TMC 3

3.3K 160 7
                                    

Maine's POV

"Mahal din kita Alden!"

Yes! Nasabi ko! Nagawa ko ang advice sa'kin ni Dj Bae. Pero-






"Sige na....... Pumasok ka na sa loob ng bahay nyo. Good night Menggay!"

...hindi nya yun narinig dahil biglang may dumaang malaking trailer truck at nagkataong bumusina ito.

"S-sige. Good night din!" at lumabas na ako sa kotse nya.


Nagdire-diretso ako hanggang sa makapasok ako sa loob. Hindi ko muna sinira yung pinto dahil hinintay ko pang makaalis si Alden. At nang umandar na ito, muli akong lumabas para pagmasdan ang papalayo na nyang kotse.

"Mahal kita Alden. Pero hindi mo na naman narinig. Ang malas mo talaga Menggay!"



Ako si Maine Mendoza...bestfriend ni Alden...ang Mystery Caller ni Dj Bae.






One week ago nang maisipan kong tumawag sa hotline ng programa ni Alden. Naisip ko kasi na baka sa ganung paraan, malaman ni Alden ang feelings ko para sa kanya. Kung hindi sya bingi at manhid...baka ngayon, wala ng mystery caller na tumatawag sa kanya. Like hello! Sino bang hindi makakaalam ng boses ng bestfriend nya sa telepono. Lalo na't bata pa lang...kilala na namin ang isa't isa.

Ewan ko nga kung manhid lang talaga si Alden at hanggang ngayon hindi nya pa rin maramdaman na sya yung lalaking tinutukoy ni mystery caller. Nakakatuwang isipin na lahat ng mga advices nya ay para rin pala sa kanya. Pero mas nakakatuwang isipin na hindi nya pa rin alam na ako nga si mystery caller.

Napapa-facepalm na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga failed advices na binigay nya sa'kin. Una, yung sa love letter. Pinayuhan nya ako na kung ayaw kong umamin sa personal, magpaka-old school daw ako. Susulatan ko sya at dun ako magco-confess.

But guess what? Nabasa lang naman yung letter na nilagay ko sa harapan ng sasakyan nya. Natapunan ito ng tubig kaya bago pa nya mabasa, tinapon ko na.

Next, yung video presentation na pinagkahirapan ko para lang kay Alden. Nawala bigla yung files. Ewan, na-corrupt yata.


Humingi ulit ako ng payo at sinabi naman nyang ipagluto ko na lang daw. Ginawa ko naman at nagluto nga ako ng paborito nyang adobo pero...ang buong akala nya, gawa yun ng lola nya na masarap talagang magluto ng adobo. Hindi man lang sya sa'kin naniwalang pinag-aralan ko yun para lang sa kanya.

At yung ngayon, hindi nya narinig ang mga sinabi ko dahil sa trailer truck na yun!

Haist! Ewan ko! Parang mababaliw na yata ako kakaisip sa kung paano malalaman ni Alden na mahal ko sya!

Paano ba ako aamin sa kanya? Pero ang tanong, dapat na ba talaga akong umamin sa kanya? Paano? Ano sa tingin nyo?

The Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon