Hi guys!!!! update ulit :)
enjoy reading
Allexis POV
totoo ba itong nakikita ko??
tinawag ko ang mga magulang ni henry agad sila pumasok nang sabihin ko na nagising na si henry. bigla ako napaluha nang makita ko na nakadilat na ang mga mata niya
"henry.... anak ko" isang matamis na yakap at halik na galing sa nanay niya
napaluha nalang ang tatay ni henry maski ako napaluha nalang din kanina sa wakas...... sa wakas talaga gising na si henry malalaman na namin kung sino ang killer para matapos na ang gulo
tinanggal ni henry ang pagkayakap sa kanyang ina at umupo sa gilid ng kama niya medyo hirap pa siya tintignan niya ang paligid na parang nagtataka lang may problema ba??
"henry... ayos ko lang???" tanong ko sa kanya tinitigan lang niya ako at hindi nagsalita
parang hindi ko gusto ang nangyayari sa kanya ngayon
Nathan POV
nagpaalam na ako kay jaxon at tuluyan na naglalakad pauwi sa ngayon, hindi ko pa alam ang gagawin ko kung paano ko maiisahan ang killer ayaw ko pa mamatay hindi pa pwede hindi talaga pero di ko kaya pumatay ng tao..
habang naglalakad parang may sumusunod sa akin medyo binilisan ko ang paglakad ko pero napatigil ako nang marinig ko ang boses niya
"nathan....."
boses ni ellise
lumingon ako sa kanya "bakit???" tanong ko sa kanya
"kilala ko na..." nagtataka ako sa sinabi niya sino kilala na niya? lumapit ako sa kinatatayuan niya
"ang alin?" sabi ko naman
"ang killer....." sagot naman niya labis ako nagulat sa sinabi niya
"sino?!?!" natataranta kong tanong habang nakahawak sa balikat niya
"hindi ko pa pwede sabihin habang hindi ko pa sigurado" medyo nadismaya ako sa sinabi niya so hinala lang niya yon? tss.. pero kung tama nga siya sasabihin naman niya sa akin sasabihin niya kaya???
"bakit mo naman sinabi sa akin ngyaon??" tinanggal ko na ang pagkahawak ko sa balikat niya at tumingin lang sa kanya medyo napayuko siya at parang naluluha siya
"dahil......... ayaw pa kita mamatay, gusto ko ang maligtas ka" nagulat ako sa sinabi niya...
"ellise... ah.... uhmmmm..." hindi ko alam ang sasabihin ko parang ako napipi ako sa sinabi niya
"sana maging ligtas ka" tumakbo na siya palayo sa akin
hindi ko alam kung magtitiwala ako ng lubusan kay ellise pero kung alam niya talaga kung sino ang killer agad niya ito sasabihin sa akin dahil ayaw pa niya ako mawala ayaw pa niya ako mamatay lima na ang namatay sa amin,at wala akong balak na ako ang magiging pang-anim hindi talaga pwede
*riiiiiiing*
may tumatawag sa akin unknown number
hindi ko siya sinagot, kasi kakaiba ang nararamdaman ko
nag text naman siya sa akin nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko may sinend siya sa akin picture namin ni ellise habang nag-uusap kanina lang, pinagmasdan ko ang paligid pero wala naman hindi kaya... baka alam na niya.. baka naman....
BINABASA MO ANG
Class 4: Jade
Mystery / Thrillerone section different personalities different grudges but one secret what will happen if the past returns to them? are you ready to join them? Always remember curiosity kills.. ---- Highest rank in Mystery/thriller #63