Sakit Na Dinulot Mo

29 1 0
                                    

SAKIT NA DINULOT MO

by BKAD & KFE

11/16/15

Nakita nanaman kita
Kasama mo siya
Habang ako ay nag-iisa
Dahil wala ka na

At dahil nawala ka na
Bakit nandirito ka pa
Sa puso'y hindi ka makawala
Isipan ko ngayo'y nagwawala

Nagwawala dahil sa sakit
Na dinulot mo sakin
Kailan ako matatahimik?
Kailan mo ako mamahalin?

Ikaw naman ay minahal ko nang todo
Nagmumukha na akong sira ulo
Puso ko'y hindi mahinto
Isip ko'y litong lito

Bakit nga ba kita minahal?
Tanong ng isipan
Ngayo'y ang sakit sakit na
Di parin kita maiwan

Para kang isang bagyo
Na dadating sa buhay ko
Sabay iiwan ako
Na patay na patay sayo

Sana ipagtirik mo ko ng kandila
Itong puso ko kasi patay na
Pinatay mo ng todo
Ngayo'y hindi na makabangon

Sana sa bawat tingin niya sayo
Ang tanging maalala mo
Ay mga mata ko na pinaiyak mo
Dulot ng pagpapaasa mo

Ngayon sirang-sira na ko
Dahil sa kagagawan mo
Dinurog mo ng pinong-pino ang puso ko
Kailanman hindi na mababago,

Ngayon pano kita makakalimutan
Kung lagi ka saking isipan
Habang siya'y iyong iniibigan
Pano na ang puso kong di mapigilan

Marami akong gustong sabihin
Ngunit di mo ko naririnig
Sakanya ka lang umiintindi
Paano naman ang sarili

Ako'y nagtataka
Kung bakit siya'y iyong hinangaan
Nandirito naman akong nagmamahal
Nang tapat at walang hangganan

Bakit mahal parin kita?
Alam ko naman wala akong mapapala
Masasaktan lang ako
Nang dahil sayo

Sa simpleng sulyap ko sayo
Pagibig ko bumabalik sayo
Bakit ba ako nagkaka ganito
Minamahal kong ginoo

Paano ko ba ito ititigil?
Unti-unti na kong nanghihina
Sa iyong ngiti
Parang ayoko ng gumising.

Tulog nalang ang paraan
Upang ikay malimutan
Ngunit bakit pati sa panaginip
Ikaw parin ang iniisip

Una kang sumuko
Pero bakit hindi ako makasuko
Pagmamahal mo
Ang droga ko

Kahit anong pigil
Pag ibig ko sayo'y di matigil
Sana ikay mapangiti
Kahit wala ako sa iyong tabi

Pilit tinatago ang damdamin
Makasakit man ng iba
Di parin magbabago ang pagtingin
Mahal kita

Uulitin ko, mahal kita.
Minamahal kita.
Yan ang iyong tatandaan
Mahal kita, magpakailanman.

-

Midnight ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon