Chapter 3: Damon

4 1 0
                                    

Kylie's POV

"Babe! Wag ka na kaya pumasok? Dito ka na lang mag mall tayo! Libre ko!" Sabi ni Kyle

Akala niyo siguro boyfriend ko noh? Tss mandiri kayo. Kakambal ko yan. Si Zeus Kyle Tan at ako naman si Dawn Kylie Tan we are twins. May kapatid pa kami, kambal din. Mas bata sila samin. Sila Sapphire Ann Tan at Amethyst Lynn Tan.

"Kung kelan naman nakabihis na ko? Sayang effort ko! Pero sige libre eh. Wait magpapalit lang ako" Alam niyo kasi masyado akong fashionista.

"Sige na nga babe bilisan mo dali! Hihihi excited na ko" Sabi niya.

"Oo na" pumasok na ulit ako sa kwarto ko at naghanap ng damit na isusuot

Babe tawagan namin ng kakambal ko. Kasi gusto daw niya. Pareho kasi kaming NBIAR (Never Been In A Relationship)

Nagsuot na lang ako ng Black sports bra na pinatungan ko ng White see through shirt, black skirt, at black converse shoes.

[AN: iyan po talaga ang sinuot ko nung New Year 2016 HAHAHAHAHAHA ]

Lumabas na ko ng kwarto at nakita kong naghihintay sa labas ang kakambal ko.

Tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa sofa KO at lumabas na kami.

~At the Mall~

"Pinagtitinginan nanaman tayo hayyyy. Ganda kasi ng lahi natin eh. Diba babe?" Sabi ni Kyle. Tama nga naman siya maganda lahi namin kaya pinagtitinginan kami. Kaya nga minsan lang kami mag-mall eh.

Pumunta na lang kami sa boutique ko. Guess what. Puro Black, Gray, at White lang ang kulay ng mga binebenta dito. Why? Gusto ko eh paki niyo.

Hindi ako kilala ng mga staff dito dahil tuwing pumupunta ako dito may suot akong Mask na Black na may Gold Linings.

Kahit na ako may ari ng boutique, di ako bumibili dito. Kahit maghagilap ka sa closet ko, wala kang makikita na galing dito sa boutique ko.

Naghagilap na lang ako ng pwedeng bilin ganun din naman si Kyle.

Pero nakakainis lang dahil sunod ng sunod yung saleslady. Hindi ko alam na nag-hi-hire pala ang manager ng boutique ko ng mga aso.

"Please stop following me. Hindi ako magnanakaw na kailangan mo pang sundan at tignan ang bawat galaw." Like seriously? Ano ko tanga? Nanakawan ang sarili kong boutique? Tss.

"Ahhhh ehhhh sorry po ma'am" sabi niya sabay alis.

Buti naman hay.

Nakapili ako ng tatlong black sando, dalawang polo na black, Isang sando na gray, dalawang sweater na gray, isang polo na white, isang crop top na white at black combat boots with heels, gray knee boot with heels, white high heels.

Nasa counter na yung mga pinamili ko kaya naglibot libot na lang muna ako sa boutique. 

Nasa kalagitnaan na ko ng pag iikot sa loob ng boutique ng mapansin ko na may nagkukumpulan sa labas? Parang may pinapanood sila? Artista? Ewan.

Lumabas ako para tignan kung ano nagyayari. Curious ako eh. At dahil matalino ako umakyat ako sa second floor at dun nanuod.

Ahhh may nagaaway pala. Tingin ko nahuli nung babae yung boyfriend niya na may kasamang iba.

"Malalandi nga naman/Malalandi nga naman" ako/lalaking-di-ko-kilala

Napatingin ako sakanya dahil nagkasabay kami magsalita at pareho pa kami ng sinabi. Nakatingin din siya sakin.

Gwapo naman siya kaso sa ugali ako tumitingin eh.

"Hey. Damon Kim  nga pala. So I see na pareho tayo ng comment sa scene na nagaganap ngayon sa baba" sabi niya at tumingin ulit sa scene na nagaganap.

Tumingin na lang din ako sa baba

"Dawn Kylie Tan. Yeah." I don't usually talk to strangers pero ewan ko kung bakit kinakausap ko si Damon.

"Tingin mo, sino may kasalanan. Yung babae sa kanan, yung babae sa kaliwa o yung lalake?" Sabi ulit niya.

Nag-uusap kami pero sa baba parin kami nakatingin at nanunuod.

"Hmm. Depends. Pwedeng may pagkukulang yung babae sa kanan na kayang ibigay ng babaeng nasa kaliwa. Pwedeng hindi alam nung babae sa kaliwa na may girlfriend na pala yung lalaki. Pwedeng hindi lang talaga makunteto sa isa yung lalaki or malandi lang talaga sila" sabi ko.

Base sa peripheral vision ko. Mukha siyang tanga. Umiiling habang nakangiti. Tumingin na ulit siya sa gawi ko pero hindi na ko nag abala pang tumingin din sakanya.

"You know, you amaze me and I don't know why" nakangiti niyang sabi. Hinarap ko siya at nginitian.

"Because I'm Dawn Kylie Tan. Have to go. Bye" tinalikuran ko na siya at pumunta na ulit sa boutique.  Baka tapos ng mamili si Dawn eh.

'Till we meet again Mr. Damon Kim ' isip isip ko habang pababa ng escalator.

The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon