TMC 9

3.2K 174 4
                                    

Alden's POV

"At yung huling advice ko sa'yo. I heard it Maine...the moment when you said 'you love me'."







"Maine, lahat ng yun alam ko. Pero sorry dahil nanatili lang akong tahimik. Balak ko naman sanang sabihin sa'yo kung ano ang nararamdaman ko pero...si Sam kasi eh...dinamay nya ako sa kalokohan nya. Pinalabas nyang wala akong kaalam-alam sa nangyayari."

"Pati yung babae na nagsabing sya si Mystery Caller...pagpapanggap lang yun. Naisip nyang humanap ng babaeng magpapanggap na si Mystery Caller para umamin ka na pero ang hindi namin alam...balak mo na pala talagang umamin that time. Nagkagulo-gulo tuloy ang sitwasyon."


"What?! Niloko nyo lang ako?! Pero hindi ako nagloloko Alden nang sabihin kong mahal kita. Totoo yun!"

Halata na ang galit sa boses nya. Gusto ko syang lapitan at yakapin pero hindi ko naman magagawa. Normal lang na maging ganun ang reaksyon nya. Galit sya sa'kin at kasalanan ko naman talaga.

"Alam ko Meng! Kaya nga, andito ako para humingi ng sorry, kasalanan ko ang lahat. Pero kahit na ganun...gusto ko pa ring malaman mong mahal na mahal kita Meng. Hindi naman kita pipiliting patawarin mo ako ngayon. Kung kelan handa ka na...andito lang ako para maghintay."









Hindi agad sya sumagot. Nanatili lang kaming parehong tahimik sa loob ng ilang segundo.

Hinintay ko lang na muli syang magsalita.



"Maine-"

"Times up! Tapos na ang two minutes mo." sabi nya.



Ha? Tapos na agad? Ang bilis naman, dapat pala 5 minutes ang hiningi ko.

Pinatay na nya ang linya at nakita ko syang tumingin muna sa'kin bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto nya.



Mukhang ayaw nya talaga akong kausapin. Hindi ko naman sya pipilitin. Alam kong darating din ang panahong haharapin nya ako. Sa ngayon, kailangan nya muna ng space.













Tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad palayo. Ayoko sanang umalis nang hindi naaayos ang lahat. Hindi ako sanay na ganito kami ni Meng. Bata pa lang, malapit na kami sa isa't isa. Kaya hindi malabong mahulog talaga ang loob ko sa kanya...at ganun din sya.

Pero yung feelings nya para sa'kin, mukhang napalitan yata ng galit. Eh sino nga bang hindi magagalit sa ginawa ko??!























"Alden!"















Parang automatic na huminto ang mga paa ko sa paglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Meng yun!


Lilingunin ko pa lang sana sya- nang makaramdam ako ng yakap mula sa likod ko.


"Hindi mo na kailangan pang maghintay...pinapatawad naman kita eh!"


Hindi ko alam kung umiiyak na ba sya ngayon dahil sa boses nya.



"Mahal kita Alden...at kailanman hindi magbabago yun!"


















Para akong nabunutan ng tinik dahil sa mga sinabi nya. Hindi na ako nagdalawang-isip na harapin sya.

"Menggay..."




Ngumiti sya sa'kin...
"Tisoy..."





Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya. Na-miss ko agad sya...yung makulit na Menggay...at yung Menggay na mahal ko.

The Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon