Chapter One: New Mission

6 0 0
                                    

"Elle!"

Napalingon ang dalaga sa pinagmulan ng boses na yun. Nakita nya ang isang dalagang tumatakbo papunta sa kanya. May malaking ngiting nakapaskil sa mukha nito.

"O, Lucy! Anong ginagawa mo dito. Tara, upo ka." Nakangiting alok nya dito. Ito kasi ay isa sa mga kaklase nya. Kilala itong madaldal sa room nila, pero aminado syang masaya itong kasama.

"Ay hindi na Elle. Hindi naman ako magtatagal." Napansin nyang di maalis-alis ang ngiti sa mukha nito. Halata rin dito ang pagkakilig.

"Napa'no ka?" biglang tanong nya dito. Mukha na kasi itong baliw sa klase ng ngiti nito.

"Ha?" takang tanong nito sa kanya.

"Ano kakong nangyari sayo? Bakit nakangiti ka dyan? Mukha kang t*nga." natatawang sabi nya rito. Mukha na kasi itong takas sa mental.

"Iiiiiiiiiiiihhh! Ang sama mo." Napanguso pa ito. Inirapan nya naman ang dalaga. "Anyway, mabalik tayo." Tumikhim pa muna ito. Nawi-wirduhan na talaga sya sa inaasta nito. Mas lalo syang nawirduhan nang bigla na lamang itong tumili.

"KYAAAAAAAHHHHH! OMG! OMG! OMG!!!!!"

Napatakip na lang sya sa tenga. Bukod kasi sa madaldal ito, kilala rin ito sa lakas ng boses dahil para itong nakalunok ng mic na nakakonekta sa isang malakas na speaker.

"Iiiiiihh!! Emeged! Oh my--"

Naputol ang sasabihin nito nang bigla nya itong binatukan.

"Aray naman, Elle! Grabe 'to! Ang sakit nun ah!" Napanguso si Lucy pagkatapos ng isang matinding batok na natanggap nya sa dalaga.

"Para ka kasing baliw dyan. Tinanong ko kung anong nangyari sayo tapos bigla kang tumili!" Poker face na sabi ni Erza.

"Sorry naman. Kinikilig lang ako." Nakanguso pa din ang dalaga. Napaupo na rin ito sa bench na kinauupuan ni Elle. Nasa garden sila ngayon ng school na katapat lang ng building nila.

"Anyway, ano ba kasi talagang nangyari sayo?" naiinip na tanong ng dalaga. Agad namang nagliwanag ang mukha nito. Bumalik ang malawak na ngiting nakapaskil dito kanina.

"Naalala ko na naman. Kyaaaa--" napatigil ito ng titigan nya ito ng masama. Nag-peace sign na lang sya sa dalaga.

"Anyway, kinikilig lang kasi ako. Tinanong na kasi kanina ni Andrew si Jane kung pwede na daw ba syang maging girlfriend nito. And guess what? Pumayag na si Jane! Sila na!" Tuwang-tuwang kwento nito sa kanya. Napairap na lang sya. Expected na nya na kasi yun. Sa buong buhay nya kasi bilang isang 'Matchmaker', di pa sya pumalya kahit isa.

"Grabe. Parang nung una, dinadaan-daanan lang nila yung isa't-isa, ngayon di na sila mapaghiwalay. Nagbunga ng maganda ang 6 months na panliligaw ni Andrew kay Jane." patuloy pa din 'to sa pagsasalita. Napairap sya. Naiinip na kasi sya. Alam na kasi nya lahat ng yun. Paanong hindi? E sya ang may gawa nun.

"At lahat ng yun ay dahil sayo! Oh my! Ang astig mo Ms. Matchmaker! Ikaw na talaga. Grabe. Ikaw na ang descendant ni Cupid." Napairap na naman sya. Baliw na nga talaga ang kasama nya. Isang tunay na madaldal.

"Anong kailangan mo?" Napahinto ang dalaga sa pagtawa at pagtili ng dahil sa tanong niya. Alam naman kasi nito na may ibang dahilan ang pagpunta nya dito.

"Pa-paano mo naman n-nasabing may k-kailangan ako? Hehe" Napaiwas ito ng tingin, sabay ngiti nya pa na parang guilty o nahihiya na ewan. Ay basta.

"Lucy. Alam ko naman na hindi lang yan ang sadya mo dito. Sus. Magkaklase tayo. Pwede namang mamaya mo na sabihin. Bakit kailangang puntahan mo pa ako dito?" Napangisi ako sa naging reaksyon nya. Pinagpawisan kasi sya bigla. Napayuko din ito at pinaglaruan na lamang ang daliri.

"A-ano kasi... Ano... Kasi..." Paputol-putol ang salita nito. Tila hindi makuha ang tamang salita na dapat nyang gamitin.

"Ano nga?" Nakatingin lang sya dito. Nakayuko lang naman ang kausap nya at halatang kinakabahan ito. Napapakamot din ito sa ulo at napansin nyang medyo namumula ang pisngi ng dalaga. Sa ganitong tagpo, mukhang alam na nya ang sadya nito.

"Ano kasi Elle... Yung ano.."halatang hirap na hirap ito sa sasabihin. Nahahalata nya ding nahihiya nga ito sa kanya.

"Kanino?" Biglang tanong nya.

"Ha?" Napaangat ang mukha ni Lucy. Napatingin sya sa dalagang nakatingin sa kanya. Iniisip niya kung nakuha na ba nito ang ibig sabihin nya.

"Kanino ka kako magpapalakad?" Diretsong tanong nito. Wala man lang kakurap-kurap. Para lang itong nagtanong kung anong araw ngayon. "Sabihin mo na agad. Babatukan kita tingnan mo."

Napipilitan namang sumagot si Lucy. Napa-buntong hininga muna sya bago sabihin ang pangalan ng lalaking matagal na nyang nagugustuhan.

"Kay A-Aaron." Namula agad ang pisngi nito pagkabanggit sa lalaking matagal na nyang pinapangarap sa malayo.

"Kay Aaron Marquez? Yung nerd na kaklase natin?" Namamanghang tanong nya. Hindi nya kasi akalaing ang maingay na babaeng ito ay sa isang napaka-tahimik na lalaki lang pala magkakagusto.

"OY HINDI SYA NERD! NAG-AARAL LANG SYANG MABUTI!" Napatakip agad si Elle sa tenga nya. Mantakin ba namang sigawan sya nito bigla. At sa tapat pa ng tenga nya.

Binatukan nya agad ang dalagang sumigaw.

"Baliw ka ba?! Gusto mo bang mabingi ako at hindi ko na marinig yang tulong na hinihingi mo?!" Sabi nya sa mataas na boses. Di na nya napigilan. Ang ingay ingay kasi nito.

Parang agad naman na inusig ng konsensya si Lucy. Siya na nga itong humihingi ng pabor, siya pa itong sumisigaw.

"Sorry na Elle." Napalabi si Lucy. "Pero patulong naman oh! Gustong-gusto ko kasi si Aaron mula pa nung umpisa. Kaya please, tulungan mo naman ako." Nababakas sa mata nito ang sinseridad sa pagtatapat ng pagkagusto sa lalaki.

Napa-buntong hininga na lang sya. Mukhang kailangan nga nito ng tulong. Pero di pa rin nya lubos maisip na sa isang tahimik na tao itong nagkagusto. Kunsabagay, opposite attracts nga naman.

Tumango na lamang sya sa dalaga. Handa na syang tulungan ito. Tutal ay naging mabuting kaklase't kaibigan naman ito sa kanya.

Nagliwanag naman agad ang mukha ni Lucy. Makikita ang tuwa sa mukha nito. Halatang masaya ito sa pagpayag nya.

Napa-buntong hininga na lang sya. Hay. May 'mission' na naman sya. Aandar na naman ang pagiging Kupido nya. But this time, it's between the loudest creature she ever met, Lucy, and the most quiet person she has known, Aaron Marquez...

HER SECRET BEST FRIEND.

MrsSZaoldyeck

Vote and comment :)

The Matchmaker's MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon