TMC 8

3K 169 4
                                    

Maine's POV

Umupo ako sa kama ko at tiningnang mabuti ang sim card na nakapatong sa ibabaw ng side table ko. Kinuha ko yun at kinausap na para lang akong nakikipag-usap sa tao.

"Wala na si Mystery Caller. Hindi ko na naman kailangan pang gamitin ang pangalang yun dahil may kung sino ng nangpanggap na sya raw si Mystery Caller...impostor mystery caller kamo!"

"Kaya wala na ring rason para gamitin ka pa!"

Tumayo ako para itapon na yung sim card na ginagamit ko sa tuwing tatawag ako kay Dj Bae. Lumapit ako sa trash bin at ready na akong bitawan yun anytime pero...

hindi ko ginawa.

Hindi ko kayang itapon. Instead I grabbed my phone and inserted it. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Parang may something na nagsasabi sa'king gawin ang bagay na yun.

Meanwhile, nag-ring yung phone ko. Isang unregistered number ang nakita ko pero kilalang-kilala ko kung kanino yun....kay Alden. Saulong-saulo ko ang number nya at kahit pa yata tulog ako eh kaya kong banggitin.

Kinuha ko yung phone at sinagot ito. Si Mystery Caller ang tinatawagan nya at hindi ako.


"Hello?"

"Mystery Caller!" parang masigla nyang pagkakasabi.

"Pwede bang lumabas ka muna saglit sa kwarto mo?"

Ha? Bakit nya naman ako palalabasin?

"A-ano kasi-"

"Sige na...please?"

Napabuntong-hininga ako. Bakit ganun? Hindi ko sya matiis.

Binuksan ko ang sliding door sa terrace ng kwarto ko at lumabas ako.



"Ahmm...nasa labas na ako. Anong gagawin ko?"


"Wala."

Ha? Wala? Pinagtitripan nya ba ako? Pinalabas nya ako tapos wala naman pala akong gagawin.


"Wala ka ng dapat pang gawin...tumayo ka lang dyan okay na."


Habang tumatagal mas nagiging weird 'tong si Alden. Hindi nya ba alam na malamig at malamok dito sa labas.

"Ang ganda mo pala noh?"

Nagulat ako dahil sa sinabi nya. Napakapit ako sa pisngi dahil feeling ko namumula na ako.

"Alam mo...kahit na hindi pa kita nakikita...pakiramdam ko...ang sarap mong mahalin."

Hindi pa nakikita? Akala ko ba nakita na nya ako...I mean yung impostor na Mystery Caller. Naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi ni Alden ha.


"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Hindi ko pa nakikita ang totoong Mystery Caller...at ikaw yun!"



Mas lalo akong naguluhan. Bakit pa ba sya tumawag? Bakit pa nya kailangang sabihin sa'kin ang mga bagay na 'to???


"Naniniwala naman ako sa'yo...ikaw talaga si Mystery Caller. Noong unang beses pa lang na tumawag ka...alam ko ng ikaw yun Maine."




Biglang kumabog ang dibdib ko nang banggitin nya ang pangalan ko. Sumilip ako sa baba at laking gulat ko nang makita kong andun si Alden...at kanina pa ako pinapanuod.

Tumalikod ako para tumakbo sa loob.

"Please Meng. Huwag ka munang pumasok oh. Mag-usap tayo...kahit dito lang sa telepono. Just give me a couple of minutes to say everything."



Napapikit ako at napakapit ng mahigpit sa cellphone ko bago muling humarap sa kanya.









"The first time you called me...alam kong ikaw yun. Sino bang hindi makakakilala sa'yo...I memorized every single details about my Menggay. Hindi kita binuking na ikaw yun dahil gusto kong malaman kung ako ba talaga ang lalaking tinutukoy mo. I just go with the flow. I adviced you as if I know nothing. Hanggang umabot na nga sa point na ginagawa mo ang lahat ng advices ko."







"Yung letter. Yung letter na ginawa mo at iniwan mo sa kotse ko...nabasa ko yun. Damang-dama ko na talaga yung laman ng sulat kaya lang nakita kitang parating na kaya dali-dali ko itong ibinalik. Yun nga lang, naiwan kong bukas yung tumbler ko kaya nabasa."

ANO?! Nabasa nya yun? Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.


"Sumunod yung video presentation na ginawa mo...napanuod ko rin yun. Hindi ko naman sinadyang makita yun pero aksidenteng nabuksan ko yung folder na yun sa flashdrive mo nang hiramin ko yun. Balak kong i-copy dahil sobra kong nagustuhan pero...nagkaroon ng problema at pati yung original version nasira. Sorry..."






Pati yung video presentation napanuod nya rin??? Kaya pala nawala bigla.








"At yung adobong niluto mo. Naniwala naman ako sa'yong ikaw talaga ang gumawa nun. Kinwento sa'kin ni lola kung paano ka nagpakapagod at nag-effort na magluto. Kaya nung gabing nakatulog ka sa sofa dahil sa pagod...kinausap kita kahit na alam kong wala ka namang malay. I thanked you at hinalikan pa nga kita sa noo bago ipasok sa kwarto mo. Sorry kung ninakawan kita ng halik. Sa noo lang naman yun eh...oo, sa noo nga lang."

The Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon