Makalimutan Ang Lahat Sa'tin

54 2 0
                                    

MAKALIMUTAN ANG LAHAT SA'TIN

by BKAD

11/16/15

Tumingin ako sa salamin
Pinagmasdan ang sarili
Mga matang lumuluha
Ngunit walang nakakakita
Labi kong laging nakangiti
May tinatagong ng hapdi
Nang dahil sayo ito ang nagyari

Gabi-gabi iniisip kita
Umaasang naghihintay ka
Pero nagkamali ako
Iba nga pala ang mahal mo

Masaya ka habang ako'y nagdurusa
Paano mo yun nagagawa?
Kasi nga mahal mo siya
Gusto ko lang talagang masaktan

Nakita kita
Kasama mo siya
Kaibigan ko siya
Ang tanga ko talaga

Di ko napansin na lumalayo ka na
Ang layo na ng tingin mo
Nasa kanya na pala
Pinaglaruan mo lang ba ako?

Minahal kita kahit may iba ka na
Pero ang sakit pala, di ko kinaya
Kung pwede lang sabihin sayong tama na
Ginawa ko na dati pa

Ngayon ay humihiling ako
Na sana ay makalimot ako
Makalimutan ko ang sakit
Makalimutan ko ang hapdi
Makalimutan kita
At makalimutan kong mahal kita

-

Midnight ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon