Chapter 4
(Clash)"Ipinatawag niyo daw po ako Boss." Si Luiford. Ang isa sa mga tao ng Don.
"Stop working for me." seryosong sambit ni Don Chander.
Gustong tumanggi ng binata sa gusto ng matanda pero wala siyang magawa. Nanatili siyang tahimik. Boss pa rin niya ito.
"Magsalita ka."
Ngumiti ang binata nang tipid. "Ayaw kong umalis sa poder niyo Boss. Alam niyo 'yan but if this is what you want, I will obey."
"From now on stay with Richard. Every detail about my son should be reported as soon as possible to me. Work for me secretly but away from me. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes Boss. Makakaasa kayo."
"Good."
TRITY'S POV
"Arigato." ngumiti ako sa matandang pinagbilhan ko ng kimchi.
Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng mga gamit ko. Sanay na ako sa ganito pero hindi ako sanay na hindi ko kasama ang pamangkin ko.
Mabilis akong naglakad papunta ng food court. Umupo ako agad saka ko inilabas ang binili kong siopao kanina. Dumukot ako ng isa. Kakagatin ko na sana ito nang may mapansin akong nakadikit sa pader sa malapit.
Flier na may nakasukat WANTED. Napalunok ako nang mapagtanto ko kung sino ang taong nakalagay doon. Si Shara. Ang nag-iisang Lady Black Fire.
Halos hindi ko malunok ang naipong laway ko dahil sa gulat. Wala sa sariling inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi lang isa, dalawa, at tatlo ang nakita ko kundi marami pa. Sa bawat poste ay may nakadakit.
Siguradong nalaman na nila ang pag-alis ni Lady Black Fire sa U.S kaya hanggang dito may ganito. Hindi ko mapigilang kabahan para kay Shara. Alam kong ligtas siya sa Pilipinas pero bakit kinakabahan pa rin ako.
Tama bang hinayaan ko siyang mamuhay mag-isa?
"Selfie!" narinig kong sambit nang batang babae sa malapit.
Siguro nasa lima o anim na taong gulang pa lang siya. Nakahawak siya ng selfie stick at nagpipicture sa poster ni Lady Black Fire. Nakita kong nagpapapicture din siya sa Mama niya. Dahil siguro bata kaya hinayaan na lang nila.
Napangiti ako. Napawi nito kahit papano ang kabang nararamdaman ko. May mga nakakaramdam din na mabuting tao si Lady Black Fire...
END OF TRITY'S POV
CHESKA'S POV
"I just came from Germany."
I'm tired and exhausted but I managed to got up and arrived here this early. Why? Because of my Fiance.
Kapapasok ko pa lang ng gate, sinalubong na ako ng mga C-cats. A pure girl group here in the University. They are my friends.
"Hi Cheska!" bati nilang lahat sa akin.
Hindi ko lang sila pinansin. Nakikisama ako sa kanila pero sa loob-loob ko, hindi ko sila ka-level. Never.
"Kumusta ang jet lag?" si Kris. Ang pinakalider nila.
Inirapan ko lang siya at tuloy-tuloy na naglakad. Tumigil ako sa tapat ng music building. Sumulyap ako sa bintana mula dito sa kinatatayuan ko. The lights inside are on but there's no instrument playing. Meaning, wala ang Besfriend ko sa loob.
I continue walking with the girls at my back. Ilang buwan lang akong nawala ang dami na namang nagbago dito.
"Have you not heard the latest news about your Fiance." si Cris.
BINABASA MO ANG
My Maid is a Legendary Gangster (BOOK 1) [Under editing]
HumorWhen a Legendary lady Gangster finds her new life after Meeting Mr. Bryle Dann Lavista Sy a mysterious guy who conquered great power in the Society. Si Ricky Amarah Fortania Lavitus ay isang batang maagang naulila sa ina. Naglaho na parang isang bu...