C4JADE41: Behind The Mask

1.1K 35 5
                                    


Hello guys!! sorry for the long update

enjoy niyo po! :D :)



ALLEXIS POV


mabilis ako tumakbo papuntang c.r., kung gaano kabilis takbo ko ganon kabilis ang tibok ng puso ko. hindi ko kaya na pati ang bestfriend ko ay mamatay



"AMANDA!!!" sigaw ko, nakita ko na nasa likuran lang ang mga kaklase ko at hinahanp rin sila Jaxon at Amanda

"bes...." bigla lumitaw sa harapan namin si Amanda, umiiyak

"bes anong nangyari??" natataranta kong tanong patuloy lang siya sa pag-iyak

"nu-nung na-narinig namin ni Jaxon ang tunog.. nagtago kami sa cr" nauutal niyang pagkasabi sa akin

"sunod anong nangyari???" tanong ko, mas lalo siyang umiyak

"sabi niya ba-balik daw siya at pu-punta lang siya sa faculty pero hindi parin siya bumalik" may nilabas siya na galing sa bulsa niya, kwintas ata ito

"naki-kita ko ito sa faculty kwintas niya ito... kwintas ito ni Jaxon" pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap ko siya

"wag ka mag-alala bes.. buhay pa si Jaxon mahahanap natin siya" sabi ko naman habang pinapatigil ko siya sa pag-iyak

"sa-sana mahanap natin siya" sabi naman niya habang pinupunasan ang mga luha niya 


6:50pm


hinahap parin namin si Jaxon naghiwahiwalay kami magkaklase para hanapin siya. baka nandito lang siya sa high school building


"GUYSSS!!! sigaw ng isa naming kaklase 

"bakit??" tanong ni Henry

"nakita na namin si Jaxon.." sabi ni Anne, kaklase namin


agad kaming pumunta kung saan nila nahanap si Jaxon, pagkakita namin ni yakap agad siya ni Amanda


"sorry Jaxon...." sabi ni Amanda

"ok la- aray" may sugat si Jaxon sa may kanan niyang kamay parang maliit lang naman na hiwa

"napaano yan?" tanong ni Henry

"wa-wala lang ito, tara balik na tayo sa room at pag-usapan ang nangyayari sa school night natin" sabi naman ni Jaxon


agad kaming bumalik sa classroom at nagkatipon-tipon ulit kami, hindi namin alam ang gagawin namin, hindi kami makatawag dahil wala phones namin at wala sa faculty ang mga cellphones..


"ano na gagawin natin?" tanong ng mga kaklase namin

"umuwi nalang kaya tayo..." suggestion ng isa naming kaklase 


biglang tumabi sa akin si Philip at may binulong sa may tainga ko "tignan mo..."

biglang bumukas ang tv at medyo may kakaiba habang nag play ito isa siyang cctv footage dito sa school namin. naka pwesto ito sa likod ng school, alam ko wala nang cctv doon. ano kaya ito?

Class 4: JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon