Annico Pov.Pag kagising ko naligo na agad ako at bumaba para kumain sa buffet area para sa breakfast. Habang nag iikot ako para mag hanap ako ng kakainin nakakita ako ng chocolate croissant ng biglang may nag tong nito at kinuha na waaaah! "Hala wala na favorite ko pa naman yan hmmp" napatakip ako ng biglang medyo napalakas ung sinabi ko. "Aish ano bayan annico nakakahiya ka!" Bigla naman siyang napatingin sakin. "Hala ano gagawin koooooo!" Ano meron dito bat nakangiti sakin to. "Sorry po" yumoko nalang ako kasi naman ung bibig ko huhu.
"Haha okay lang sorry din" tapos sabay lapag ng chocolate croissant sa plato ko nagulat naman ako sa ginawa nya. "Sayo nalang mukhang favorite mo kasi talaga. Mag hahanap nalang siguro ako ng iba." In fairness ang pogi nya a tangkad pa nakakangalay tumingala. " Salamat, salamat po talaga" yumuko naman ako bilang pag galang. Tumango nalang sya sakin at tumalikod na.
Pumunta nako sa mga hot drinks at kumuha ng hot chocolate. At nag hanap ng mauupuan. "Yun malapit sa bintana" pumunta nako sa upuan at nilapag ang pag kain. Napakaganda naman sa labas, garden kasi ung nasa labasng bintana. Ngumunguya ako habang nakatingin sa labas ng biglang may nag hila sa upuan sa harapan ko kaya napatingin ako. Nanlaki ung mata ko ng makita ko nanaman sya.
"Pa share ng upuan a, if you don't mind" sabay ngiti nya nanaman "oo na pogi kana kaya tigil mo nayang pag ngiti mo!" " yah okay lang may utang na loob ako sayo e" nahihiya talaga ako huhu. Nabalot naman kami ng katahimikan kaya medyo awkward " tourist ka dito?"
" ay putek" napahawak naman ako sa puso ko, nakakagulat naman tong lalake to pogi pasalamat ka talaga pogi ka a. "Sorry nagulat ata kita cute mo naman magulat" ano daw diko narinig ung huling sinabi nya. " Hindi e pinadala lang ako dito for work, galing akong Philippine" sinagot ko nalang ung tanong nya sabay inom ng hot choco. Habang nainom ako napatingin naman ako sa mukha nya parang pamilyar sya sakin. Pero di ko maalala kung saan e. " gano ka naman katagal dito?" Feeling close naman tong si kuyang pogi. " hmmp di ko alam e kung hanggang kelan ako dito sa korea. Ikaw anong ginagawa mo dito sa hotel?"
"Ako may meeting lang, galing mo mag hangul a half korean?"
" nope p-" di ko na natuloy ung sasabihin ko nung may tumawag sa kanya. "Excuse me a sagutin ko lang" tumango nalang ako sa kanya bilang pag sagot.Makalipas ng tatlong minuto bumalik na ulit sya. " sorry miss I have to go" smile nya sakin napatingin ng naman ako sa cellphone ko. " 10 am narin pala kailangan ko narin umalis" sabay tayo ko. " ah ganun ba sige ingat ka a nice to meet you miss?" "Lee annico nice to meet you too, and you?" "Steve-" di nya na ulit natuloy ung sasabihin nya ng may tumawag na ulit sa kanya. Umalis nalang ako mukhang matatagalan pa ung pakikipag usap nya sa cellphone kailangan ko nadin mag mag madali dahil pupunta pa ako sa 'ANZ INC' para makipag meet sa magiging boss ko. Buti nalang sa hotel na to maraming taxi na dumadaa. Sumakay na agad ako at sinabi ang address. Nang makarating kami sa harap ng isang malaking companya nag bayad nako kay kuya manong driver at bumaba ng taxi. Nag lakad na ko papasok ng building at pumunta agad ako sa information para sabihin kung ano ang kailangan ko. Sinabi naman nila ito agad.
Nasa tapat na ako ng isang malaking pintuan na salamin pero hindi kita ang luob kaya kumatok nako. "come in" pag karinig ko pumasok na agad ako sa loob.
"Miss nari ako po si lee annico ung pinadala dito na galing pilipinas. Ano po ang maitutulong ko?" tanong ko sa kanya.
"Miss lee gumawa ka ng isang storya na kahit anong genre, bibigyan kita ng ilang buwan para tapusin ito. kaya buwan ang binigay ko sayo, Ayoko kasi mimadali ang bagay. papanget kasi pag minamadali. Pag natapos mo na ang istorya i-email mo nalang sakin at" sabay abot nya ng papel. "Eto pumunta ka sa lugar na ito, dahil sila ang mag a-approved ng gawa mo pag na send mo na sakin ipapasa ko sa kanila. Pag okay na email kita para pumunta sa kanila" kinuha ko naman ang papel. "ahh, sige po maam maraming salamat po sa mahabang palugid" sabay ngiti sa kanya nginitian nya din naman ako.
Nag paalam na ako sa kanya habang nag lalakad ako napag isip ko kung ung sinusulat ko nalang ang ipapasa ko patapos nanaman na iyon. Pero natuwa rin ako sa sinabi nya matutuloy na ung pangarap ko binigyan pansin din pala ng kompanya namin ung mga ginawa ko. napabulong nalang ako ng salamat sa hangin at sabay ngiti ng napakalaki.
12:30 na nag lalakad lakad lang ako dito sa seoul, patuloy parin ako sa pag lalakad hanggang nasa dead end na pala ako may isang malaking gate ako nakita na napapalibutan ng halaman dahil dito mahahalata mo na walang napunta. Muka naman maganda ung lugar kaya pinag patuloy ko Nag lakad papasok sa loob. Mukha din nakakatakot pero okay lang.
Napanganga ang aking bibig sa nakita kong kagandahan ng lugar pinag masdan ko muna ng saglit at nilabas ko naman ung camera ko para makakuha narin ng magandang larawan sa magandang tanawin. Sa sobrang ganda ng lugar nakakarelax at makakalimutan mo ung mga problema mo.
Lakad lang ako ng lakad ng makaramdam ako ng pagod umupo na ako at nilabas ko naman ung laptop ko para matapos narin ung sinusulat ko.
Habang nag ty-type ako sa laptop nakaramdam ako ng kakaiba parang bumilis ung tibok ng puso ko pakiramdam ko naman safe ako. Pero kakaiba talaga kaya mabilis kong tinapos ung ginagawa ko medyo natatakot nadin kasi ako. Kasi naman babae kaya ako mamaya kung anong gawin nila sakin matuloy na ung iniisip ko. "Isang pinay natagpuan sa liblib na lugar na punong puno ng saksak" kinalibutan naman ako sa naisip ko. Grabe talaga pag iimagine ko kung ano anong kapahamakan na nasa isip ko.
Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko kasi naman napakaganda talaga dito, nahiga nalang at tumingin sa langit at sabay pumikit.
"mag kikita pa kaya tayo?" napabulong nalang ako nakaramdam nanaman ako ng kalungkutan.
Naka ramdam naman ako ng pag ambon kaya napadilat agad ako at niligpit ang mga gamit siguro sa bahay ko nalang ito tatapusin patapos nanaman na ako.
Agad na ako nag lakad at nag hanap ng taxi liblib pa naman dito pero swerte ko ng may dumaan ng taxi malapit lapit sa pinuntahan ko, pero bago man ako mapalayo may nakita akong isang lalake na mistulang pupunta sa lugar na pinang galingan ko dahil lumalakas na ang ulan medyo naawa din ako sa lalake dahil wala syang payong ano bang trip nitong lalake nato senti na senti e mag papaka basa at sakit para sa kalungkutan tsk tao nga naman " kuya pwede hinto mo muna po saglit"
Pag kahinto ng taxi lumabas agad ako at binitbit ang payong at binuksan. Pumunta naman ako sa lalakeng nag lalakad at nilahad ko sa kanya ung payong. Hindi nya naman ito inabot agad nakatingin lang sya sa kamay ko. " uy kuhanin mo na wag ka mag pakabasa dyan. Eto payong oh wag ka mag alala sakin may extra pakong payong sa bag" sabay turo sa taxi. Nag matauhan sya dahil sa pag sasalita ko inabot nya namana agad kaya tumakbo nako sa taxi medyo nalakas narin naman kasi ung ulan. Pumasok nako at napatingin sa bintana.
Nag patuloy na sa pag lalakad ung lalake. " sige po manong driver tuloy na po tayo" pinaandar nya naman agad ung taxi. Napatingin nalang ulit ako sa bintana " ano bayan nicole ipapahamak mo ung sarili mo para sa isang tao. Napaka bait mo naman masyado" " ano kayang meron ngayon bakit ang dami kong na encounter na lalake. Ganito na bako kaganda my ghad" napangiti nalang ako sa naisip ko.
*LOTTE HOTEL*
Naka pantulog na ako ngayon at umiinom ng hot chocolate tinatapos ko na ngayon ung ginagawa ko.
"hmmp ano bang magandang tittle?" Napatingin naman ako sa tabi ng laptop at nakita ko ung album ng exo. "ahh alam ko na Idol Next Door. hahaha wooo sa wakas tapos narin ako haha." with talon talon effect. oo nga pala nakaka dalawang araw narin ako dito sa hotel may limang araw pa. san kaya ako makaka hanap ng murang apartment. Bakit kasi one week lang e nakakaurat naman. tyaka ko na nga lang iyon iisipin ang kaylangan kong isipin ay kung magugustuhan ba nila bukas ung ginawa kong story. kelangan ko ng matulog maaga pa ang alis ko bukas. Nung naka pikit nako at patulog na sana ako ng biglang tumunog ung cellphone ko " aish patulog nako e!" Pag tingin ko sa cp ko may nag email pala si Miss nari. Binuksan ko naman ung email nya.
To Lee Annico
Kailangan naka hangul pala ung story sorry kung late ko na sinabi at ngayon alam ko nasimulan mo na sya pasenysa na ulit yun lang goodluck Annico.From Ms. Nari of ANZ Inc
Nanlaki naman ako sa email ni maam nari. OMG kailangan papala I-translate sa hangul huhu kala ko makakapag pahinga nako e. English ung sinulat ko pero syempre nasa korea kailangan naka hangul. Iintindihin ko nalang huhu. Siguro bukas ko nalang aayusin antok na talaga ako at sa thursday ko nalanb ipapasa tama tama.
BINABASA MO ANG
The Promise (EXO FanFic)
FanfictionNang dahil sa sunog nawala sa kanya ang lahat, Ng dahil din sa sunog nawala ang importanteng tao sa buhay nya. Ano pa bang kaya nyang gawin para sa taong nawalay sa kanya?