HULI NA ANG LAHAT11/19/15
by: MCAB & BKAD
Nakilala kita ng hindi inaasahan
At umalis ka din ng hindi nagpapaalam
Hindi na kita maintidihan
Sana'y sinabi mo man langTayo'y naging magkaibigan
Bumuo at gumawa ng mga alaalang di malilimutan
Pero, bakit ganun kay bilis mo ring nakalimutan?Marami kang pinangako
Ngunit lahat ay napako
Sana hindi ka na lang nangako
Hindi mo naman sineryosoKung alam mo lang
Ang sarap putulin yang dila mo
Dila mong punong- puno ng mabubulaklak na salitaSabi mo di iiwan
Pero bakit ikaw pa ang nangiwan
Niloko mo ko sa lahat ng kasinungalingan
At ika'y naman pananiwalaanSana'y tuluyan ka ng lumisan
At di na ako balikan
Para di na ulit masaktan
At para wala ng asahanHindi man alam kung kakayanin
Pero mas tama itong gawin
Iba na ang ihip ng hangin
Iba na rin ang damdaminDapat na bang bitawan
O dapat pa bang panghawakan
Ang pagsasamang wala ng patutunguhan
Poot at sakit na langNoon ay napakasaya ngayon ano na
Nawala na ang lahat iniwan mo pa
Paano mo yun nagawa?
Ako'y iniwang lumuluhaAnong nangyari sa atin?
Akala ko ba hindi mo magagawa sa akin ang saktan ako
Tingin mo ba nung ako'y iwan mo, hindi ako nasaktan?Sana iniisip mo rin ako
Hindi puro ikaw at siya
Sana'y inalam mo
Itong puso ko'y wasak naMinahal mo ba talaga ako?
Alam mo, parang hindi ehh
Kasi pakiramdam ko, ako'y kinailangan mo langBakit nung kailangan mo ko
Nandito ako para sa'yo
Pero nung ako na ang may kailangan sa'yo
Iniwan mo nanaman akoHindi ko sinabing kailanganin mo ako
Ang sabi ko mahalin mo ako
Mahalin mo ako gaya ng pagmamahal ko sayo
Yung higit pa sa sapatSobra-sobra pagmamahal ko sayo
Kaya ngayo'y sobra ring nasasaktan
Hindi inakalang mahuhulog sayo
Hndi ko ito lahat inasahanWala na ngang natira sa akin
Lahat- lahat ibinigay na maging masaya ka lang sa aking piling
At para manatili ka lang sa aking tabiNgunit bakit ito parin ang nangyari?
Nasira parin ng mga pangyayari
Paano pa ang damdamin
Unti-unting kumukubliSinubukang ayusin
Pero alam kong hindi kakayanin
Kung ako lang magtratrabaho para sa ating dalawa
Dapat pa bang pilitin?Tulungan mo rin sana ako
Gaya ng pagtulong ko sayo
Tulungan mo kong makalimot
Tulungan mo kong makabangonPagod na ako
Nagsawa na ako
Pagod na akong masaktan
Nagsawa na akong intindihin ka
Kaya sana ako'y palayain mo naHindi madaling ibigin ka
Sana intindihin mo rin naman
Hindi lang sayo umiikot ang mundo
Isipin mo rin naman sana itoKung ganun ka kahirap mahalin
Ganun ka rin kahirap limutin
Pero, di na kita papayagang saktan ulit akoHindi na kakayanin pa
Itong puso ko'y ayaw na talaga
Sana makahanap ka ng iba
Kahit ako'y nasasaktan naOo, aking aaminin
Ako'y umaasa na sana'y ako pa rin
Hanggang huli
Kahit alam kong madudurog ang aking pusoMaraming sana ang nasa isip
Pero alam kong hindi mangyayari
Kahit anong pilit ito parin ang huli
Huli na para satinLahat ay hanggang imahinasyon ko na lang
Huli na ang lahat
Dahil pinakawalan na natin ang isa't- isa
Hanggang dito na lang tayo-