C4JADE35: Chaos

1K 32 5
                                    

Update ulit!~

enjoy guys :)

------

Frederick POV

Aray ko...

dinilat ko ang  mata ko nasaan ba ako? anong lugar ito. tinali ako dito sa upuan. Tinignan ko ang paligid ng kwarto kung nasaan ako ngayon ang una ko ko napansin ang mga litrato na nahagip ng mga mata ko. Bigla bumukas ang pintuan sa may kanan at nagbigay ito ng konting liwanag dito sa kwarto.

"gusto mo ba makita yung mga litrato?" ayaw na ayaw ko makita ang tao nagsasalita sa harapan ko kaibigan niya daw si Nathan? tch nakakatawa isang malaking kalokohan

"sabi ko na nga ba na ikaw ang pumapatay Jaxon.." lumapit siya sa akin at sinipa niya ako sa may tiyan ko 

napasigaw ako ng malaks na inulit niya ito ng ilan pang beses at napasuka ako ng dugo marahas niya inangat ang ulo ko para makita ang letseng pagmumukha niya.

"kundi lang ako nainis siyo, baka sa school night pa kita pinatay..." Sinuntok niya ako ng sobrang lakas sa mukha at medyo nahilo ako sa ginawa niya

"bakit mo ba ito ginagawa jaxon? dahil ba sa ginawa ng klase natin dati?" oo baka yun nga ang dahilan hindi naman malabo mangyari. Pero..

"oo ako ang gumagawa ng paghihiganti ni Angeline.." kumuha siya ng upuan at umupo sa harapan ko.

"tch... nakakatawa ka rin noh?, eh ikaw nga din ang nag bully sa kanya kasama ka doon diba?" hindi ko namalayan na sinuntok niya ako sa mukha ulit napadura ako ng dugo dahil dito

may nilabas siyang kutsilyo sa may jacket niya, nanlaki ang mga mata ko sa takot. dahil alam ko kaya niya akong patayin kahit anong oras ngayon..

"paano nasama siya sa mga killer Jaxon?" nakita ko na ngumisi siya sa tanong ko

"anak siya ng killer dati.." nagulat ko sa sinabi niya.. an-anak siya ng killer dati?

"nagulat ka noh? ako rin nagulat nung nalaman ko iyon pero totoo ang sinabi niya ang batch ng Jade noon ay may killer at iyon ang tatay niya. kung iisipin rin sila na rin ata may ari ng school dahil sila ang may pinakamalaki na invest dito kaya nakakapasok kami ng iba't ibang bagay dito sa school. At kung bakit nandito ka ngayon" sabi niya

"Anong ibig mong sabihin na nandito?" Pagtataka ko

"Nandito lang tayo sa loob ng school" sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi niya

"pa-paano kung namatay ang tatay niya? paano na kayo.. edi talo na kayo?" narinig ko siyang tumawa ng mahina

"imposible mamatay ang kupal niyang tatay.. at kahit mamatay siya mananalo parin ako.." desidido niyang sinabi

biglang may pumasok na babae siya.. ang nagdala sa akin dito. nanganganib talaga ang buong klase sa kanila

"ito na ang mga video camera.. tska necklace ni Taylor..." necklace ni taylor.. nasa kanya? pero paano niya ito nakuha

"ano ang gagawin mo sa necklace niya?" sigaw ko sa kanya

"wag ka nga maingay... hindi mo rin naman malalaman kaya manahimik ka lang!" naiinis niyang sigaw sa akin

sinetup na nila ang video camera paikot sa akin ano kaya ang balak nila sa akin? nakita ko naglagay ng maskara sila dalawa.. nakasuot sila na itim na maskara ititm na tshirt at pants

"ano ang gagawin niyo?" bigla tumawa siya ng malakas

"gusto mo na ba malaman?" nilabas na niya ang kutsilyo niya at si jaxon may kinuha na dos por dos ng kahoy

Class 4: JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon