CHAPTER SIX
"GOOD morning Princess!"
Napalingon ako sa may labas ng gate namin. Nakita ko doon si Nick. Kumakaway pa sakin wearing his infamous smile.
Inirapan ko na lang. Grabe 'tong isang 'to. Feeling close. Porke nagkasama kami kahapon.
Papunta na sana ako sa garahe nang tawagin ako ni Nick. Lumingon naman ako.
"Sabay ka na lang sakin, Prinsesa! Babawi ako! Tutal nakisabay naman ako sayo nung isang araw! Dali na!" sigaw nya. Malayo kasi ang gate namin mula sa kinaroroonan ko.
Naglakad ako palapit sa gate. Binuksan ko ito at hinarap sya.
"And why would I do that?" Nakataas ang kilay kong tanong. I crossed my arms in front of him.
"Hmmm. Let's say.." Umakto pa sya na parang nag-iisip.
"Don't act like you're thinking. Thinking might be the last thing you'll do." sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Yeah. And loving you will be the first thing I'll do." He grinned. Nagtaas-baba din ang kilay nya.
Binatukan ko nga. Ang daming alam ng mokong na 'to.
"Aray naman!" sabi nya habang hinihimas ang ulo nyang binatukan ko.
"Puro ka kasi kalokohan." bulyaw ko. Isasarado ko na sana yung gate nang pigilan nya ito.
"Teka lang! Teka lang! Sorry na. Eto naman e. Joke lang. Grabe ka naman." He pouted. Napakamot na lang din sya sa ulo nya.
Binuksan ko ulit yung gate. Nakataas ang kilay ko nang hinarap ko sya.
"Ganito na lang. Kapag hindi ka sumabay sakin, I'll kiss you again. But this time, sa lips na. You don't want that, do you? Or you do?" He showed me his half smirk.
"Gusto mong tamaan?!" Nanlalaki ang matang sabi ko sa kanya.
"Eto naman. Beast mode agad. Pero seryoso ako, Elle. Sasabay ka sakin o hindi?"
"Ayoko. Haharassin mo lang ako sa loob ng sasakyan mo." I rolled my eyes.
"I won't. I promise I won't." tinaas nya pa ang kanang palad nya. Para syang batang nangangako.
"Sige na, please. Friends naman na tayo diba?" nagpapaawang sabi nya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Alright. But keep your promise, Alonzo." pagsuko ko.
"I will." Sabi nya at hinatak na nya ako sa tapat ng kotse nya. He opened the door of the shotgun seat for me. Sumakay na ako. I waited for him to get in.
"Behave Mr. Alonzo. Or you'll taste the hell out of me." sabi ko lang sabay tuon ng atensyon ko sa harap.
"I prefer the heaven out of you, Miss." Mahinang sabi nya. Pero di ko na pinansin.
PAGDATING namin sa school, I noticed that all eyes are on us while we're walking. Andyan na namam yung bulungan ng mga estudyante. I'm not that dumb not to know that it's about me.
Nang madaanan namin ang Freedom Board, napansin naming may certain side ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
Out of curiosity, nilapitan ko ang Freedom Board kung saan sila nagkakagulo. Napansin kong sumunod sakin si Nick.
Nang makalapit kami, unti-unting nahawi ang mga estudyante. Hindi ko itatanggi na famous ako at kilala naman nila ako.
May nakita akong nakasulat dun at may mga pictures sa paligid nito. Nilapitan ko pa para mabasa kong mabuti.
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Match
Teen FictionSi Erza Ishnelle Sy ay kilala sa tawag na "Ms. Matchmaker" sa St. Sallustian University. Her goal is to fulfill her missions. Her role is to be Cupid's descendant. But her life changed. This time, Cupid played it's own role. She's now the mission. P...