pag nakaganito korean po ung usapanPag ganito po tagalog
Pag naka italic lang
Nasa isip lang at napabulong o Flashback po
========================================Annico Pov.
Nandito na ako ngayon sa airport hinihintay ko nalang ang pag tawag sa flight nilabas ko muna ung importanteng bagay na naiwan sakin ang picture naming dalawa. Nakakatuwa at nakakalungkot. Medyo nawawalan nadin kasi ako ng pag asa na makita ka. Napangiti nalang ako ng mapait sa naisip ko.
Napaluha nalang ako ng maalala ko ung sunog, sobrang sakit yun din ung araw na huli kong nahawakan ang kamay nya.
Nung araw na iyon sinabi nya sakin ang mga pangako na parang mababali wala na ng dahil sa isang pangyayari.
Pangarap na sabay namin pinag isipan habang nakatingin sa ulap na parang inaabot ang langit.
Hanggang dun nalang ba. Parang bula na nag laho bigla. Naalala mo pa kaya ako? Sa tingin ko hindi na.
Naabot naba nya ang aming pangarap.
Madaya ka napaka daya mo. Ni hindi mo manlang ako hinanap.
Hindi ko namalayan na tinawag na pala ang flight ko papuntang korea.
Bago ako tumayo huminga muna ako ng malalim at nilanghap ang hangin sa pinas. Mukang itong araw na ang huling araw ko sa pinas.
Iiwan ko na ba? ang mga kalokohang ginawa natin dito.
Sana hindi pa ito ang huli pero.
--------
WELCOME TO KOREA.
This is it!
Eto na talaga yun, pag labas ko ng airport sumakay agad ako ng taxi. Tinignan ko naman ung planner ko kung saang hotel ung pag stay-an ko.
"lotte hotel " sabi ko kay kuyang driver tumango lang sya. tyaka umalis na kami. tinignan ko narin ung schedule ko para bukas kasi pahinga muna ako ngayon 2:30 palang naman ng hapon pero mas pinili ko mag pahinga muna kahit 1-2 hour lang may importante kasi akong gagawin mamaya.
"5,000 won " senyas nya sakin binigay ko naman na sa kanaya ung pera tyaka bumaba na para makuha ung maleta ko sa likod.
Pag ka kuha ko pumasok nako sa hotel may sumalubong naman sakin para kuhanin ung maleta ko at sumusunod lang sya sakin. Pumunta muna ako sa may resevation area.
"Hi. Annico lee room please" tinatamad kasi ako mag salita. "room 143 po maam" tapos binigay nya na sakin ung card.
sumakay na kami ng elevator pag 10th floor kasi ako.
2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, ting*
yeah nakarating din pag tapat ko sa room 143 binigyan ko naman na ng tip si kuya pogi. tinapat ko lang ung card sa may door knob tyaka pumasok na pinalapag ko nalang ung maleta ko sabay alis agad gusto ko muna kasi mag pahinga.
Nilibot ko naman ang buong kwarto napaka ganda naman dito. Napaka tahimik at nakakarelax gaganahan ako mag sulat dito ng makaramdam nako ng pagod. Dumiretso nako sa kama at nahiga. Syempre tinanggal ko ung sapatos. Nakakaantok naman ung kama nato. Mukang mali ung sabi kong makakapag sulat ako a dahil sa sobrang lambot ng kama hahaha. tinignan ko naman ung planner ko.Ung design ng planner ko may angel wings. Bukas pupunta akong company na sinabi sakin para malaman kung ano papagawa sakin at ano ang magiging trabahao ko. tumayo nako para mag palit ng damit mamaya nalang ako mag aayos ng gamit kinuha ko lang ung wallet pati ung cellphone ko kinuha ko din ung card baka di ako makapasok e. Naisipan kong lumabas at mag hanap ng pag kain.
BINABASA MO ANG
The Promise (EXO FanFic)
FanfictionNang dahil sa sunog nawala sa kanya ang lahat, Ng dahil din sa sunog nawala ang importanteng tao sa buhay nya. Ano pa bang kaya nyang gawin para sa taong nawalay sa kanya?