TMC 4

3.1K 146 3
                                    

Maine's POV

Gaya ng nakagawian, dinial ko ang numero na palagi kong tinatawagan pagsapit ng 9:45 pm. Naka-ilang ring lang at sinagot na agad ito...

"Hello Dj Bae!"

"Mystery caller?"

"Oo, ako nga 'to Dj Bae."

"Oh? Sa tono ng pananalita mo..mukhang malungkot ka. Don't tell me...hindi na naman umepekto ang advice ko?"

"Hindi naman sa ganon Dj Bae. Hindi lang talaga maganda ang timing ko. Hindi nya narinig ang sinabi ko."

Humugot ako ng isang malalim na hinga.

"Dj Bae, alam kong ilang beses ko na 'tong ginawa. Pero ngayon, wala na talaga akong choice kundi ang humingi ulit sa'yo ng advice."

Alam kong paulit-ulit na lang nangyayari ang bagay na 'to. Tatawag, hihingi ng advice, magiging palpak, tatawag ulit at hihingi ng advice. Pero hindi ako mapapagod. Patience is a virtue nga sabi nila. At para sa isang taong nagmamahal kagaya ko...hindi ako mapapagod na hintayin kung kelan ako mapapansin ni Alden.

"Hindi mo naman na kailangan pang humingi ng advice sa'kin Mystery Caller. Wala ka ng kailangan pang gawin para sa taong mahal mo. Sapat na ang effort na binigay mo para sa kanya. And I'm sure kung nakikinig lang sya sa programang ito...maa-appreciate nya lahat ng ginagawa mo para sa kanya. One thing I can advice to you..."

Bahagya syang napatigil.

"...hintayin mo na lang na umamin sya ng feelings nya para sa'yo. Kase kung mahal ka talaga nya, hindi mo na dapat pang iparamdam na mahal mo sya para lang umamin sya. Darating din ang panahong sya naman ang magpaparamdam ng pagmamahal nya sa'yo."

Tama ka Alden. Sana nga dumating din ang panahong yun...na hindi na lang ako ang nagpaparamdam ng pagmamahal sa'yo kundi tayong dalawa na.

Sa'yo na mismo nanggaling. At wala na akong magagawa pa kundi ang maghintay sa'yo.


"Siguro nga tama ka Dj Bae. Hihintayin ko na lang ang pagkakataong sinasabi mo. At sana...ito na ang huling beses na tatawag ako bilang si Mystery Caller."


"Bakit naman?"




"Ibig-sabihin hindi ko na kailangan pa ng mga advices. Hindi na ako magtatago sa identity ni Mystery Caller."






"Well, sana nga mangyari. How I wish na umamin na sya sa'yo."








"Thank you Dj Bae."




"Welcome and thank you for calling Mystery Caller. Goodluck!"





Napangiti ako bigla. Sana nga ito na ang huling tawag ko sa kanya, huling beses na tatawagin nya akong si Mystery Caller.


"Mystery caller, teka lang! Itong song na papatugtugin ko...para sa'yo 'to."


At sunod ko nang napakinggan ang sarili nyang version ng God Gave Me You.

Pinipilit kong hindi ngumiti dahil mukha akong ewan dito na mag-isang tumatawa. Pero hindi ko talaga mapigilan ang kilig ko. Ang sarap sa feeling na inaalayan nya ako ng kanta.

Balak ko sanang tapusin ang kanta kaya lang napindot ko yung cellphone ko dahil sa gulat.

"Aha! Sabi ko na nga ba...ikaw si Mystery Caller!"










Lumingon ako at nakita kong nakatayo si Sam ilang metro lang ang layo sa'kin. Hindi agad ako nakapagreact.



"Kung ikaw nga si Mystery Caller ibig-sabihin nyan, mahal mo ang bestfriend mo. At si Alden ang bestfriend mo 'di ba? So technically speaking...si Alden ang tinutukoy mo!"





Naku po! Patay na! Sa dinami-rami ng tao, bakit itong si Sam pa ang nakakita sa'kin??? Eh kaibigan 'to ni Alden at saka...ang daldal pa naman ng isang 'to.


"Dapat talaga 'tong malaman ni Alden, ngayon na!"



Naalarma ako bigla dahil tumalikod sya sa'kin para magbalak na magsumbong kay Alden. Hinabol ko sya at hinarangan.

"Huwag! Please Sam, nagmamakaawa ako sa'yo! Huwag mo namang sabihin kay Alden."





Tumingin sya sa'kin at ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit? Dahil ba totoo lahat ng sinabi mo sa kanya sa radyo? Sya yung tinutukoy mong bestfriend?"




Napayuko ako.


Naku! Kung hindi ko lang mahal si Alden, baka kanina ko pa nakutusan 'tong kaibigan nya. Paulit-ulit talaga? Samantalang, gets naman nya.



"Oo. Totoo lahat yun. Totoong ang tinutukoy ko ay sya. Totoong...mahal ko si Alden."



"Oh? Eh kung ganun, dapat na nga 'tong malaman ni Dj Bae." nang-aasar nyang sabi.


Napaangat agad ako ng tingin.

"Sam naman, huwag mo namang gawin 'to sa'kin."

Tumingin ako sa kanya na parang naiiyak.








"Hmmm. Kelan mo ba balak umamin? Alam mo bang ang tagal na nyang nagwo-wonder kung sino si Mystery Caller?"







"Hindi ko rin alam eh. Basta, bahala na. Sya naman ang may sabing hintayin ko lang ang panahong umamin ang bestfriend ko...umamin sya."

"Pero ang tanong...mahal ka nga ba ni Alden? Paano sya aamin kung hindi kayo pareho ng nararamdaman?"





I felt a sudden burden in my heart. May point si Sam, paano nga ba sya aamin kung hindi naman nya ako mahal??

Dapat pa ba akong umasa o ako na mismo ang gagawa ng paraan gaya dati???

The Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon