CHAPTER TWO
"ELLE!"
Kakatapos lang ng klase namin. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa parking lot. Nakakapagod kasi ngayong araw. Sumasakit ang ulo ko sa pagsasabay-sabay ng quizzes ng mga subjects namin. Yung iba pa-major pa. Akala mo naman mahalaga. Sus.
Ah! Nakalimutan kong sabihin. 2nd year college na nga pala ako. Sa St. Sallustian University. I'm currently studying BS Business Administration Major in Marketing Management.
"ELLE!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. May isang lalaking humahangos na lumapit sakin. Pawisan ito at mukhang galing sa pagtakbo.
"Oh Nick? Bakit?" Ito ang kaklase kong si Nick. Ang escort sa classroom namin. Tinagurian din itong 'playboy' dahil sa kabi-kabilang babaeng makikitang kasama nito. Matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mata at mapupula ang mga labi. Malakas ang dating nito kung kaya't di na sya magtataka kung bakit madali itong makahatak ng linta... este ng babae.
Tumingin muna ito sa paligid bago nagsalita.
"Nasiraan kasi ako ng kotse. Pwede ba makisabay sayo?" sabi nya sabay binigyan ako ng preskong ngiti.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Tinitignan ko kung nagasasabi ito ng totoo.
"Bakit sakin? Ang dami mong kabarkada sa room ah" nagdududang tanong ko dito. Alam ko kasing iba ang sadya nito. Malakas ang kutob ko na ginagamitan ako ng moves nya sa mga babae nya.
"Umuwi na kasi sila e. Iniwan na ako." Lumungkot bigla ang mukha nya. "Kung pwede sana, makisabay na lang ako sayo. Tutal, madadaanan mo din naman yung bahay namin. Kasi diba? Magkapit-bahay tayo?" Napakamot pa sya sa batok nya. Tss. Galawang Playboy.
Nakalimutan kong sabihin. Oo, magkapitbahay lang kami. Not really, kasi sa tapat ng bahay namin yung bahay nila. Hindi rin naman ako madalas lumabas ng bahay kung kaya't di kami masyadong nagtatagpo.
"Pakialam ko? Umuwi kang mag-isa" sabi ko sabay talikod sa kanya. Inilabas ko na rin yung susi ng kotse ko mula sa bag ko. Pinaikot-ikot ko ito sa daliri ko habang naglalakad palapit sa kotse ko.
Nagulat ako ng may biglang umagaw ng susi ko. Tiningnan ko kung sino. Walang hiya! Si Nick pala! Anak ng letsugas naman o!
"Hoy! Magnanakaw ka! Ibalik mo yung susi ng kotse ko!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Agad naman syang pumasok sa loob at pinaandar ito. Pinaharurot nya ito paalis.
Napatanga na lang ako. Anong nangyari? Sa isang iglap, nakuha na ng mokong na yun yung kotse ko. Tsk. Akala mo naman naghihirap na. Yari talaga sakin yun pag nagkita kami.
Pumunta ako sa may pavement sa tapat ng pinag-parkingan ng kotse ko.
"Bwisit! Bwisit!" Wala akong tigil sa kakapadyak sa sobrang inis. Nakakabwisit talaga yung lalaking yun. Susugudin ko bahay nila mamaya. Makikita nya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Tatawagan ko na sana si Mang Domeng, ang family driver namin, nang biglang may humintong kotse sa tapat ko.
Bumaba sa driver seat si Nick at lumipat sa tapat ng pinto ng shotgun seat. Binuksan nya ito sabay sabing "Mahal na Prinsesa, sakay na po kayo." Sabay ngiti sakin.
Napairap ako. Ano na namang kalokohan 'to? Tinaasan ko sya ng kilay. Napakamot naman sya sa batok nya.
"Sorry na Prinsesa. Hindi naman talaga kita iiwan e. Gusto ko lang naman makasabay ka. Sorry na po." Napayuko pa sya. Inirapan ko naman sya. Naglakad na ako palapit sa kotse. Pumasok ako at umupo sa shotgun seat.
"Ikaw ang mag-drive." pormal na sabi ko sa kanya.
"Yes Ma'am!" Sabay saludo at takbo papunta sa driver's seat. Pinaandar nya agad ang kotse paalis sa parking lot.
Habang nagmamaneho ang mokong, napansin kong nakangiting-aso sya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Ano na namang problema neto?
"Mukha kang tanga." Puna ko sa kanya. At ang mokong, ngumiti pa lalo. Jusko. Baliw po ata ang kasama ko. Wag naman sana akong madisgrasya. Madami pa po akong misyon sa mundo bilang descendant ni Kupido.
"Kasama ko kasi yung Prinsesa." Sabi nya sabay sulyap sakin. Binalik din naman nya ang tingin sa daan. Hindi naman mawala-wala yung ngiti nya.
"Hoy Nick! Huwag mo akong magamit-gamitan nyang mga galawan mo. Hindi ako katulad ng mga babae mong madali mong makukuha. Hindi ako pwedeng isama sa koleksyon mo ng mga linta. Tigilan mo lang ako!" Asik ko sa kanya. Napasimangot naman sya.
"Hindi naman po kita ginagamitan nun e." Ngumuso pa ang loko.
"Che! Manahimik ka dyan! Mag-drive ka na lang!" Pagalit na sabi ko.
Napansin kong may binubulong-bulong sya dun.
"Yung Prinsesa, laging galit. Pag ikaw, pumangit."
"Ano? May sinasabi ka?" mataray na tanong ko.
"Wala po Ma'am." Ngumiti sya sakin sabay tuon ng atensyon sa pagd-drive.
Hindi ko na lang din pinansin. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
NICK
Hininto ko ang kotse sa tapat ng bahay nila Elle. Bumusina ako para pagbuksan kami ng gate. Binuksan naman ito ng isa sa mga kasambahay nila. Pinasok ko na ang kotse ni Elle at pinarada sa garahe nila. Pinatay ko ang makina ng kotse at nilingon si Elle.
Ang ganda talaga. Maputi. Ang haba ng pilikmata. Matangos na ilong. Pinkish yung cheeks nya. Mapupula ang labi. Parang ang sarap halikan.
Nasampal ko naman ang noo ko. Seriously Nick? Pagnasahan ba ang tulog. Childhood friend mo yan. Tigilan mo.
Napakamot na lang ako sa batok ko. Napabuntong-hininga ako.
Nang mabalik na ako sa sarili ko. Tinapik ko ng mahina ang pisngi ni Elle. Nagising naman sya agad.
"Nandito na tayo." Ngumiti ako sa kanya. Gulay! Ang ganda pag bagong gising.
"Ano pang ginagawa mo? Bumaba ka na sa kotse ko. Ayan na bahay nyo o! Tsupi! Alis na!" Asik nya sakin.
Ayun lang. Mataray ang Prinsesa.
Bumaba naman ako agad sa kotse. Bumaba na rin naman sya. Lumapit ako sa kanya.
ELLE
"Bakit di ka pa umaalis?" Sabi ko nang naglalakad sya palapit sakin.
"May nakalimutan lang po ako." Ngumiti lang sya sakin. Napapansin ko. Panay ang ngiti nito ngayong araw. Hindi nya ba alam na nagmumukha syang tanga?
"Ano yun? Dalian mo. Kunin mo na. Nab-bwisit na ako sa pagmumukha mo." Sabi ko sabay irap. Lumapit naman sya lalo sakin.
Nagulat na lang ako sa sumunod na pangyayari. Nanlaki ang mata ko. Napatanga na lang din ako.
H-Hinalikan nya ako...
Sa..
Pisngi ko.
HINAYUPAK!
Nang matauhan ako. Nakita kong nagtatatakbo na sya paalis.
"Bye Prinsesa! Nakuha ko na yung nakalimutan ko e!" Nakangiti lang sya ng nakakaloko habang tumatakbo.
Hahabulin ko pa sana sya kaso nakalabas na ng gate namin. Napapadyak na lang ako sa inis.
"BWISIT KA NICK! HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN!"
--------------
MrsSZaoldyeck
#NickThePlayboy
[12-20-15]
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Match
Novela JuvenilSi Erza Ishnelle Sy ay kilala sa tawag na "Ms. Matchmaker" sa St. Sallustian University. Her goal is to fulfill her missions. Her role is to be Cupid's descendant. But her life changed. This time, Cupid played it's own role. She's now the mission. P...