Prologue

6 0 0
                                    

Erza Ishnelle Sy

Ang tinaguriang "Matchmaker" ng St. Sallustian University.

Nakilala sa tawag na ito dahil sa di-mabilang na couples na nagkatuluyan sa tulong nya.

Karaniwang sa kanya lumalapit ang mga babaeng umaasa na mapansin ng 'crush' nila, gayundin ang mga lalaking di pa nakaka-graduate sa 'Torpe University'.

Siya ang nagmi-mistulang 'Kupido' dahil sa mga pusong napagtagpo nya. Kulang na nga lang daw e mag-costume sya ng katulad sa Kupido.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng pusong napagtagpo nya, hindi pa rin nya nahahanap ang tunay na kapares ng puso nya.

Isang Matchmaker na walang match? Paano yun?

Mananatili na lang ba syang 'Kupido' ng iba? O may maga-ala 'Kupido' naman para sa kanya?

Kanino naman tatama ang isang pana?

Paano kung ang pana ng bagong 'playing Cupid' para sa kanya ay nahati hindi lang sa isa...

Hindi lang dalawa...

Hindi lang tatlo...

Kundi lima!

Ay hindi! Sobra kayo! Apat lang! Four sa English. Wag kayong ano!

Anyway, paano kung apat nga ang tamaan ni Kupido. Paano na?

Sinong pipiliin ni Ms. Matchmaker?

Sino sa kanila ang tunay na makakabihag sa puso ng may pinakamahabang buhok sa St. Sallustian University?

At sino sa kanila ang matatawag nating...

The Matchmaker's Match.

MrsSZaoldyeck

The Matchmaker's MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon