YEEE tapos na ang C4JADE Salamat po sa pagbabasa until the End :)
-------
Allexis POV
hindi ko aakalin na may mangyayari na katulad nito sa buhay ko. isa itong malaking bangungot na ngayon ay natapos na. pero ang epekto nito sa akin ay hindi parin nawawala. patuloy parin nanginginig ang katawan ko..
bigla ako nakaramdam ng isang yakap mula sa likod ko. pagtingin ko ay si Henry lang pala ito, napangiti ako
"ano na naman ha?" tanong ko sa kanya
"wala lang. gragraduate na tayo bukas..." sabi naman niya
tuloy parin ang graduation namin, nakakalungkot isipin na hindi namin makakasama ang mga namatay namin kaklase dito sa aming Graduation day.
kahit papaano nalulungkot ako na hindi ko makakasama si Amanda sa graduation day namin.. siguro napilitan lang siya gawin ang lahat na ito.
Amanda....
"hoy.. Allexis.." bigla ako bumalik sa realidad nang tawagin ako ni Henry
"ano yon?" tanong ko
"sabi ko.. tara na at bumalik na tayo sa inyo.." sabi naman niya sa akin
umoo ako sa kanya sunod nun ay hinawakan niya ang kamay ko. habang naglalakad kami paguwi ay naalala ko ang mga nangyari sa amin, ang paghihirap na naranasan ni Henry at ng iba pa namin kasama sa basement nila Philip
mabilis lang ang lahat ng pangyayari dalawang linggo lang ang nakalipas pero parang ilang buwan na ito nangyari..
hindi ko alam kung paano nagagawa ni Henry ang ngumiti na parang walang nangyari. mahirap kalimutan ang nangyari sa amin..
-------
kinabukasan...
graduation day na namin ngayon at nakisama lang kame sa ibang sections sa kadalinahan ay kami lang nila Philip ang nabuhay pa sa section namin. hanggang ngayon ay hindi parin nahahanap sila Victoria at si Jazmin..
kung nasaan man sila ay pinagdadasal ko na sana buhay pa sila, lalo na si Victoria. alam kong mabait na tao siya. lalo na't tinulungan niya ako dati.
"All fourth year students, please stand." sabi ng speaker namin sa araw na ito
nag-alay muna kame ng dasal para mga namayapa naming mga kaklase. pagkatapos nun ay tinuloy na nila ang graduating remarks. nagbigay ng speech ang valedictorian at ang salutatorian at mga iba pang ginagawa pag graduation
pagkatapos ng lahat na yon ay nag hiyawan ang ibang fourth year students, samantala ako ay tahimik lang at walang nararamdamang saya. pagkatapos nitong graduation namin ay ipapasara na ang eskwelahan na ito.
BINABASA MO ANG
Class 4: Jade
Mistério / Suspenseone section different personalities different grudges but one secret what will happen if the past returns to them? are you ready to join them? Always remember curiosity kills.. ---- Highest rank in Mystery/thriller #63