Chapter 4

52 36 0
                                    




Annico Pov.

Nagising naman ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Tumayo nako at nag hilamos agad. Pag kalabas ko ng bathroom naalala ko bigla ung email ni miss nari kaya napa poker face nalang ako. " hays kala ko pa naman makakagala nako" uupo na sana ako para simulan ung pag translate ng biglang kumulo ung tyan ko. Baka siguro kailangan ko muna mag almusal tama para may energy ako at tapusin ng maaga. Kinuha ko lang ung key card at cellphone ko hindi nako nag palit ng damit naka panjama at t shirt lang ako. Wala naman ako pakelam kung mag titinginan sila sakin dahil sa suot ko. Literal na wala talaga kasi akong ayos sa katawan mukha at buhok. Naka messy bun lang ako.

Lumabas nako ng room at dumiretso sa elevator. Pinindot ko naman ung ground floor. Habang nasa elevator ako naisipan ko naman mag cellphone muna. Tutal nahinto hinto naman to sa bawat floor dahil may mga nasakay. Nang napatingin naman ako sa harap nasa ground floor na pala ako kaya lumabas nako ng elevator, pinang titinginan nako ng mga tao mangilan ngilan lang naman pero karamihan babae. Hindi ko nalang sila pinansin at kumuha nako ng plato. Syempre ang kukuhain kong una e ung croissant chocolate flavor of course and bacon para pang balance lang sa matamis. Di mawawala syempre ang hot chocolate di mabubuo ang umaga ko kung di ako iinom nito.

Sa may tabi ng bintana ulit ako umupo. Nakaka relax kasi ung view dito. Kumuha naman ako ng picture at nag post sa fb and IG. Marami naman nag like dito karamiran ay mga ka department ko may mga ilan din nag comment na kamusta na daw ako nag reply naman ako agad sa kanila. Kukuha na sana ako ng bacon ng makita ko si steve na nag mamadaling lumabas ng buffet area habang may kausap sa cellphone nya seryoso ang kanyang mukha. Napaka busy nya sigurong tao. Lagi nalang kasi nag mamadali. Napansin ko naman ang suot nyang damit naka polong puti at socks na kulay kupas na blue. Na lalo nag pa pogi sa kanya. Siguro maraming babae nag kakagusto sa lalakeng yun.

Tinapos ko na ang pag kain ko at bumalik na ulit sa kwarto para makapag simula nako. Hindi ko namalayan na ilang oras na pala ang nakalipas pababa narin ang araw tapos na rin ako sa pag translate i sesend ko nalanb kay miss nari. Pag tapos kong gawin yun tumayo nako para mag unat shocks nakakapagod talaga ng sobra. Napatingin ako sa bintana gabi narin pala. Himala hindi ako nagutom dahil ung huling kain ko pa e ung almusal at hindi parin ako nakakaligo. Kaya naisipan ko na maligo para makalabas at makahanap ng makakain para sa hapunan. Habang naliligo ako naalala ko nanaman ung mga pangako namin para sa isa't isa. Pag naalala ko talaga ung araw nayun napapaluha nalang ako bigla. Hays mahahanap paba kita?

Iniba ko nalang ang inisip ko dahil nakakapanghina talaga ng tuhod pag yun ang naalala ko. Nag bihis lang ako ng jeans at tshirt at jacket hindi naman ganun kalamigan sa labas. Nag blower muna ako at nag lagay ng konting liptint then ng moisturizer para hindi mag dry ang skin ko sa mukha dahil sa sobrang lamig sa labas.

Saan ako kakain? Siguro mga masasarap na street food nalang o kaya sa 7/eleven masyado kasing expensive pag sa hotel ako kumain. Napaka ginto ng pag kain nila dun e. May nadaan akong napaka bangong amoy ng beef na pinipirito. Naakit naman ako at dun kumain. Nag order ako ng purong beef then gulay at syempre kanin matatanggal mo ba sa pagiging pilipino yun? Ang kanin syempre hindi no.

Yung mata ko kumikinang kinanang na parang bituin dahil sa pag kakita ko sa beef na nilapag sa lamesa. At sinimulan na prituhin "waah napaka heaven naman nito!" Sabay taas ng kamay, ngayon ko lang na realize na nakakahiya pala ung ginawa ko naka tingin kasi ung mga taong nasa paligid ko. Napayuko ako bigla, at may naamoy akong nasusunog. "Ano yun?" May pa sihot singhot pang kasama. " Hala ung beef ko huhuhu!" Napalakas ulit ung sabi ko pero wala akong pakelan kasi naman nasunog ung beef ko huhuhu. "Cute" May narinig naman akong nag salita pero hindi ko naintindihan kaya nag patuloy lang ako sa pag kuha ng beef na nasunog. Buti nalang hindi lahat ung nilagay nako. Nag salang na ulit ako ng panibagong beef.

Patuloy lang ako sa pag kain wala nakong pakelam sa paligid ko kung sabihan nila akong PG dahil sa nakakatatlong kanin nako at dalawang order ng beef. Hintayin nyo lang mag de dessert pako hahahaha*evil laugh* joke lang gutom lang talaga ako. Kain lang ako ng kain siguro mga isang oras nako nandito pang limang ganin ko nato at last na kasi medyo busog nako e. Hiningi ko na ung bill pero lumapit sya sakin siguro di nya naintindihan. "Bill po" sabay smile ko sa kanya. Umiling naman sya sakin bakit kaya? "Bayad na lahat ng kinain mo iha" masayang sabi nya sakin. Libre nalang pala e. Pero teka ano daw bayad na bakit? Sino? Kailan? "Pwede ko po bang itanong kung sino po nag bayad?" Umiling naman sya sakin sabay talikod. Hala nakaka konsensya naman pano naman kask pang apat na tao unb kinain ko sabay libre nalang pano yun?

Lumabas nako ng restaurant, " salamat nalang sayo kung sino ka man ang laki ng tinipid ko sayo at sobrang busog din ako, sana kung alam ko lang babayaran mo sana nag order pako. De joke lang hahaha pero salamat talaga sayo." Mahinang banggit ko sa sarili ko at nakatingin sa kawalan.

Nag lakad lakad lang ako para makahanap ng dessert, kuminang ang mata ko ng may makita akong prutas or marshmallows na pwede mo i dip sa chocolate na nakalagay sa baso. Waaah sarap naman nito! "Mix po ng strawberry and banana with chocolate dip!" Inabot ko naman sa kanya ung bayad ng biglang may humawak sa kamay ko kaya nagulat ako sa ginawa nya. Binawi ko naman agad ung kamay ko na hawak nya. " ikaw ang hilig mo talaga sa chocolate!" Parang kilala ko ung boses a. " steve?!" Masigla kong tawag sa kanya. " oo ako nga, itago mo nayang pera mo at ako na mag babayad cute mo kasi e!" Uminit naman ung mukha ko sa sinabi nya. "Cute daw kahit hindi naman" nahihiya kong banggit sa kanya kahit hindi naman kasi talaga.

" oo nga napaka takaw mo. Nakita kita dun sa beef&pork restaurant e." Naka ngisi nyang sabi sakin. Teka galing daw sya dun di kaya sya ang nag bayad? Tanong ko kaya o wag na, wag na lang di nga sya nag pakilala nung binayaran nya e.

" pano mo naman nalaman na nandun at ang dami kong kinain?" Kinuha ko na ung binili ko i mean nilibre nya at sumubo nako ng isang strawberry with chocolate.
" ahh napadaan lang ako dun, galing din kasi ako sa meeting malapit sa restaurant nayun balak ko kasi mag lakad lakad muna para pangtanggal stress" nakangiti nyang banggit sakin.

" ahh ganun ba tara gala muna tayo medyo maaga pa naman" nag lakad lakad lang kami ng maisipan nyang pumasok sa isang mall. Pumunta naman kami sa department store mag hahanap daw sya ng damit nya para sa meeting bukas. " meeting ba talaga o date?" Taas baba ung kilay ko nung tinanong ko sa kanya. " meeting meeting talaga, ikaw talaga nag seselos kaba a?" ay pumapalag. "Hindi ako nag seselos bat naman ako mag seselos? Aber!" Ngayon naman maldita ung tono ko at isang kilay nalang ung nakataas. " cute mo talaga" sabay gulo nya sa buhok ko at nag lakad na para makahanap ng bibilhin nyang damit.

Nakakailang sabi na sya ng cute a! "Nakakailang cute kana sakin a baka naman mamaya mag kagusto kana sakin nyan tsk bad yun!" Sabi ko sa kanyan sabay pout. "Aba malay mo hahaha" saad nya sabay binilisan ang lakad. Aba loko to a iniwan ako! "Teka lang ang bilis mo mag lakad uy!"

Nag lakad lakad lang kami, at sawakas may nahanap na syang damit para sa meeting kunno nya daw. Etong si steve parang babae napakatagal mamili ng damit. Habang hinahantah ko si steve na nag babayad ngayon sa cashier napatingin naman ako sa cellphone ko para tignan ang orasan. Hala ka 9 na pala hindi ko namamalayan ang bilis naman ng oras. Nakita ko naman si steve na papalapit na sakin.

"Hmml steve una nako anong oras na pala kasi e. Salamat nga pala ah nag enjoy ako kasama ka." Tatalikod na sana ako ng tawagin nya ako ulit. " Teka lang, di pako nag sasalita tatalikod ka agad tsk." Ay napaka bossy din naman pala nito. Eh kung sa nahihiya kaya ako! "sorry na agad"

"Walang ano man wala din naman kasi ako magawa tyaka masaya ako kasama ka. Teka lang sabay ka sakin diba sa hotel ka parin naka stay?" Hala ka ni libre na nga ako isasabay pa.
"Ah? Oo sa hotel parin pero okay lang wag mo na ako ihatid. Para masanay din ako mag commute mag isa diba." Ay nako annico lame reason, sana pumayag na sya. " ah ganun ba sige, ingat ka a mag isa ka panaman at babae pa." Napatawa naman ako sa sinabi nya kala mo tatay e. "Sige na see you when I see you!" Kaway ko sa kanya sabay talikod na.

Ilang minuto na pag lalakad nakarating narin ako sa hotel room ko. Hay sobra talagang nakakapagod ngayong araw.

The Promise (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon