Ng Dahil Sa Pagmamahal

10 1 0
                                    


NG DAHIL SA PAGMAMAHAL KO

11/17/15

by MCAB & BKAD

Kaibigan lang naman kita
Pero bakit parang nagiba
Nagbago tingin
Mahal na pala kita

Oo, magkaibigan lang noon
Pero, bakit hindi napagbigyan ang sana'y pagkakataong
Maging mag- "KAIBIGAN" ngayon?
Bakit ba hindi kita nagawang paniwalaan?
Bakit ako nagpatalo sa aking takot na masaktan?

Mga tanong ko na hindi masagot
Isip ko'y gulong-gulo
Paano na ito?
Hulog na hulog na ko

Bakit hindi ko napag- isipan
Ngayon ako'y may pinagsisisihan
Na tayo'y hindi nagkatuluyan
At sana'y nakabuo pa ng mas maraming alaalang di malilimutan

Nakalimutan mo na ba ang magagandang alaala?
Mga tawanan, kulitan, lambingan lahat ay wala na
Ng dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo
Lahat ay nagbago, naglaho

Pangako ng kahapon
Na ako'y hindi mo iiwan
Nasaan na?
Sinama mo na rin ba sa iyong pag- lisan?

Puso ko'y dala-dala mo nung umalis ka
Paano ako mabubuhay ng wala ka?
Sana inisip mo ang damdamin ko
Baka sakaling mahalin mo rin ako

Kung kaya't ako'y nahihirapan
Nahihirapang masanay na wala ka na sa aking tabi
Nahihirapang ibaon ang ating mga alaala sa labi
Lahat ng tawanan, harutan at kulitan

Sinanay mo kong nandiyan ka
Pero hindi mo sinabing aalis ka
Sana nagpaalam ka man lang
Hindi yung aalis ka na lang

Kaya nais kong hilingin sayo
Sana'y sanayin mo rin ako na wala ka na
Gaya na lang nung sinanay mo akong sabihan ng "Hindi kita iiwan"
Para hindi ako nasasaktan ng ganito

Sabi mo gusto mong maging piloto
Pero bakit nangiiwan ka sa ere?
Bumagsak ako sa lupa ng todo
Dahil wala ka para saluhin ako

Bakit ka nagpatalo sa mga nanlalamig nating mga gabi?
Sayo na mismo nanggaling ang mga katagang "Walang iwanan, walang bitawan"
Na ngayon ay akin na lang napapaginipan
Sa tuwing naiisip ko ang dahilan kung bakit hindi natin nagawang ipaglaban ang ating pag- iibigan

Pag-iibigan nati'y akala ko'y walang katapusan
Ngunit bakit natapos ito ng biglaan
Mga salita mong mabubulaklak
Puro naman kasinunglingan

Ang ating pag- iibigan noon
Nauwi na lang sa sakitan ngayon
Akala ko, tayo na hanggang sa ating huling hininga
Yun pala, hanggang "akala ko" na lang ang lahat

Masyadong paasa ang "akala"
Pero wala paring tatalo sa'yo
Para saan ba yang pagpapaasa mo?
Hindi ko na maintihan lahat ng ito

At dahil mahal kita
Kahit na sinasaktan mo na ako at kahit na pinapaasa mo na lang ako
Akin pa ring hihintayin ang tamang panahon para sa ating dalawa
At ang pangalawang pagkakataon para maipagpatuloy ang pag- iibigan na naudlot

Minahal kita ng sobra
At hanggang ngayon mahal parin kita
Sana ako'y pakinggan
Kahit minsan

Alam mo, dahil sa pagmamahal ko sayo
Nakalimutan kong meron pa palang ako
Napagtanto kong nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko
Marami na rin palang nawala sa akin
Ang pansarili kong kaligayahan at ang aking kalayaan.

-

Midnight ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon