hello guys 1K reads na ang story :) :') salamat po talaga sa support niyo
love na love ko kayo :)
enjoy the update :)
----------------
Allexis POV
Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa section namin, akala ko lahat kami dito ay magkasundo pero hindi pala may gusto pumatay sa amin at kaklase ko pa ang gusto gumawa nun
"Allexis" pagkatalikod ko nakita ko si Victoria
"Ano yon??" Tanong ko sa kanya
"May pagbabago mangyayari -" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tawagin siya ni Jaxon
"Pasensya na Allexis..." At umalis na siyaNandito kami ngayon sa libing ng kaklase namin si Nathan, isa siya sa mga matalik kong kaibigan, kahit hindi kami ganon ka close katulad ng iba, tinuturing ko parin siyang matalik kong kaibigan
"kuwawa naman si nathan" sabi ni Amanda nang lumapit siya sa akin
"wag ka mag-aalala Amanda, malalaman din natin kung sino ang pumatay sa kanya" kahit mahirap pinilit ko parin ngumiti sa kanya
"sana nga mahanap natin, bago pa tayo unahan......" seryoso niyang pagkasabi
"henry..."
rinig kong sigaw ng isa namin kaklase, noong 23 lang nalaman ni henry ang nangyari kay nathan wala na kasi ang phone niya dati, binago niya daw ang number niya, for safety reasons daw
"bago natin ilibing ang kaibigan natin na si Nathan, ay magdasal muna tayo" sabi ng papa niya
pinikit ko ang mga mata ko, bigla ko tuloy naalala ang pinagusapan namin dati. kaklase namin ang anak ng killer noong batch 95' na jade siguro totoo nga ang sinasabi niya
ano kaya ang nangyari at bakit mayroon pumapatay noon? dinilat ko saglit mga mata ko, at nakita ko na tinititigan ako ni henry, agad siyang umiwas ng tingin nung napansin ko siya
"henry...."
bulong ko sa sarili ko sa tingin ko kailangan ko muna lumayo, mag cool-off muna kasi hindi pa ako handa na patawarin siya....
hindi pa ito ang tamang oras
hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko na magtiwala kahit kanino, maski sa mga malalapit kong kaibigan ang hirap na kasi magtiwala sa ganitong sitwasyon
pagkatapos namin magdasal sinimulan na ang paglibing kay nathan, halos lahat kami umiyak pero ang mas todo ang pag iyak ay ang pinaka close niyang kaibigan na si jaxon
"tang ina malaman ko lang kung sino ang gumawa nito papatyin ko siya" sabi niya habang naiyak
ngayon lang sila naging close, lagi mo sila makikita na magkasama walang araw ata na hindi sila nagkasama..
biglang humangin ng malakas, napapikit ako dahil sa sobrang lakas. Pagkadikat ko mayroon ako nakita na tao. nakasandal siya sa isang puno sa di kalayuan
◇◆◇◆◇◆◇◆ ◇◆◇◆◇◆◇◆ ◇◆◇◆◇◆◇
SOMEONE'S POV
"hindi ka sasama??" tanong niya sa akin
"sa libing ni nathan?"
"oo......"
"sige mauna ka na" nagpaalam na siya sa akin at umalis na
itong cctv footage na hawak ko ngayon, ito lang ang kaisa-isang ebidensya na meron kami ni nathan, dito malalaman kung ano talaga ang kinamatay ni Angeline
BINABASA MO ANG
Class 4: Jade
Mystery / Thrillerone section different personalities different grudges but one secret what will happen if the past returns to them? are you ready to join them? Always remember curiosity kills.. ---- Highest rank in Mystery/thriller #63