Epilogue

3.8K 174 28
                                    

Alden's POV

After 3 months...

"And our last caller for this day...hello?"

Medyo matagal bago sumagot ang last caller ko. Akala ko nga wala na syang balak na magsalita...

"Hello Dj Bae!"


Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa boses na narinig ko. Kilalang-kilala ko kung sino 'to at hindi ako pwedeng magkamali.

Lumingon ako kay Sam at nakita ko kung paano nya ako nginitian ng nakakaloko. Pati sya, natatawa sa nangyayari.

"Ano 'to?" I mouthed.

Itinaas nya lang ang mga balikat nya para sagutin ako.

Pero hindi ako naniniwala dahil for sure, may alam sya sa mga nangyayari.

"Dj Bae, hindi po ako hihingi ng advice. Gusto ko lang sanang magpahatid ng mensahe."

Hindi ko mapigilang mangiti dito sa kinauupuan ko. Ngayon lang ako na-tense sa tinagal-tagal ko ng nagtatrabaho.

"Ano ba yun? Para kanino?"







"Para po kay Alden Richards."

Mas lalo akong kinabahan...kinabahan dahil sa excitement.


"Teka! Sino ba 'to?" I said as if I don't have any idea.




"Si Maine Mendoza po!"

Napatayo ako ng hindi oras.

"Ano ba 'to? Bakit hindi ako na-orient?" I said out of the blue habang hindi ko mapigilang mapangiti.


Lumapit bigla sa'kin si Sam...
"Bago mo makalimutan, si Dj Bae ka uyy!" biro nya sa'kin.



Umupo na ulit ako at kinompose ang sarili ko. Napapailing na lang ako...

"Sige, sige. Sabihin mo na yung message mo."






"Alden..."
















"Tisoy...toot-toot-toot-toot" end of call.


Naputol bigla ang linya. Hindi ko maiwasang hindi manghinayang. Andun na eh, sasabihin na nya.

Hindi ko naman matukoy kung sa technical problem ba o sinadya lang yun ni Meng.

"Naku, sayang naman! Naputol bigla ang linya, sasabihin pa lang sana nya. Ano kaya ang message na yun?"

"Pero dahil wala na rin tayong oras, thank you pa rin sa ating last caller at sa lahat ng mga tumawag sa number one program in radio. Bukas ulit, for a piece of advice tumawag lang sa'kin... ang nag-iisang...Dj Bae!"

***



Pilit kong tinatanong si Sam about sa tawag ni Maine pero todo deny sya na wala talaga syang kinalaman. Kaya hindi na ako nagpilit at bumaba na.

Excited na akong makita sya at excited na rin akong malaman kung ano ang message nya.











Malayo pa lang, tanaw na tanaw ko na syang naghihintay sa'kin sa labas.

"Menggay!"


Lumingon agad sya sa'kin at ngumiti.

"Ano ba yung message mo ha? Binibitin mo pa ako."

"Eh naputol na yung linya...hindi na pwedeng ituloy. Next time na lang!"

Naglakad na sya kaya sinundan ko sya at inakbayan.



"Hindi mo na kailangan pang tumawag ulit. Ngayon mo na sabihin...makikinig ako."




Tumigil sya sa paglalakad at humarap muli sa'kin. Nakikita ko ang saya sa mga mata nya.

"Sige na nga. Alden...tawag ka ba?"

Agad na kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya.



"Ha? Tumawag ka para lang sa pick-up lines?"

Tumawa sya ng mahina.
"Hindi noh. Basta, sumakay ka na lang!"




"Sige. Bakit?"













"Kasi...sinasagot na kita!" masigla nyang sagot.
















"Ha? Yun lang?"




Bigla syang sumimangot na parang bata.
"Anong yun lang? Hindi mo ba gets?"



Mabilis akong umiling...
"Hindi."







Mas lalo syang lumungkot.
"Huwag na nga lang. Kalimutan mo na yun!" halata ang pagtatampo sa boses nya.



At naglakad na ulit sya palayo. Pero bago pa man sya makapasok sa kotse, nahabol ko sya at hinawakan sa kamay.

"Masyado namang matampuhin ang girlfriend ko. Sorry na."




Natigilan sya at tumingin sa'kin.
"Girlfriend?!"




"Oo. Sinagot mo na ko 'di ba? Wala ng bawian!"



"Pero akala ko ba hin-"

Hindi ko na sya hinayaang magsalita pa dahil binigyan ko sya ng isang mabilis na halik sa labi nya...na ikinagulat nya.

Halos manlaki ang mga mata nya at napakapit pa sya sa labi nya.

"Binibiro lang naman kita. Syempre gets ko yun. Sinasagot mo na nga ako 'di ba, magiging slow pa ba ako?"




Bigla nya akong pinalo sa balikat pero mahina lang naman.

"I hate you Alden, akala ko ang corny talaga ng banat ko at hindi bumenta sa'yo. Tapos ninakawan mo pa ako ng kiss!"







Medyo yumuko ako para ilapit ang mukha ko sa kanya.

"Sorry na nga 'di ba?"


At ngumiti na ulit sya.

"I love you Menggay!" I said.




"I love you Tisoy!"








It's official. After 3 months of courthship...kami na!




Now playing: One Call Away by Charlie Puth








The End...

The Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon