Prologue
"Simple lang. Pumayag kang maging Maid ko."
Napanganga ako sa tinuran niya. Nagtatagalog na talaga siya? Ngayon ko lang kasi napansin. Pero ano raw? Maid? Ako?
Nagpupuyos na ako sa galit ngunit patuloy akong nagpipigil. Ang kapal ng pagmumukha niya para gawin sa akin 'to! Gusto ko na siyang upakan pero hindi, kailangan kong magpakatatag.
Ginusto kong lisanin pansamantala ang buhay ko noon kaya wala akong magagawa kung 'di ang panindigan ang bawat katagang binigkas ko sa harap ni Lolo at Dad. Hindi ako maaaring bumalik doon ng walang maipagmamalaki.
Papatunayan ko sa kanilang lahat na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.
Naikuyom ko ang mga palad ko habang naiisip ko ang mga iyon. Dumagdag pa ang lalaking ito sa kalbaryo ko sa buhay. May alas pa naman ako kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko. Hindi maaaring wala akong gawin.
"Bakit mo aalisin sa akin ang scholarship ko?" hindi ko na kayang magtimpi. "Nag-aaral ako nang maayos kahit i-check mo pa ang mga grades ko noon, from Elementary to High School. Wala kang karapatan na patalsikin ako sa eskwelahan mo!" nakataas noong sumbat ko sa kanya.
Napangisi siya sa mga sinabi ko. Mas lalo tuloy akong nainis.
"Sa 'yo na mismo galing. Dahil pagmamay-ari namin ang Howward Collie University. Pagmamay-ari ko! Hindi grades ang batayan sa eskwelahan ko, pera bago utak." madiin niyang bigkas sa akin.
Ang eskwelahan niya ang may pinakamagandang standard sa buong bansa. Kung laman lang ng utak ang pag-uusapan, walang dudang may ibubuga ako. Pero pag laman sa bulsa? Wala talaga.
Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako lalapit kahit isa sa pamilya ko. Mamatay muna ako bago mangyari iyon.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Pinaghirapan kong makapag-aral dito tapos tatanggalan mo lang ako ng scholarship! Gagawin mo pa akong katulong mo!"
Wala nga akong alam sa mga gawaing bahay, maging katulong pa kaya?! Sarili ko lang ang kaya kong pagsilbihan.
"Be my maid or leave? I'll let you stay as a payment, be my Maid. May mga pangarap ka di ba? That is why you are here. Hindi ako concern sa 'yo. Nakakaawa ka lang kasi. Here, contact me or puntahan kung nais mo. Bahala ka kung tatanggapin mo o hindi. Ito lang ang chance mo. Kapag inayawan mo pa, umalis ka na sa Howward Collie University. Lumayas ka sa University ko."
Napatingin ako sa card na inilapag niya sa table. Naramdaman ko ang pagtayo niya. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng office niya.
Bryle Dann Lavista Sy!
I gritted my teeth because of severe depression. How dare him?! Gusto ko siyang paslangin. Napabuntong hininga ako sabay wala sa sariling dinampot ang card sa table.
BINABASA MO ANG
My Maid is a Legendary Gangster (BOOK 1) [Under editing]
HumorWhen a Legendary lady Gangster finds her new life after Meeting Mr. Bryle Dann Lavista Sy a mysterious guy who conquered great power in the Society. Si Ricky Amarah Fortania Lavitus ay isang batang maagang naulila sa ina. Naglaho na parang isang bu...