa kanya.
"SB ka kasi ng SB." Nakangiti lang sya sakin.
"SB. Secret Best Friend. Ikaw naman kasi. Napakaarte mo. Bakit ayaw mong sabihin ko sa tao na ikaw ang best friend ko. Bakit ayaw mong malaman na may best friend ang Matchmaker ng St. Sallustian? Hindi tuloy kita makausap ng ganito sa harap nila." Nakangusong reklamo ko.
Pinitik naman nya yung noo ko.
"Aray naman! Ano ba?!" Singhal ko sa kanya. Tinawanan lang naman nya ako. Sira talaga to. Ang sakit kaya.
"Drama mo kasi e." Nakangiting sabi nya. Tinabi naman nya yung hawak nyang gitara.
"Eh totoo naman e. Ikaw 'tong lalaki, ikaw pang maarte. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?" Napairap na lang ako. Mas matindi pa kasi sa babae to e. Maarte at mahirap i-spelling-in.
"Ayaw ko lang po kasing makasira sayo. Sa tingin mo, maganda bang pakinggan na yung pinakahinahangaan mong tao sa St. Sallustian, yung isa sa mga sikat sa University nyo, e may bestfriend na 'nerd' na katulad ko?" Sabi nya habang nakatingin sakin.
"Ano bang pakialam nila kung 'nerd' man ang best friend ko? Edi gumaya sila. Wala akong pakialam!" Taas noong sabi ko. Natawa naman sya sakin.
"Tsaka ikaw naman kasi! Nagsusuot ka pa nitong mga weird glasses mo e hindi naman malabo mata mo. Kunwari pang laging libro hawak mo, e pwede namang gitara? Alam mo ikaw? Tinatago mo yung totoong Aaron Blaze Marquez na kilala ko." Litanya ko sa kanya. Totoo naman e. Pag kaming dalawa lang kasi o pag wala sa school, hindi sya nagsusuot ng nerdy glasses. Ayos syang pumorma. At madalas syang may hawak na gitara. Kaya kapag kaming dalawa lang, ibang Aaron ang kasama ko. Ibang Aaron din ang nakilala ng St. Sallustian.
Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yung Aaron ngayon. Yung hindi nagtatago sa ilalim ng nerdy glasses nya at mga libro. Yung Aaron na nilalabas yung totoong sya.
"Mas maganda kasing ganito na lang muna Ish. Tahimik. Ayoko pa ng masyadong magulo. Tulad ng buhay mo, ang daming lumalapit sayo para pagkaguluhan ka at gawin ang misyon mo bilang Matchmaker. Hindi ka nga ata nagkakaroon ng katahimikan sa buhay mo. Puro requests and favors ang inaasikaso mo. Paano kung sabihin man natin sa St. Sallustian na ako nga ang best friend mo, sa tingin mo patatahimikin nila ang buhay ko? Baka nga pagtangkaan pa yung buhay ko ng mga lalaking nagkakagusto sayo." Mahabang litanya nya. Napansin ko rin ang pagkainis sa huli nyang sinabi. Siguro dahil ayaw nga nya ng maingay na buhay.
"Ah. Ganun ba? So, makakasira lang pala ako sayo pag nangyari yun." Nakayuko kong sabi. Napaisip din naman ako sa sinabi nya. Nangilid ang luha ko ng ma-realize ko yun. Na magiging panira lang ako sa buhay ng best friend ko.
Pinahid ko agad ang tumulong luha mula sa mga mata ko nang hindi napapansin ni Aaron.
Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. Siguro, hindi ako bagay dito. Kasi mas gusto ng best friend ko ang tahimik na buhay. Di na nya pwedeng maging kaibigan ang isang katulad ko na sobrang gulo ng buhay ngayon.
"Ah s-sige Aaron. Aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako. Bye!" Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako habang patuloy na umaagos ang luha na di ko kayang pigilan. Alam ko naman e. Una pa lang, naisip ko na yun. Panira lang ako sa tahimik na buhay nila.
Nakaka-dalawang hakbang pa lang ako nang may yumakap sakin mula sa likod. Natigilan ako. Huminto din yung pagtulo ng luha ko. Umalis sya sa pagkakayakap sakin at inikot nya ako paharap. Pinunasan nya din ng mga daliri nya ang bakas ng mga luha sa mukha ko. Hinawakan ng isang kamay nya ang kaliwang pisngi ko.
"Hindi sa ganun yun Ish. Hindi ikaw yung makakasira sa buhay ko. Kailanman, hindi mo masisira yung buhay ko. Isa ka sa mga kumu-kumpleto dito e." Ngumiti sya sakin. Inalis nya ang mga kamay nya sa pisngi ko. At ginamit ang parehong kamay nya upang hawakan ang mga kamay ko.
"Hindi mo masisira ang buhay ko. Ako ang makakasira sa buhay mo. At ayokong mangyari yun." Tipid ang ngiting sabi nya.
"Hindi mo naman masisira buhay ko e. For me, it feels good knowing that the world knows who my best friend was. Yung pwede kitang takbuhan sa oras na kailangan kita na wala akong inaalalang mga tao na pwedeng makakita sakin. Kasi wala akong pakialam sa kanila. I need my best friend. Not those people who admire me. I need you Blaze." Naluluhang saad ko.
"Pero mawawalan tayo ng privacy Ish. Lagi nilang tututukan ang bawat galaw natin. Ayokong ikasira ng pangalan mo yun." Pupunasan nya sana ulit ang luha ko pero tinabig ko ang kamay nya. Ako ang nagpunas ng sarili kong luha.
"You know what, there's a fine line between privacy and secrecy. And I hate that you think it's just the same." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at tumakbo.
Totoo naman e. Sino bang may ayaw na malaman ng mundo kung sino ang best friend nila. Kung sino ang tinatakbuhan mo kapag malungkot ka. Kung sino yung taong handang magtanggol sayo. Kung sino yung taong naipapakita mo kung sino ka talaga. Yung taong alam kung sino ka talaga.
I hate the thought that we were so close when it's only the two of us but we act like we're strangers when we know the world will see us.
And all he do is hide himself behind a person I don't know.
-----------------
MrsSZaoldyeck
#AaronTheBestfriend
[12-21-15]
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Match
Teen FictionSi Erza Ishnelle Sy ay kilala sa tawag na "Ms. Matchmaker" sa St. Sallustian University. Her goal is to fulfill her missions. Her role is to be Cupid's descendant. But her life changed. This time, Cupid played it's own role. She's now the mission. P...