MAKALIMUTAN ANG LAHAT SA'TIN
by BKAD
11/16/15
Tumingin ako sa salamin
Pinagmasdan ang sarili
Mga matang lumuluha
Ngunit walang nakakakita
Labi kong laging nakangiti
May tinatagong ng hapdi
Nang dahil sayo ito ang nagyariGabi-gabi iniisip kita
Umaasang naghihintay ka
Pero nagkamali ako
Iba nga pala ang mahal moMasaya ka habang ako'y nagdurusa
Paano mo yun nagagawa?
Kasi nga mahal mo siya
Gusto ko lang talagang masaktanNakita kita
Kasama mo siya
Kaibigan ko siya
Ang tanga ko talagaDi ko napansin na lumalayo ka na
Ang layo na ng tingin mo
Nasa kanya na pala
Pinaglaruan mo lang ba ako?Minahal kita kahit may iba ka na
Pero ang sakit pala, di ko kinaya
Kung pwede lang sabihin sayong tama na
Ginawa ko na dati paNgayon ay humihiling ako
Na sana ay makalimot ako
Makalimutan ko ang sakit
Makalimutan ko ang hapdi
Makalimutan kita
At makalimutan kong mahal kita-