Hello guys!
Update po ulit
----
Philip's POV
naalala ko pa ang mapayapang namin section dati noong third year palang kami, walang anong problema, kulitan, asaran, yun lang hindi siya humantong sa pagpatay... Hindi katulad ngayon. Dahil sa inggit ng isa namin kaklase may namatay.. nagsimula sa isang pustahan. Ang pustahan kung saan nagbago ang buhay namin lahat
"nandito pala si Henry..." napatingin ako sa kanya isa siya sa pinagbintangan noon ng mga kaklase namin pero naging maayos ang sitwasyon dahil umiiwas siya sa gulo, si Jacob
"oo... kailangan ko ang tulong niyo" sagot ko naman sa kanya
gusto ko na matapos ito kaso ang hirap malakas sila. mga estudyante palang sila pero ang galing na nilang pumatay.. pumatay ng mga inosenteng namin kaklase
"paano pala matatapos ito?" tanong niya sa akin
"sisimulan natin sa nagsimula ng lahat ng ito... ang killer noon batch 1995 na Jade" nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.. Hindi nila ata alam na may Jade dati at may pumapatay
"so ibig mong sabihin.. kaklase natin ang anak niya?" sabi niya habang nakatitig sa akin
"oo... ang isa para maghiganti pero ang labo isipin na paghihiganti ang gusto niya dahil siya naman mismo ang may kasalan.. ang isa naman ay para ituloy ang nasimulan yun nga ang anak ng killer"
kita ko na naguguluhan si Jacob maiitindihan niya rin ito pag nasabi ko na ang plano ko.. kaso hindi ko alam kung paano ito isaayos dahil konting araw nalang at school night na namin... at kami lang ang nandoon...
"ano na plano?" sabi sa akin ni Henry.. pinaupo ko sa katabing sofa si Jacob at sabay umupo narin ako. at nagsimula na ako magsabi ng plano ko
"bomba... pasasabugin natin ang kotse niya...." nagulat ang dalawa sa sinabi ko
"paano ahh?!?" gulat na pagkasabi ni Henry..
"malakas kasi ang ama nila... bantay sarado sila habang ginagawa ang pagpatay nila.. kaya walang nakakahuli sa kanila... naalala mo noong nasa gubat kayo Henry? alam mo kung bakit wala rin tao agad doon sa park? dahil pinaalis nila ang mga tao doon... para simulan na ang pagpatay dapat siyo..." napaupo siya sa sinabi ko
"so paano natin itatanim ang bomba?" napatingin ako kay Jacob ng tinanong niya sa akin yon
"ako na ang bahala doon basta kailangan ko kayo kasama pumunta sa bahay nila..." sagot ko naman
"bakit kailangan pa natin patayin ang ama niya?" tanong ni Henry
"bago magsimula ang pagpatay nila tinatawagan niya ang ama niya para bantayan sila at walang mahuhuli sa kanila... alam niyo kung nasaan ang base nila? nasa school lang..." mas lalo sila nagulat sa sinabi ko nasa school lang ang base nila
"paano mo ito nalaman?" tanong ni Jacob.. nagbuntong hininga muna ako bago ako sumagot..
"dahil... kasama rin nila ako"
-----
Taylor's POV
"HANAPIN NIYO SI TAYLOR!!!!"
"NASAAN SIYA NAGTATAGO?"
"BAKA SIYA YON?, TARA!!"
bakit ganon mga kaklase ko.. may mga utak pa ba sila? bakit agad nila naisipan na ako ang pumapatay? bakit ganon lang kadali sila magbintang? Ang gulo sobrang gulo na. Sira na ang buhay ko
BINABASA MO ANG
Class 4: Jade
Mystery / Thrillerone section different personalities different grudges but one secret what will happen if the past returns to them? are you ready to join them? Always remember curiosity kills.. ---- Highest rank in Mystery/thriller #63