AKALA KO11/17/15
by: BKAD
Akala ko okay na ko
Pero ngayong nagbabalik ka parang nagbago
Masyado akong nabulag sa mga salita mo
Ngayon ako'y nagsisisi sa ginawa koNgayon ika'y nagbalik
Ngunit hindi para sakin
Para akong isang sigarilyo
Unti-unting nauuposBakit ka pa nagpakita?
Kung kailan ako'y umiiwas na
Sabi ko'y tama na
Hindi ko na kayaMga alaala'y nandito parin
Kahit anong pilit hindi maialis
Ang gulo-gulo na ng aking isip
Ano na ang mangyayari?Akala ko'y tapos na
Pero bakit parang hindi pa
Andito parin ang sakit
Hindi maalis-alisGusto na kitang kalimutan
Pero paano ko gagawin
Nandito ka parin
Sa puso't isipanHindi ko na alam anong gagawin
Masyado ng magulo, mga pangyayari
Gusto ko na lang limutin ka
Parang pagkalimot mo sakin, satin-