Sa Likod Ng Pagmamahalan

3 0 0
                                    

SA LIKOD NG PAGMAMAHALAN

11/19/15

by: BKAD

Anong kasalanan ko
Para masaktan ng ganito
Minahal naman kita ng todo
Pero bakit ito ang natanggap ko

Ngayon ikaw lang nasa isip ko
Paano ba ito mahihinto?
Pilitin mang limutin
Nandirito ka parin

Sana hindi mo na lang ako kinaibigan
Kung bigla-bigla mo na lang akong iiwan
Masyado mo kong pinaasa
Akala'y parating nandyan ka

Akala ko noon
Hindi ka katulad nila na lolokohin lang ako
Pero parehas lang pala kayo
Sinaktan niyo ako ng lubos

Hindi ko alam kung magiging ayos pa
Sa ginawa mong gulo paano pa kaya?
Masyado ng masakit paano pa gagaling?
Gulong-gulo ang isip

Gusto ko na lang itigil ang lahat
Gaya ng pagtigil ng mundo ko nung nawala ka
Buhay ko'y nawalan ng kulay
Simula nung ika'y lumisan

Marami ng sinulat na mga tula
At lahat ng iyon ay para sa'yo
Kahit alam kong hindi mo yun mababasa
Eto parin tuloy-tuloy parin ako

Hanggang ngayon kasi iniisip kita
Kung paano nangyari ang lahat
Kung paano naudlot itong pag-iibigan
Dahil sa may iba ka ng mahal

Oo masasabi kong iba siya
Walang-wala ako sakanya
Napasaya ka niya
Na dati ko ng ginawa

Humanap ng iba
Sabi nila
Pero paano makakahanap ng iba
Kung ikaw lang sapat na

Nakaraa'y dapat hindi na binabalikan
Pero eto parin pilit na tinatandaan
Mga alaala'y hindi malimot-limutan
Paano nga ba kung ito'y mahalaga

Sabi mo mahalaga ako sa'yo
Na hindi mo kayang mawala ako
Pero hindi iyon ang naramdaman ko
Mahal mo lang ako pag kailangan mo ko

Masakit mang tanggapin
Kailangang harapin
Ito ang katotohan
Sa likod ng pagmamahalan

-

Midnight ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon